Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagsusuka.Marahan akong tumayo sa kama para hindi ko magising si clark na mahimbing na natutulog.
Pumunta ako sa banyo.Sandali akong nanatili 'don.Pakiramdam ko pa'rin ay nasusuka ako ngunit wala naman talaga.
Maya-Maya'y bigla nalang nanlabo ang mga paningin ko.
"Clark.." anas ko.
At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na matandaan.
MARAHAN 'kong iminulat ang mga mata ko.Napa kurap-kurap ako ng masinagan ng ilaw ang mata ko.
Napakunot ang noo ko ng mapag-tanto na hindi ito ang kwarto namin.
Tatayo sana ako ngunit nahinto ako ng maramdamang may naka-hawak sa kamay ko.
'doon ko lang napagtanto na isa itong hospital room.
Kita ko si clark na nakahilig ang ulo sa gilid ko habang nakahawak ang kamay sa kamay ko.
Hindi na ako nag-tangkang gumalaw para hindi ko siya magising ngunit bigla nalang umangat ang ulo niya at diretsong tumingin sa'kin.
Nginitian ko siya at siya naman ay dali-daling tumayo at yumakap sakin.
"Are you okay? Ano? May masakit ba sayo? Sabihin mo--"
"Clark,okay na ako!" pigil ko sa mga tanong niya.
Kumawala siya at kita ko sa mata niya ang pag-aalala.
"Bakit ba nandito ako?" tanong ko.
"Nakita 'kita sa cr ng walang malay kaya nataranta ako at dinala kita agad 'dito." aniya na malungkot.
"Salamat. Sorry napag-alala pa ata kita."
"Okay lang 'yon! Basta mag-ingat ka nalang sa susunod,kung may nararamdaman 'ka pwede mo namang sabihin sakin eh."
Tumango lang ako bilang sagot.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating sina mama at papa ko,kasama si kuya.Pati ang mga magulang ni clark ay na'roon.
"Kamusta kana,hija? Are you feeling better?" tanong sakin ng mama ni clark.
"Opo,Ma!" sagot ko.
Dumating ang doktor at kinausap kami.
"Doc,bakit po bigla nalang nahimatay ang anak ko?" tanong ni mama ko.
"It's because of fatigue.And i suggest na magpahinga nalang muna siya dahil congratulations,she's pregnant!" anunsyo ng doktor.
Nanlaki ang mata ko at ang puso ko ay napaka bilis ng tibok niyon.Hindi ako makapaniwala sa sinabing i'yon ng doktor samin.
"Oh my god!" bulalas ng mama ni clark."Oh,thank god!"
Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga tao sa loob ng kwartong ito ngayon lalo na ako.
Malapit na akong maging ina? Totoo ba i'to? Salamat po lord.
Sa sobrang tuwa ay hinalikan ako ni clark sa noo at niyakap.
MATAPOS ang isang araw na nasa ospital lang ako ay makakalabas na 'rin ako.Noong una ay ayaw pa ni clark at ng mama niya na umuwi ako at gusto nilang 'doon nalang ako mag-pahinga pero pinilit ko sila at kinumbinsi na sa bahay nalang ako magpa-pahinga.
"Oh,maerene,alagaan mo ang sarili mo,ha?!" paalala ni mama.
Nasa labas kami ngayon ng ospital.
"Opo mama,kayo 'rin po!" sagot ko.
"Kailangan 'mong alagaan ang sarili mo para pag-labas ng apo ko ay maliksi at malusog siya." ani papa.
"Ano? Apo mo lang?" singit ni mama.
"Oo,bakit?" panunuya ni papa.
Akmang babatukan ni mama si papa pero agad na umiwas si papa at lumayo kay mama.
"Wag kang mag-alala pa! Aalagaan 'ko ang sarili ko!" nakangiti kong wika.
"Balae,'wag 'kang mag-alala dahil aalagaan namin si maerene pati na 'rin ang apo natin.Aalagaan siya ng anak 'kong si clark!" wika ng mama ni clark.
"Opo,mama! Aalagaan 'ko po si maerene." naka-ngiting sabi ni clark.
"Osiya,sige na! Mag-iingat kayo,ha?!" paalam ni mama.
Sandali pa silang nagpaalam sa isa't isa at nag-pasya na kaming umuwi na.
Naka-hinga ako ng maluwag ng malamang maayos na ang kalagayan ng pamilya ko dahil tinu-tulungan sila ng mga magulang ni clark.
"Mag-pahinga ka muna,hija!" utos ni mama.
"Opo,salamat po." gaya ng sabi ng mama ni clark ay pumunta ako sa kwarto at 'doon nahiga.
Maya-Maya'y pumasok si Clark.Naka-ngiti i'tong tumabi sa'kin.
"Clark.." tawag ko.
"Mmm?"
"Kantahan mo naman ako para maka-tulog ako!"
"Anong kanta?" aniya.
"Kahit ano basta maganda."
Tinignan ko siya at nakita kong nag-iisip siya ng kakantahin.
Tumayo siya at tumungo sa closet niya at pumasok 'doon.Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na siya 'don at may dala na itong gitara."This song is one of my favorite,song." aniya habang nag s-strum.
I was a man who always
Played around in love
So quick to take
But so afraid to give enoughPumikit siya habang dinadamdam ang musika habang ako ay naka-titig at nakikinig lang sakanya.
But now I've found the one
And Heaven will only know
What only my eyes can say
And time can't take awayNaka-ngiti siya sakin habang nagpapatuloy sa pag-kanta.
"It's your turn" aniya.
Mabuti't alam ko ang kantang i'to kaya napa-ngiti ako at tumango sakanya.
I was a girl who trusted no one
With my heart and the dreams
That young girls dream
Were just vanishing in the darkPareho kaming naka-ngiti sa isa't-isa.
But now I've found the one
And Heaven will only know
What only my eyes can say
They sayThat I will take you forever
And there will never be anyone else in my heart but you
And I will take you forever
And there will never be anyone else but you
Anyone else but youAt sa chorus ay nag-sabay kami.
Hinalikan niya ako sa noo matapos naming kumanta.
"Soon,i will be a great father.Hindi ko siya pagba-bawalan sa pag-kanta,hindi ko 'rin siya ito-tolerate sa mga maling nagawa ko noon,At hindi ko siya igagaya sakin sa pag-pili ng mamahalin tulad ng sakin,Pero kahit na ganito ang nangyari sa'kin ay nag-papasalamat ako dahil meron akong,ikaw.." aniya na naka-ngiti.
"Pero dapat hindi siya maging katulad mo na spoil,kailangan maging down to earth 'din siya at may respeto sa kahit na sino 'mang kaharap niya." sabi ko.
"Yes,Thankyou for making me happy,marene!"
Ako na 'yata ang pinaka-masayang babae sa mundo,thankyou,lord.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.