Chapter 54

5.1K 140 8
                                    



"Boys, doon ko kayo sa dati hihintayin ha? Or doon niyo ako hihhintayin." I told them before walking to our building.

Hindi ko na sila hinintay magsalita or what. Ni hindi ko na rin hinintay sila Zaine at Aki. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanila.

Today's Monday, what happened yesterday? Nothing. 'Cause I stayed in my room for the whole day. Inaya ko pa nga si Mavie at Andeng na doon nalang mag-stay at magdala ng maraming pagkain. But it ended up na kaming dalawa lang ni bakla ang natira. Hayun, nagsi-date silang lahat. Ewan nga lang kung saan siya nagpunta.

"Oh, bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni bakla pag-upo upo ko.

"Ano namang gusto mong itsura ko? Sobrang saya? Nasaan si Maverina?"

Bago pa makasagot si bakla bumukas na ang pinto at pumasok si Mavie na may coffee pa from Starbucks na tatlo.

"Ano'ng naisipan nito at nag-kape?" Bulong ni Andeng.

"Si Breii ang mahilig sa coffee. Gets?"

He just nodded and we watch Mavie come to us.

"Problema niyo?" Tanong niya at inibaba ang mga kape.

"Para kanino 'yan?" Tanong ko.

"Sa mukha ni Bea."

"Gaga." Mabilis na sagot ni bakla kay Mavie.

Tumawa lang siya sa sinabi ni bakla at umupo. "Para sa inyo. Nag-aya si Breii eh."

"Hmm, kaya pala nagmamadaling umalis kanina yung lalakeng 'yon." Umiirap kong sabi.

"By the way Andeng, wala yata dito ang pinsan mo?" She asked.

"Bakit sana nandito eh? Eh for Business Management 'to. Of course doon siya sa medicine." Mataray na sagot ni bakla.

"Duh! Sorry Andeng ah? Hindi ko kasi alam eh." Sarcastic naman na sagot ng isa at humarap sa 'kin. "Nasaan ang dalawang Mendoza?"

Oo nga 'no. Nasaan sila Aki at Zaine?

"Ayun si papa Aki." Turo ni bakla sa paparating palang na Aki.

Pero nasaan si Zaine?

"NASAAN SI ZAINE?" Sabay sabay naming tanong sa kanya at parang natigilan pa siya dahil sa pagkakasabay sabay namin.

"Can I sit first?"

"Sure papa Aki." Malanding sagot ni bakla habang ngiting ngiti pa.

Umupo naman si Aki at nasa isang minuto kaming naghintay ng sagot pero wala kaming nakuha. Kahit kailan nga naman ang lahi nito.

"Aki..." I called.

He faced me and shrugged his shoulders. "He said may idadala lang siya kay Zahir."

Ano naman kaya?

Hindi na uli kami nagsalita at nag-kwentuhan nalang tutal wala na naman yata kaming teacher.

"Andeng, ano ang course ni Ken?" I asked.

"Ewan. Basta Medicine. He said he wants to be a pediatrician. And at the same time business man. Bahala siya." Sagot niya habang nag-aayos ng kilay.

"Ang gwapo ng lalakeng 'yon Andeng." Natutuwang sabi ni Mavie.

Really?

"Hoy Maverina. May Breii ka. Kung ayaw mong mas magkagulo sa angkan ko at ng mga Mendoza umayos ka."

"Wow. Parang pinuri lang eh akala mo naman nilalandi ko na."

Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila kahit walang kwenta, I had to bring out my phone since someone texted.

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon