Kabanata Isa:

16 2 0
                                    

                        BAGO..

"Meng!" tili ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Agad akong humarap para makita siya at hindi nga ako nagkamali.

"Waahh..Deeeenn!" sigaw ko.

Para kaming baliw sa quadrangle na nag-yakapan.Marami ang mga estudyanteng nag-ti-tinginan pero hindi na namin 'yon pinansin pa.

"Uy,Den,ano?kamusta na?" masigla kong sambit.

"Okay lang,maganda pa'rin.Ikaw?" mayabang nitong sagot.

"Nilunok mo ba yung mga electric fan niyo sainyo?" sarkastiko kong asar.

Umirap siya.

"Che,wala kang ka-support support! 'di ko alam kung ba't kita naging kaibigan eh."

"Joke lang,syempre! Namiss lang kita."

"Yiieee..ako 'din,namiss 'din kita!"

Muli ay nagyakapan kami.

Si Denielle Fajardo ay matalik kong kaibigan,classmates kami mula grade 2 hanggang sa mag grade 10,ngunit ng mag grade 11 kami ay nagka-hiwalay 'din ng ipadala siya ng mga magulang niya sa probinsya nila,pero ngayong grade 12 na kami ay muli nanaman kaming magkaka-sama.

Habang nag la-lakad papuntang classroom namin ay nag-kwentuhan kami,Sobrang dami naming napag ku-kwentuhan hanggang sa maka-rating kami sa classroom namin ay walang tigil ang pag kwento namin.

"Maereneee!" isang boses ng babae ang umalingaw-ngaw sa loob ng classroom namin.

Natigil ako sa pag-sasalita.

"Maereneee..oh my gosh! May bago na 'kong crush!" aniya habang tumatakbo palapit sakin.

Nang maka-lapit sakin ay niyugyog niya ako at tila ba kilig na kilig.

"Omg,Omg.. Mas pogi pa siya kay Darnell!" kini-kilig pa'rin niyang sabi.

"Hay,nako Cherilyn Valencia! Tigilan mo na 'yan." napapa-irap kong saway.

"Oh my gosh,guys! Oh my gosh,cheng! Bakit ka umalis agad? Edi sana nakita mo siyang kumanta.Waahh ang husky ng boses niya at ang gwapo pa."

Nagulat ako ng bigla 'ding sumulpot si Kwin sa harap namin at para 'din itong ewan at kini-kilig.

"Teka-Teka! Ano ba naman kayong dalawa? Nakita niyo nang may kausap ako oh." sabi ko.

"Ay,sorry! Na carried away lang." si Cherilyn.

"By the way..Bago siya dito?" tanong naman ni Kwin.

"Hindi.Luma na siya dito! Nawala lang siya ng isang taon tapos ngayon nag-babalik na siya dito." paliwanag ko.

"Ahh..okay." tatango tango nilang sabi.

"Siya nga pala si Denielle Fajardo,bestfriend ko."

"Hi,Denielle! I'm Cherilyn Valencia,you can call me cheng." pakilala ni Cherilyn.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon