Kabanata Labing-Lima:

4 1 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin,baka mamaya ay bigla nalang silang mag-suntukan dito at mag eskandalo.

Bigla ay lumapit sa harap ko ang kaninang babaeng mukhang mataray.Nanatiling taas ang kilay niya ng titigan ako.

Tumaas ang kamay niya,kaya sa takot ko na baka sasampalin niya ako ay napa-pikit ako.Ngunit gulat ako ng maramdamang wala ng nakahawak sa'kin.

At ngayon ay hinatak na niya ako papunta kung saan.Sumusunod lang ako kung saan niya ako dadalhin.Nahinto kami sa isang kotse.

"Sino ka 'ba?" tanong niya.

"Ako si.."

"Anong koneksyon mo kay CK?"

Hindi pa ako natatapos mag-salita ay may panibago nanaman siyang tanong.

"Ah..k-kaibigan niya." halos mautal na ako ng sabihin 'yon.

"I don't believe you!" seryoso niyang sabi.

"Toto-o.." pilit 'kong sabi.

"If you and CK are just a Friends..Bakit Nasayo ang isang Singsing na halata namang ka-couple ng sakanya?" pag uusisa niya.

Hindi na ako nakapag-salita.Napayuko nalang ako at hinihiling na sana ay maka-alis na ako sa lugar na i'to.

"Answer my question,miss.."

"Wala naman talagang namamagitan samin eh. Kakilala ko lang siya,okay?! At itong singsing hindi lang naman siya ang may ganitong singsing,diba? Malay mo ay same lang kami ng pinag-bigyan niya 'nung kapares ng sakanya!" depensa ko.

Umarko nanaman ang mga kilay nito.Sumandal siya sa kotse.

"If you say so.." makahulugan niyang sabi habang nakatingin 'kung saan.

Tinignan ko 'din ang pinakakatitigan niya.Nanlaki ang mata ko ng makita si Clark na nakayuko ilang dipa lang ang layo samin.

Nakayukom ang mga kamao niya ani mo'y nag-pipigil ng galit.

Ano kayang nangyari sakanila?

"Is that true?" paniniguro pa ng babae na tinatanong ay si kumag.Ngunit hindi siya sinagot nito. "Oh well,if she said so."

Tumayo ng ayos ang babae at papalakad na paalis.Isang hakbang palang ang lagpas nito kay kumag ay nahinto siya ng bigla ay mag-salita si clark.

"Isipin mo 'kung anong sa tingin mo ang totoo.." pahiwatig na sabi niya.

Saglit na nanahimik ang paligid at kita 'kong natawa siya ng mahina.

"I'm not that too stupid,CK!" aniya at tuluyan ng umalis.

Naglakad papalapit sakin si kumag at hinila ako.Nanlalamig ang kamay niya na para 'bang humawak siya sa yelo.

Inalalayan niya akong makapasok sa kotse niya at doo'y nanahimik kami.Napatingin ako sa side mirror ng papalayo na ang kotse niya at nakita 'kong nakatanaw si Hennessy 'don habang naka-pamulsa.

Mukha naman itong maayos o walang galos,siguro ay hindi sila gumawa ng anumang eskandalo sa bar na i'yon na ikinahinga ko ng maayos.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala manlang ang nag lalakas loob na mag-salita samin.

Habang naliligo siya ay pumunta muna akong kusina.Umupo lang ako 'don habang naka-tulala.

Bigla ay may nag-abot sakin ng isang basong tubig,nilingon ko i'to.Si Ate Dayang.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?"

Nangiti lang ako sakanya at iniabot ang tubig.

"Si Kristian ay mabait na bata..Napaka galang niya at masiyahin na bata,pero bigla nalang nag-bago ang lahat ng makilala niya ang isang babae." kwento niya.

Napatitig ako sa sinabi niyang i'yon.

"A-ano pong nangyari?" mausisa 'kong tanong.

"I'yon ang hindi namin alam..Sa totoo lang ay saakin nagku-kwento ang batang i'yon,ikinu-kwento niya ang tungkol sa babaeng i'yon ngunit bigla nalang ay hindi na siya nag-kwento pa,at i'yon ang ipinag tataka ko." dagdag pa niya.

Mas lalo akong nag-taka sa sinabing i'yon ni ate dayang.

So,dati palagi siyang masaya?Pero bigla nalang siyang naging ganoon sa hindi malamang dahilan?

Hanggang sa maka-tulog ako ay iniisip ko ang sinabing 'yon ni ate dayang.

K I N A B U K A S A N

nagising ako at nakita 'kong wala na si kumag sa sofa.

Nakakapagtaka,dahil ako palagi ang mas nauunang magising kaysa sakanya.Naligo At nag-handa na ako sa pag-pasok ko.
Pumunta ako ng kusina para tignan siya ngunit wala siya 'ron.Naabutan 'kong nandon si ate dayang at mamala kaya naman lumapit ako sakanila.

"Good morning po,mamala at ate dayang."

"Oh,ikaw pala hija,magandang umaga 'din." si ate dayang.

"good morning,kumain kana!" aya ni mamala.

"Na-nasaan po ba si Clark?" tanong ko.

Nag-tinginan pa muna silang dalawa bago ako sagutin.

"Umalis siya kaninang umaga,pero bago siya umalis ay nag-luto siya at ang bilin niya ay pag gising mo ay ipakain ko sayo ang niluto niya." ani ate dayang.

Napakunot ako ng noo.

"E,saan po ba siya pupunta?"

"Hindi niya sinabi,basta ay bigla nalang siyang umalis." sagot pa ni ate dayang.

"Edi hindi nanaman po siya papasok?"

"ganoon nga siguro." sabi ni mamala.

"Sige na kumain kana para mapaihatid ka sa eskwela mo." si mamala.

Kumain ako ng mag-isa at nag-pahatid na sa school.Pag-dating sa school ay agad na bumungad sakin si Kumag.Ilang dipa ang layo nito sakin,tatawagin ko sana siya ngunit agad na may babaeng pumulupot sakanya.

Bigla ay may kung anong kirot sa puso ang naramdaman ko.Para 'bang pinipiga ang puso ko ng makita siya na may kasamang iba.

"Hey,Wonder Women!"

Gulat ako ng bigla ay may umakbay sakin,alam 'kong sinadya niyang lakasan ang boses niya.

Lumingon sa gawi namin si kumag,pailalim nitong tinignan si Hennessy.Sandali pa silang nagtitigan ng masama,ngunit si kumag ang nag-bawi no'n at naglakad kasama ang babaeng naka-pulupot sakanya.

Hinatak ako ni Hennessy,hindi ako nakapalag dahil mas malakas siya sakin.Nasa likod na kami nila kumag.

"I missed you,maerene!" sabi ni Hennessy.

Nanlaki ang mata ko at hindi nakapag salita sa sinabi niyang i'yon.

"Ouch.." usal ko ng mauntog.

Nahinto si kumag sa pag-lalakad at nilingon kami.

"Honey,what's wrong?" tanong ng babae.

Hindi siya sinagot ni kumag ni hindi nga ito nilingon.Nakatitig siya samin ni hennessy.

Muli ay inakbayan ako ni hennessy.

"Tara kain tayo! My treat" naka ngiting sabi ni Hennessy habang inaakay nanaman ako.

Nilagpasan namin ang dalawang nasa harap dahilan para mag-hiwalay sila.

"What the hell!" bulyaw ng babae ngunit hindi ito pinansin ni Hennessy.

Nilingon ko sila at kita ko ang mga nag ngingitngit na si kumag.

Napa-buntong hininga nalang ako.Siguro ay mas tama na 'to.Hindi ko alam ngunit alam 'kong nasasaktan ako sa ginagawa niya sakin.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon