Kabanata Tatlo:

5 2 0
                                    

"Teka! Wag po 'yan!" sigaw ko.

"Wala naman kayong bayad sa'min kaya ito nalang gamit niyo kunin ko" ani mr.chu

"Bigyan niyo pa po kami ng isang araw,please Mr.Chu! Gipit lang po talaga kami ngayon." pag ma-makaawa ni mama.

"Ako wala na tiwala! Tagal ko na kayo binigyan palugit,pero di niyo parin bayad buo utang niyo."

"Isang araw! Parang awa niyo na" umiiyak nang pag mamakaawa ni mama.

Akmang hahampasin ni mr.chu si mama kaya naman humarang ako para ako nalang ang masaktan at hindi siya.

Napapa-pikit nalang ako sa sakit ng bawat palong ginagawa niya.Iniisip na kulang pa i'yon sa sakripisyo ng magulang.

"Itigil mo 'yan!" isang tinig mula sa pinto.

Bago sa pandinig ko ang tinig na 'yon kaya nag taka ako kung sino siya.

Isang matandang lalaki ang nasa pinto namin,pormal na pormal ang suot nito,May kasama siyang dalawang lalaki na malalaki ang katawan.Mukha itong bodyguard.

"Sino ka at nage-ngealam samin?" nang gagalaiting sigaw ni mr.chu

Pumasok ang matanda ng wala manlang alinlangan at nag lakad papunta sa gawi namin.

Humarang ang dalawang lalaking bodyguard ni mr.chu sakanya.

"Mula ngayon ay hindi ninyo na sila pwedeng saktan!" seryosong ani ni tatang.

"Sila malaki utang sakin,akin singil lang." si mr.chu

"Ang lahat ng utang nila ay babayaran ng aking amo,Umalis kana bago ka pa magsisi." pag babanta ng matanda.

"Ako may bodyguards,ako di takot sayo."

Isang pitik ng matanda ay pumasok sa pinto namin ang mga lalaki na may dalang baril.

Nanlaki ang mata ko sa mga nakita.Hindi ako maka-paniwala na nangyayari sakin ito ngayon.

Kita kong napa-lunok si mr.chu.Ang kanina'y matapang niyang tindig ay napalitan ng pag aalinlangan.

"Siguraduhin mo lang iyong amo,bayad kanilang utang!"

Kumaripas papalabas si mr.chu kasama ang kaniyang mga bodyguards.

Tinulungan kaming tumayo ng mga lalaking kasama ng matanda.

"Te-teka! W-wala naman akong utang sainyo ah?" namu-mutla na si mama at u-utal utal na.

Nangiti ang matanda samin.

"'Wag ho kayong mag-alala,dahil hindi utang ang ipinunta namin 'dito." aniya.

"Eh,ano po bang ipinunta niyo 'rito?" tanong ko.

"Ikaw.." naka ngiti niyang sambit.

"A-ako? Ba-bakit?" natataranta kong tanong. "Bata pa ako marami pa po akong pangarap sa buhay ayuko pong mag benta ng katawan hindi po ako pakawala parang awa niyo na--"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla ay tumawa ang mga lalaki habang kami ni mama ay natulala at litong lito sa nangyayari.

"Paumanhin,ngunit hindi i'yon ang ibig kong sabihin." sabi ng matanda. "Mayroon lamang akong nakatu-tuwang balita para sainyo." dagdag pa niya.

Narinig kong huminga ng malalim si mama.

"Ganoon ba? Halika't ma-upo kayo!"

Naunang tumungo si mama at ang matanda sa sofa,samantalang ako ay naiwang naka-tayo kasama ang mga lalaking may baril ngunit itinago na nila 'yon.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon