Kabanata Lima:

3 1 0
                                    

"Mama..Nagugutom na ko!" sigaw ko.

Kagi-gising ko lang at ngayon ay nag-lalakad na ako papunta sa kusina namin.

"Mama,anong u--"

Nahinto ako sa pag-sa salita ng makitang may ibang tao sa kusina namin.

Sila ang mga tauhang kasama ni tatang.

"Anak.." mahinang tawag ni mama.

"Paumanhin binibini ngunit kailangan mong sumama sa'min sa ayaw at sa gusto mo." sabi ng isa sakanila.

"Sinabi ko na! Ayuko! Hindi ako papayag." padabog kong sabi.

"Sa ayaw at sa gusto mo,hija ay sasama ka samin! 'yan ang utos ng aming amo!" sabi ni tatang.

"Pero hindi ako pumayag diba! Ano bang hindi niyo maintindihan 'don?" sigaw ko.

"Sana'y maintindihan mo 'rin na ginagawa lang namin ang utos ng aming amo." mahinahong paliwanag ng matanda.

"Umalis na kayo! Ayaw ng anak ko ang gusto ng amo niyo,kaya't mabuti pa ay ipa-intindi niyo sakanya ng mabuti." seryosong sabi ni papa.

"Pasensya na,ngunit hindi kami aalis dito hangga't hindi namin kasama ang dalaga." pag mamatigas niya.

"Bakit ba kasi ako?! Maraming dalaga d'yan at tiyak na mas maganda at may kaya kaysa sakin."

"Ngunit ikaw ang kailangan,hija!" aniya. "Kung ako sayo'y pag isipan mo ito ng mabuti,Isipin mo ang pamilya mo! Naka salalay sayo ang magiging buhay nila."

Sandali akong natahimik.Iniisip ang mga sinabi niya.Totoo ang lahat ng i'yon.

"Sini-siguro ko saiyong hindi na mag-hihirap ang pamilya mo,hindi na ka-kailanganin pa ng magulang mong mag-trabaho." dagdag pa niya.

*

"Wow,ang ganda naman dito..parang palasyo!" pagka mangha ko sa bahay na sobrang laki.

Kung sa unang tingin ay makikita mong luma ngunit napaka ganda ng bahay na ito,maraming vase ang naka display at mayroon 'ding isang malaking picture frame at doon nakalagay ang isang litrato ng isang pamilya.Dalawang matanda at mukhang mag-asawa ito na naka upo,habang sa likod ay may dalawang kasing edad 'din nila mama at papa ang naroon,at meron 'ding isang dalaga na napaka ganda ngunit ang umagaw ng pansin ko ang isang binata na hindi manlang naka-ngiti maski ang pilit na ngiti ay hindi nito ipinakita.

"Excuse me."

"Ay palaka!" gulat kong sabi.

"Pasensiya na binibini,ngunit hinahanap ka na ni madame!" aniya.

"Ma-madame?" pag uulit ko sa tinawag niya.

"Opo,andun siya sa garden at hini-hintay ka." magalang na sagot nito.

Grabe ang po-pormal ng mga tao dito.

Kakamot kamot akong sumunod kay ate.

"Narito na po siya madame" sambit ni ate ng makarating kami sa garden.

"Sige..salamat,Seira!" ani ng naka-talikod na babae.

"Ma-magandang..umaga po!" mabagal kong bati.

Dahan-dahan itong humarap sakin.

*TUG.DUG.TUG.DUG*

Agad na kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ang mala strikta niyang mukha.Hindi manlang ito ngumiti ng makita ako.

"Maupo tayo!" pormal nitong sabi.

"O-opo."

Sumunod ako sakanya,Naupo siya sa unahang bahagi ng mesa.ilang dipa mula 'roon ay na-upo ako.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon