Kabanata Labing-Isa:

5 2 0
                                    

"Okay,Class dismiss!" anunsyo ng guro.

Inayos ko ang gamit ko at tumayo na.

"Uy,meng! Susunduin ka ba ng fiancé mo?" tanong ni cheng.

"Ha--Ahh..uuwi ako mag-isa!" pilit akong ngumiti.

Tama.Hindi ako sasabay sakanya.Uuwi ako sa bahay namin. 'Don ako matutulog.

"Bakit? Diba dapat ay sinu-sundo ka niya?" usisa ni den.

"Oo nga! Obligasyon niya 'yon!" sabat ni kwin.

Muli ay ngumiti ako ng pilit.

"Wala siyang obligasyon! Pareho kaming hindi gusto ang isa't isa.Kaya Wala siyang obligasyon sakin at gano'on 'din ako." paliwanag ko.

"Sabagay.." malungkot na wika ni kwin.

"Tama na 'yan! Tara,Uwi na tayo!" aya ko.

Nag-lakad kami papalabas ng classroom namin.

"Hi!"

Gulat ako ng pag-labas ko ng pinto ay may nag salita.

"Ayan ah! Parang mali 'yan.." bulong ni den.

"Tsk. Tsk. May fiancé na't lahat,nag e-entertain pa ng iba.." bulong 'din ni cheng.

"Ah,meng! Una na kami ah!" Palusot ni kwin.

Hinatak niya ang dalawa at tuluyan na nga akong iniwan.

"Ahm..naka-istorbo ba ko sa bonding niyo?" tanong ni Hennessy.

Yep.Ang pangalan niya ay Hennessy Vargas.

"Hindi.Actually pauwi na kami." sabi ko.

"Mm..I'll just take you home."

"Hindi na,Okay lang! Kaya ko namang umuwi mag-isa." tanggi ko.

"Let's go!"

Hindi ko na siya napigilan pa ng hatakin niya ako.Nag pati-anod nalang ako at nag-lakad na 'rin.

Dumiretso kami sa parking lot.Aayusin lang daw ni Hennessy ang loob ng kotse niya.

"Please,honey.." narinig ko ang isang babaeng nag salita.

Sa pag tataka ay sinilip ko 'yon. Isang dipa lang ang layo no'n mula sa lugar kung nasan kami.

"No!"

Matapos marinig ang lalaking nag salita no'n ay tumayo ang balahibo ko.

"Just for tonight..Get inside of me,honey.." malanding sabi ng babae.

Agad nanamang tumibok ng mabilis ang puso ko.Parang gusto na nitong lumabas.

Nararamdaman ko nanaman ito,Ito ang pinaka-ayokong maramdaman dahil hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sakin.

Nanatili akong naka-tayo 'don.Para akong nilagyan ng pako sa paa at hindi maka-galaw.

Kitang kita ko ang mga kaharutang pinag-gagawa nila.Nakakadiri.

Nabigla ako ng may humawak sa palapulsuhan ko.

"Mukhang mas masarap maglakad pauwi.Right Maerene?" Malakas na sabi niya at hinatak nanaman ako.

"Hennessy.." mahinang tawag ko.

"Akin na 'yang bag mo,Ako na ang mag-dadala." aniya at kinuha ang bag ko.

Alam kong sinasadya niyang lakasan ang boses niya.At alam ko 'ring nakikita kami ngayon ng magaling na fiancé ko at ng babae niya.

"Let's go I'll take you home!" naka-ngiti niyang sabi sakin.

Hindi pa siya nakontento sa pag-hawak ng palapulsuhan ko.Umakbay pa siya sakin at inakay nanaman ako papalayo 'don.

Nang maka-layo kami ay huminto ako.

"Wait.."

"Bakit?"

" 'Diba..Parang mali 'to?" ani ko.

"Hmm..I'm right!" tatango-tango niyang sabi.

Napa-kunot ako ng noo.

"Anong..Your right?" tanong ko.

"I'm right! That you don't know what is the rule of love."

"Rule? Rule of love?" pag-uulit ko.

"Yep..In Love there's a rule,like in our life there's always a rules!" pahiwatig niya.

"Hindi kita ma-gets." gulong sabi ko.

Na-upo kami sa isang tabi.Tumingin lang ako sakanya habang tumititig siya sa langit.

"Someday..you'll realize na..Hindi naman masamang maging selfish.." naka-ngiti niyang sabi.

Nanatili akong tahimik.

"Minsan kasi kapag masyado ka nang mabait,inaabuso na nila 'yon eh. Yung tipong kahit na alam nilang nasasaktan kana sa ginagawa nila pero alam nilang you'll forgive them,gagawin at gagawin nila 'yon! At worst kahit ilang beses pa kaya nilang gawin." dagdag pa niya.

Ilang minuto pa ang dumaan at walang nag salita samin.

Napapaisip nalang ako.

Siguro kung siya ang fiancé ko,kaya ko pa siyang matutunang mahalin..

Marunong siyang maka-intindi sa nararamdaman ng tao..

"Ang swerte siguro ng mapapang-asawa mo.."

Hindi ko alam ngunit bigla nalang 'yon lumabas sa bibig ko.

Tumingin siya sakin.

"Sorry.." sabi ko.

Ngumiti siya sakin.

"It's okay! But..for now,hindi ko muna iniisip 'yan! Tsaka nalang pag divorce na siya." ang huling sinabi niya ay mahina na at hindi ko na naintindihan masyado.

Tumango nalang ako kahit hindi naintindihan ang kabuuan ng sinabi niya.

Sa tuwing makikita ko si Kristian na may kasamang ibang babae,bakit palagi nalang nasa tabi ko ang lalaking ito?

Matapos no'n ay hinatid na niya ako.

Habang nag lalakad kami ay ikinu-kwento ko sakanya kung sino talaga si kristian sa buhay ko.

Ang dami kong natu-tunan sakanya.Napaka independent niya at talagang kahanga-hanga na kahit ilang beses na siyang sinaktan ng mga babaeng minahal niya ay umaasa parin siyang darating ang araw na may mag-mamahal sakanya,tulad ng pag mamahal na ibinibigay niya.

"Salamat sa pag-hatid,hennessy!"

"Always welcome! Thanks also dahil pinayagan mo 'kong ihatid ka though hindi mo naman talaga ko kaibigan."aniya.

"Sus,kaibigan na kita,noh! Ikaw kaya ang superman ko!" masaya kong wika.

"Superman?"

"Mm..Palagi mo 'kong inililigtas sa kumag na 'yon!"

"Ah..don't worry i can be your crying shoulder,Wonderwomen!"

"Hahah..wonderwomen ka d'yan! Sige na,gabi na baka hinahanap kana sainyo."

"Bye-Bye! Seeyou tomorrow,Ah,No! Goodluck pala"

"Thanks! Ingat ka ah!"

Inintay niya muna akong maka-pasok sa bahay bago siya mag-lakad papaalis,tinanaw ko siya mula sa bintana at ng masigurong wala na siya ay tuluyan na akong pumasok sa bahay.

Naninibago ako dahil alas siyete palang ay mga tulog na sila.Samantalang noong nandito ako ay halos alas diyes na kami matulog at nag ku-kwentuhan kami sa sala.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon