Nagising ako ng maramdaman ang halik sa'king noo.
Marahan 'kong iminulat ang mata ko at inaninag ang mukha niya.
Naka-ngiti siyang pinakaka titigan ako.
"Bakit?" mataray kong sabi.
"Ang aga aga galit ka kaagad sakin? Wala manlang 'Good Morning,Iloveyou'?" aniya.
"Aba! Kung ikaw ba naman ang bubungad sakin sa umaga e,talagang masisira ang umaga ko!" biro ko.
Tumaas ang gilid ng labi niya.
"Sa gwapo 'kong 'to? Nakakasira ng umaga? Baka mas magandang lalaki pa 'ko sa umaga!" mayabang pa niyang sabi.
"Siraulo! Mayabang ka na nga manyak ka pa!"
"Okay lang,atleast marunong humalik."
Ramdam kong namula ang mga pisngi ko sa sinabi niyang 'yon.Gusto kong mag-tago sa kumot.
"At least hindi manyak!"
"Halatang First kiss mo 'ko eh." pang-aasar pa niya.
"Kahit hindi?! May naka first kiss na kaya sakin." mayabang ko 'ring sabi kahit hindi totoo.
"Ah,talaga? Sige! Malalaman ko 'yan!" naka-ngisi nanaman niyang sabi.
Nilapit nanaman niya ang mukha niya sakin.
Hinalikan nanaman niya ako.
"H-hoy! Hindi pa 'ko nag to-toothbrush!" Sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at muli nanaman niya akong hinalikan.
Sinamaan ko siya ng tingin."Tumigil kana Clark Kristian Ramos,ah!" saway ko.
"Bakit Maerene Baltazar-Ramos?Kasi buking kana na first kiss mo'ko at hindi ka talaga marunong humalik?" panunukso pa niya.
Hinampas ko siya sa balikat niya.
"Pwede ba maligo kana 'don para maka-pasok na tayo sa school!" utos ko.
"Gusto ko sabay tayo!" naka-nguso niyang sabi.
Pinigilan kong matawa sa itsura niya.
"Manyak ka talaga noh?! Maligo kana 'don! Baka ma-late pa'ko dahil sayo eh."
"Kung makapasok ka hahaha" humalakhak siya na para 'bang may mangyayaring ikatutuwa niya.
Tumayo siya sa kama,nag-takip ako ng mata dahil nakita 'kong naka boxer shorts lang siya.
"Paganyan-ganyan ka pa,nakita mo naman na laman nito"
"Bwiset ka talaga!" sigaw ko at hinagis ang unan sakanya.
Tumakbo siya papasok ng banyo.
Nang mawala siya sa paningin ay natawa nalang ako sa inaasal niya ngayon.
'shet,totoo 'bang may nangyari na samin?'
Para akong siraulong tinignan ang sarili.
"Kyaaaahhhh" tili ko.
"Bakit?Anong nangyare?" tarantang tanong ni kumag.
Sumilip siya at ang kalahating katawan niya ay kita ko.
"W-wala..M-May..Ipis,Oo may ipis kasi lumipad 'don." tumuro pa ako sa bintana.
"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sayo!"
"Sige na! Ipag-patuloy mo na 'yang paliligo!" ani ko.
"Paliguan kita?" panunukso nanaman niya.
"Sapakin kita?" pananakot ko naman.
"Tsk."
Bumalik na siya sa pag-ligo.Tatayo sana ako ngunit ang sakit ng hita ko.
Bumalik ako sa pag-higa dahil masakit ang hita ko kapag gumagalaw ako.
'walanja,daig ko pa nag-bike ng isang taon nito ah?'
Trenta minutos 'din ang lumipas pero hindi pa'rin ako maka-tayo.
Lumabas si kumag sa banyo na naka boxer nanaman."Ikaw na! Ipinag-handa na kita ng pampaligo mo" naka-ngisi niyang sabi.
"Bakit naka-ngisi ka d'yan?"
"Wala..masama 'bang ngumiti?" depensa niya. "Bakit? Hindi ka 'ba makatayo?"
"Waaahh..Bwiset ka! Alam mo sigurong mangyayari 'to noh?"
Binato ko sakanya ang mga unan na nasa kama.Siya naman ay tawa ng tawa habang umiilag sa unan na ibinabato ko.
Nang wala na akong mabatong unan ay ipinag-krus ko nalang ang mga braso ko.
Lumapit siya sakin at humarap.Seryoso ang kanyang mukha.
"But I'm really sorry,maerene! Sorry for being an asshole." seryoso niyang sabi.
"Pag-nakita kitang may babae pa,pareho ko kayong kakalbuhin!" pananakot ko.
Natawa siya.
"Hindi ako nag-bibiro Clark!"
"Okay,Sorry!" aniya at hinalikan ako sa noo.
Niyakap niya ako.
"'wag na tayong pumasok,mag-round two nalang tayo" bulong niya.
Hinampmas ko siya.
"Manyak ka talaga!" inis kong sabi.
"Sus,kunwari ka pa gusto mo 'din naman!"
"E,kung suntukin kaya kita? Gusto mo 'ba?"
"Relax! I'tong amasonang 'to!"
*
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.