"Hey."
I saw her smiling while waiving on me.Nag-lakad ako patungo sakanya.
My heart beats fast.Hindi ko alam kung ano ang gagawing reaksyon ng muli ko siyang makita.Naupo ako sa harap niya.
"Hey,long time no see,Kris." aniya.
I smile bitterly.
"Yeah,it's been a long time,mika.." mahina kong sabi.
"Miks.." pag-tatama niya sa tawag ko sakanya.
Hindi ko siya sinagot.
This girl infront of me.Ten years ago she is the one im with.This girl is very important to me back then.But one day she left.She left me without any word.She left me without saying goodbye.
A bit awkwardness when i saw her now.
"So..What's up?" basag niya sa katahimikan.
"Everything is fine but you come,you came back." i said.
Napatikhim siya.
"S-sorry..I'm really sorry." she said as she held my hand.
Tinanggal ko ang kamay ko at ibinaba.
"Please..let's start again?"
Nanlaki ang mata ko.Kumabog na para bang tinatambol ang puso ko.
Nagda-dalawang isip ako kung sasabihin ko sakanya na may asawa na ako.
"Why'd you come back?" tanong ko.
"I..I just want to be with you! I am here para tuparin 'yung mga plano natin.I am here to be your wife,right?"
Pinag-papawisan ako gayong may aircon naman dito.Akma akong tatayo ngunit bigla siyang nag-salita.
"I..I have.." pabitin niya.
"You have what?"
"I have a..cancer..Pancreatic Cancer." she said.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang i'yon.I shook my head.
"No,No,that's not true,right? Your kidding me." hindi ko makapaniwalang sabi.
"Kris,I want to be with you before i die.I want to spend my life with you before i die.So,please,give me one more chance?" naluluha niyang sabi.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang 'yon.Sandali akong natigilan.
Ano ang gagawin ko?Ano ang pipiliin ko? Ang tama na makakasakit sa babaeng may taning na ang buhay O ang mali na kapag nalaman nila ay masasaktan kaming pare-pareho..
———
*KNOCK.KNOCK*
agad akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko.
"Pasok po.." sabi ko.
Pumasok si mamala at may dala itong tray.
"Kumain ka muna..Bakit ba hindi ka lumalabas sa kwarto?" tanong niya.
"Salamat po mamala pero busog pa po kasi ako eh." tanggi ko.
"May sakit ka'ba? Dapat ay hindi ka iniiwan ng asawa mo!" aniya.
"W-wala po..Gusto ko lang po talaga matulog."
"You sure? Puwede ko namang tawagan si cla--" hindi ko na pinatapos si mamala.
"Hindi na po,Kulang lang po ata ako sa tulog." sabi ko nalang.
Tumingin siya sakin na may pahiwatig.
"May inaasahan na ba akong biyaya?" naka-ngising sabi ni mamala.
Hindi ako makapag-salita.Bahagya akong napayuko ng maramdamang namumula na ang mukha ko sa hiya.
"You don't have to answer.O,siya! Lalabas na ako.Ipatawag mo nalang ang mga kasambahay natin kung gusto mong kumain,ha?!" aniya.
"Opo,salamat po."
Lumabas siya ng may ngisi parin sa labi ngunit hindi ko na i'yon pinansin.
Naka-titig lang ako sa pagkaing naka-hain sa harap ko.Umuungot na ang tiyan ko ngunit hindi ko pinapansin i'yon.
Hindi ko mapigilang isipin ang mga bagay na patuloy na nana-nakit sakin ngayon.
Lumipas ang minuto hanggang sa maging oras ay hinantay ko lang siyang bumalik.
Halos limang oras 'din akong nag-hintay at hindi namalayang naka-tulog na pala ako sa kahihintay sakanya.
Naalimpungatan lang ako ng muli ay tumunog ang tiyan ko.Mahapdi na i'yon.
Naupo ako at kita 'kong wala na ang tray na may pagkaing dinala ni mamala kanina.
Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang hinihintay ko kanina pa.
Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na nga salita.Marami akong gustong itanong ngunit nag-da-dalawang isip ako.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.Mukha siyang pagod.
Malamya siyang tumingin sa'kin.
"Kumain kana?" tanong niya at hinalikan ako sa noo.
"O-Oo.." pag-sisunungaling ko.
Napa-iwas ako ng tingin ng tumunog ang tiyan ko.
Walang pakisama..
Yumakap siya sakin at sandali pa kaming naka-ganoon.Nagu-guluhan ako sa mga nangyayari.Walang nag-sasalita samin hanggang sa ako na ang bumasag sa katahimikan.
"M-matulog kana..Mukhang pagod kana e." sabi ko.
Kumawala siya sa pagkaka-yakap sakin.
Hinatak niya ako patayo.
"T-teka..saan tayo pupunta? Mag-pahinga kana,pagod ka--"
"No,Kumain ka muna.Hindi 'rin ako makakatulog kung alam 'kong nagugutom ang asawa 'ko." aniya na ikina-pula ng pisngi ko.
"Your blushing" pansin niya at marahang hinaplos ang mga pisngi ko.
"Hindi kaya!" tanggi ko.
Mahina lang siyang tumawa at hinatak na ako papuntang kusina.
Ipinag-hain niya pa'rin ako kahit na pagod na siya at sobrang lamya na niya.
"Eat that!" utos niya.
"Sabayan mo 'ko" aya ko ngunit umiling lang siya.
"Busog na 'kong nakikitang busog ang asawa 'ko."
Inismiran ko siya at kumain na.
Pumipikit-pikit na siya pero hindi niya pa 'rin ako iniwan.Kaya naman minadali ko na ang pagkain ko para maka-tulog na siya.
Nang matapos ay inalalayan ko na siya papunta sa kwarto namin.Agad niyang ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
Marahan ko siyang ipina-gulong para i-ayos siya sa pagkaka-higa.Tumayo ako para tanggalin ang sapatos niya na hindi na niya nagawang tanggalin pa at kinumutan siya.
Pinag-masdan ko lang siyang natutulog habang isinu-suklay ko ang kamay ko sa buhok niya.
Bigla ay umungol siya.
"Miks.." aniya.
Napakunot ang noo ko.Gusto ko siyang tanungin kung sino ang binabanggit niya ngunit wala akong lakas ng loob.
Bumalik nanaman ang isiping nag-papakirot sa puso ko.
Siguro ang babaeng kasama niya sa litrato ay ang babaeng tinatawag niyang 'miks'.
Muli ay ang mga luha ko ay nag-uunahan na sa pag-patak niyon.
"Ang tanga-tanga ko talaga.." sabi ko sa marahang boses.
Gabi na ngunit hindi pa 'rin ako maka-tulog sa kaiisip.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.