"Waaahh! Grabe ang husky talaga ng boses niya" kinikilig na aniya ni den.
"Oo nga eh,tapos bagay na bagay pa 'yung kanta niya para sakin." ani cheng.
"Assumera! Para kaya sakin 'yon!" singit naman ni kwin.
Silang tatlo ay nag-a away away na sa iisang lalaki ngunit ako at naka tulala lang dahil sa desisyong kailangan kong pag-isipang mabuti.
"Uy! Meng,Ano nasa langit kana ba?" si den.
"H-ha? Ano ba 'yun?" inosente kong tanong.
"Jusmiyomarimar! Kanina pa kami nag sa-salita dito,hindi mo naman kami pinapansin!" inis na sabi ni kwin.
"S-sorry,may iniisip lang ako." kakamot kamot kong sabi.
Nag-tinginan silang tatlo tsaka ito na-upo sa harap ko.
"Ano ba kasi 'yon?" usisa ni cheng.
"Ha? Wa-wala.." napatikhim ako.
Tinignan ako ng tatlo ng masama.
"Hep..Hep!" saway ko.
"Sabihin mo na kasi!" pangu-ngulit ni kwin.
"May..May kaibigan kasi ako,hindi niyo siya kilala! Tapos..mahirap lang sila,baon sa utang tapos ay biglang may dumating daw sa bahay nila..Sinabi daw sakanya na siya ang 'bride' ng anak ng amo niya!" kwento ko.
"Oh,tapos?"
"Tapos..Iniisip niya na kapag daw nag-pakasal siya,hindi na mag hi-hirap ang pamilya niya." dagdag ko.
"Edi ayos! Mayaman na sila.Ang shunga ng friend mong 'yan!" ani den.
"Hindi lang kasi ganon 'yon!" hirit ko.
"Ano pang ina-alala niya?" kunot noong tanong ni cheng.
"Syempre..hindi niya pa kilala ang pamilya ng pakakasalan niya,maski nga daw ang magiging asawa niya ay hindi niya pa kilala tapos pakakasalan na agad niya?" sambit ko.
"Hmm..oo nga naman! Malay mo naman masama pala ang ugali ng nanay 'nung lalaki tulad sa mga pelikula,diba?" sang-ayon ni kwin.
"Tsaka baka mayaman lang 'yung lalaki pero di naman gwapo,diba?!" dagdag pa ni cheng.
"Malay niyo naman kasi mala Cupid at Psyche,ang maging love story nila,diba!" sabat ni den.
"Anong mala 'Cupid at Psyche'?" nagu-guluhang tanong ni kwin.
"Isa 'yung kwentong mito o myth sa Ingles! Si Psyche ay isang mortal maganda ang dalagang ito,At dahil sa ka-gandahan niya ay maraming binata ang nag-aalay sakanya kaya't nagalit si Benus o Venus na isang diyosa naman ng pag-ibig,dahil wala nang nag-aalay sakanya.Isang araw ay inutusan niya ang kanyang anak na si cupid na panain niya si psyche upang pa-ibigin ito sa halimaw ngunit ng makita ni cupid ang dalaga ay napana niya ang kanyang sarili tapos ay ang tatay ni psyche ay humingi ng tulong kay Apollo na magkaroon ng asawa ang anak,lingid sa kaalaman nila nauna nang humingi ng tulong si psyche sa diyos na si Apollo,Naging mag asawa sina cupid at psyche ngunit hindi pa nakikita ni psyche ang mukha ng asawa,nag punta ang mga inggiterang kapatid ni psyche sa bahay nila at sinabing baka halimaw si cupid dahil ng ayaw niyang ipakita ang mukha niya pero nung gabing tinangka niyang tignan ang mukha ni cupid napatakan niya ito ng kandila kaya naman nagising ang binata at sinabi niya sakanyang asawa na 'Hindi mabu-buo ang pag-ibig kung walang tiwala' kaya ayon nung nalaman ni venus na mag-asawa sila ng kanyang anak mas lalo itong galit,pinahirapan niya si psyche pero natanggap niya 'rin naman ito dahil naging imortal na si psyche."
Namamangha ako sa ikinuwentong 'yon ni den.Kahit pa isang mitolohiya ang mga 'yon.
"Wow,grabe! Ang ganda naman ng istoryang 'yan!" namamanghang sabi ni kwin.
"Oo nga,tsaka totoo ang sinabi ni cupid!" cheng.
"Pero baka parang si venus 'din ang nanay ng lalaki?" nag aalangan kong sabi.
"Oo nga! Pero tignan mo naman,natanggap naman niya si psyche diba.Malay mo ay ganoon 'din ang kaibigan mo." sabi ni den.
*
"Magandang gabi!" bati ni tatang.
"Tatang?Diba po sabi niyo ay babalik kayo makalipas ang dalawang araw?pero isang araw palang po ang nakakalipas,ah?"
"Paumanhi,ngunit sabi ng aking amo ay kailangan mo nang mag-desisyon sa lalong madaling panahon! Kaya't kailangan ko na ng i'yong sagot." aniya.
"P-pero..sabi niyo.."
"Pasensya na,napag-utusan lang ako,hija!"
Pumasok kami sa sala at tinawag ko sila mama at papa,lumabas 'din si kuya para maki-usisa.
"Mama..anong gagawin ko?"
"Anak,kahit anong desisyon ang gawin mo ay su-suportahan ka namin." sabi ni papa.
"Kung ano ang gustong gawin ng puso mo,'yon ang sundin mo." naka-ngiti namang sabi ni mama.
"Pero kung ako sayo..Gagamitin ki ang utak ko." sabat ni kuya
Tinitigan siya ng masama nila mana at papa.
"Bakit? Totoo naman talaga,eh!" depensa niya.
Huminga ako ng malalim.Ilang minuto pa akong nag-isip bago sabihin ang pasya.
Oo ba O Hindi?
Paulit-ulit kong inisip ang isasagot ngunit hindi ako maka-pili.
Kung Hindi,Magiging malaya ako ngunit mas lalong mahihirapan sila mama.
Ngunit kung Oo naman,Hindi na sila mahihirapan pa at magiging maginhawa ang buhay nila Pero ang kaligayahan ko ang aking isa-sakripisyo.
Gulong-gulo na ako.
Ano ang isa-sakripisyo ko?
Ang magiging buhay ng pamilya ko?
O
Ang sarili kong kalayaan?.
Matapos ang ilang sandali ay sinabi ko na ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.