Chapter 18

6.8K 186 10
                                    

Rain Aiden's POV

"Pucha ano'ng gagawin natin?" Mahinang tanong ni Zahir at umupo katabi si Aki.

We've been home for hours and there's no sign of Xyzzy or Brile yet.

It's 7 PM for fuck's sake.

"Kuya gutom na 'ko!" Pagmamaktol naman ni Raven at sumiksik sa 'kin.

"Kanina pa handa yung pagkain doon. Kumain kana." Utos ko.

"Ayoko non! Ampangit ng luto mo! Dapat kasi nagpaturo ka kay ate Xyzzy!" Parang bata na naman niyang sabi.

"Tuktukan kaya kita? Kita mo nang wala ate Xyzzy mo eh." I said and rolled my eyes.

"Hanapin na natin siya. Baka mapano siya." Nakayukong sabi ni Zahir.

"Eh paano? Wala na yung driver at sasakyan. Hindi naman natin matawagan. Ni wala tayong pera. Nakay Brile yung wallet ni Xyzzy remember?" I told them.

I looked at Breii and he'd been quiet since Brile walked away.

"Kuya Breii. Magsalita ka naman o. Hindi kami sanay na ganyan ka." Raven gently said to him and rested his head on my shoulder.

I smiled. Lumalambing na uli ang baby na 'to.

Breii smiled weakly. "I can't Raven. Ni hindi ko alam kung nasaan si Brile. Baka mapano siya. Ni hindi ko nga alam kung napaaway na siya o ano."

"Brile will always come back to you... You're his brother." Zaine said and smiled. "He'll survive. He's sure a tough guy. Mas kailangan pa nating isipin si Xyzzy dahil babae siya."

"Eh baka nga kuya lumipad na 'yon papuntang America o baka nasa mafia house dito." Zahir said and sat beside me too.

"Kuya gusto ko na talaga kumain ng luto ni ate Xyzzy." Bulong na naman ni Raven.

"Timplahan mo na nga ng gatas 'yang baby mo." Masungit na sabi ni Zahir sa tabi ko.

Syempre si Raven ang tinukoy niya kaya nagbatukan na naman silang dalawa.

Inaawat ko silang dalawa nang may kumatok sa pintuan kaya agad kaming napatayo.

Aki opened the door and there are two security guards with... Brile and Xyzzy on his arms.

"What happened?!" Nag-aalalang tanong ni Breii habang pinanood si Brile na ipasok si Xyzzy at ihiga sa couch dahil wala siyang malay.

I can see that Breii really wants to check his brother pero hindi niya alam kung paano kaya tumabi nalang siya sa 'kin at tinanong ang guards.

"What happened?" He asked.

"Sir, nakita po naming nakikipagsuntukan yung kakambal ninyo sa may kanto." One of them said.

"Nang lapitan po namin nalaman namin na mga kidnappers ang kaaway ng kapatid niyo. Sinubukan po yatang kunin yung babae at pinagtanggol lang po ng binata." The other one said. "Nahuli na din po yung mga kidnappers na isang buwan ng wanted dahil sa pagdukot ng mga babae at pag bugaw. Tinanong namin kung gusto ba niyang magpunta sa ospital pero ayaw naman niya."

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon