Chapter 33

6.3K 202 24
                                    

"Pwede niyo bang buksan?" I asked them with a bit of sarcasm. 

"Okay, yung katulong diyan." Parinig naman ni Raven sa gilid pero pinakamalapit sa pinto.

Iniayos muna ni Zaine yung mga platong inaayos niya at nagpunta sa may pinto.

"Raven, kalokohan at katamaran mo ha? Isa nalang. Isang isa nalang." I told him while glaring at him.

Agad naman siyang yumuko at umayos ng upo. "Sorry na ate."

Hindi na 'ko umimik at tatanungin sana si Zaine pero nauna na siyang magsalita.

"It's the security guard. He said the current may be back later at night. And he advised to stay in the village." And he went to continue his work.

"Huh? Wala manlang bang generator?"

"There is. Pero para sa tubig lang at isang ilaw lang. And baka kalahating araw lang yung water." I said.

Ilang segundo yatang tahimik bago sila nagtakbuhan pataas. Surely mag-uunahan sila sa banyo at maliligo sila.

Tinignan ko naman si Mavie at ngumiti. "Accept it love. Napagod din si Breii. Maligo ka nalang. Tara na sa taas." I faced Zaine who's washing the dishes. "Are you gonna be okay Zaine?"

He looked at me and smiled. "Yeah. I'll be fine here. Tatapusin ko lang 'to para makaligo na rin."

I nodded with a smile. That creature is really beautiful.

"Bakit ngiting ngiti ka lang kapag kausap mo si Zaine? May tama kana yata." Mavie said while we're ascending the stairs.

Agad ko naman siyang tinignan at tinaasan ng kilay. "Ano'ng masama? Gustong gusto ko lang yung ngiti niya, totoong totoo kasi."

"Tsk. Magsisi ka rin kapag nagsawa si Brile." And she went pass me.

"Okay lang. Kaysa nababalewala ko siya."

She stood before my door and waited. "Bakit ba kasi ayaw mo-"

"Maligo kana rin dito." I said and opened the door widely.

Nagpunta ako sa closet para maghanap ng mga underwear na hindi ko pa nagagamit pati na rin yung ibang gagamitin ni Mavie.

"Alam mo ba yung tungkol sa tattoo ni Breii? Ang ganda kasi pero nakaka-curious."

I faced her. "Breii o Brile?"

"Breii. Hindi ko nakikitang maghubad yung Brile mo at wala akong balak pakatitigan siya. Nakakatakot kaya yung aura niya." She frowned.

I nodded and continue finding clothes. "Akala ko kasi si Brile lang ang may tattoo."

"So alam mo nga ba yung tungkol sa tattoo niya?" She asked and went beside me.

"No. Ano ba nakalagay?"

"White Hyacinth?"

"Hyacinth, nabanggit 'yon once ni Breii sa 'kin. Actually that was not just a flower, it's a name or maybe code." I pulled the clothes and gave it to her.

"Paano niya nabanggit? Sino 'yon?"

"Nanonood kasi kami noon ng movie and ang dami kasing tulips. Then suddenly he just smiled and said 'mas maganda pa rin si Hyacinth', akala ko nga literal na water hyacinth eh."

"How'd you know na name 'yon. How did you confirm?"

I smiled. "Selos na selos?"

"Curious."

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon