Kabanata Siyam:

3 1 0
                                    

"Ms.Mango,Akin na nga 'yang relong nasa gilid mo!" utos ng kumag.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa pag sasagot sa workbook ko.

"Hey,i said akin na 'yang relong nasa gilid mo!" pag uulit niya.

Hindi ko pa'rin ito pinansin.

"Tsk. Tamad mo!" aniya.

Siya na ang kumuha no'n mula sa gilid ko.

"Kaya mo naman palang kuhanin sana kanina mo pa ginawa,hindi 'yong nag-uutos ka'pa" parinig ko.

Nanatiling sa papel ako naka-tingin.Pinapakiramdaman siya.Maya maya'y lumabas siya.

Tumayo ako at pumunta sa veranda.Naupo ako 'don at pinag-mamasdan ang tanawin.Ilang minuto pa akong nag lagi 'don at naisipan ko ng matulog na.

*
Naalimpungatan ako ng may maramdamang may gumalaw mula sa tiyan ko.Idinilat ko ang mata ko at tinignan 'yon.

O_O"

"Aaaaaahhhhh" sigaw ko.

Agad 'kong tinanggal ang kamay ni kumag na naka-patong sa tiyan ko.

Shit.

"Bwiset,Ang ingay mo!" singhal niya.

"Manyak ka talaga! Bakit dito ka natulog,ha?! Tapos naka-patong pa 'yang kamay mo sa tiyan ko!" bulyaw ko.

"Can you please shut the fuck up!"

"Manyak ka,Manyaaakkk!!!" sigaw ko.

Umupo siya ng padabog at hinarap ako.

"Ang arte mo! Fiancé mo na'ko,bukas ay kasal na tayo,mag iinarte ka'pa?!"

"Wala akong pake! Hindi ko naman 'to ginusto eh."

"I know! Kasi alam 'kong pera lang naman ang habol mo samin,diba?"

Nag-pantig ang tenga ko sa sinabi niyang 'yon.

"Mukha kasing pera ang pamilya mo." dagdag pa niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa galit,pati ang dugo ko'y kumu-kulo na 'rin.

Sinampal ko siya sa galit.

"Wala kang alam sa pamilya ko..Hindi porket may nasasabi kayo sa buhay ay pwede kanang manapak ng taong mahirap na tulad ng pamilya 'ko." sabi ko. "Siguro nga totoo ang sinabi ng mga kaibigan ko..Na talagang mapang mata kayo,pero tandaan mo 'to..Isa lang ang meron kami,na wala kayo..'Yon ang puso..Wala kayong mga puso.Okay lang sainyong makaapak ng tao bastat nagkaka-pera kayo."

Matapos 'non ay tumayo ako at dumiretso sa banyo.Doon ako nagpalamig ng ulo.Halos kalahating oras 'din akong naroon.

Magpa-palate nalang ako,ayos lang kahit absent ako sa unang subject ko.

Nang matapos akong makapag bihis ay wala na siya 'ron,sa likod ako ng bahay dumaan papalabas at nag-commute ako papunta sa school.

*

"Uy,Meng! Bakit absent ka sa unang subject natin?" usisa ni den.

Naka-tulala lang ako na ani mo'y walang kasama.

"May problema ka 'ba,meng?" alalang tanong ni kwin.

Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Uy,pwede mo namang sabihin samin eh.!" pangungulit pa ni cheng.

Hindi pa 'rin ako nag salita,hindi ko iniintindi ang mga tanong nila,nag lalayag ang isip ko at halos malayo na ang narating.

"Uy!" inalog alog ako ng tatlo.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon