Chapter 7

7.8K 207 13
                                    

"Ano na? Tang ina wala pa ba?!"

Naiinis akong tumingin kay Brile. "Alam mo ikaw, kasing iksi ng buhok mo 'yang pasensya mo."

"Whatever." He hissed.

"Hoy! Mabilaukan ka sana." Nilingon naming lahat si Raven dahil sinimulan na naman siya si Zahir.

Ang loko talaga. Nananahimik na nga si Zahir sa gilid, nakaupo at umiinom mula sa isang litro niyang gatas tapos sinutil na naman ni Raven.

"Hayup ka. Buti nalulunok mo 'yan!" Dagdag na naman ni Raven.

Tumayo na si Zahir kaya agad na niyakap ni Breii si Raven sabay takip sa bibig niya.

"Tama na oh. Tumigil kana please at baka ilipat ko sa'yo yung braces ng kapatid ko ng walang anesthesia." Bulong ni Breii saka hinila palayo si Raven at itinulak kay Rain. "Pakialagaan naman please yung kadugo mo."

Wait...

"May braces ka?" Tanong ko sa katabi kong lalake.

"Tsk. Why do you care? Ano ba? Asaan na? You're segueing!" Saka siya umirap.

Sa lahat, si Brile talaga ang kumukulo ang dugo sa 'kin eh.

Tinawagan ko uli ang driver and just to know na nasiraan siya kaya baka mamaya pa siya makarating.

Tinignan ko silang pito at lahat sila naghihintay ng sasabihin ko.

"Uwing uwi na ba kayo?" Tanong ko.

Sabay sabay naman silang tumango na parang mga bata.

"Okay. We'll ride a jeep."

"WHAT?!"

Oh I expected that.

I crossed my arms. "Eh ano? Tinanong ko kayo kung gusto niyong mag-stay muna dito or kumain, ayaw niyo. Matao, sabi niyo. I called the driver, nasira yung sasakyan. What? Should we wait?"

Hindi sila lahat sumagot at inis na inis na naman ang apat sa kanila.

"Saan mo ba na car nap yung sasakyan na 'yon?!" Galit na tanong ni Raven. "I wanna fucking sleep!"

"Raven, baka pwedeng kontrolin mo naman ang mga salita at temper mo. Ilugar mo." Nandito kami sa labas ng SM at madaming tao ang nakatingin sa kanila.

Umirap lang naman si Raven at hinayaan ko nalang.

"Ano na? Let's commute?" I again asked.

"Why don't we just take the cab?" Breii said.

"Pwede rin. Basta bayaran mo." I said immediately.

"Sabi ko nga jeep tayo."

Umiling nalang ako at pumara na ng jeep. Maluwang pa at buti nalang malapit kami kaya kami ang mauunang sumakay.

Nauna na 'ko at sunod sunod naman silang pumasok.

Gusto kong matawa sa mga mukha ni Zahir, Raven, Breii at Brile pero hindi ko pinahalata. Mas maiinis lang sila.

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon