Nag-simula ang event at tatlong banda na ang nakapag-perform.
Kuha 'don,Kuha dito.
Kung saan-saan ako pumu-puwesto sa harap ng stage para makuhanan ang mga bandang nagpe-perform.
"Thankyou boys! Ang galing nila ano?" sabi ng babaeng host ng matapos ang isa pang banda.
"And now..please welcome, Midnight Rhapsody!" announce ng host.
Ibinaba ko muna ang kamerang hawak ko at uminom ng tubig.
Can I touch you?
I can't believe that you are real
How did I ever find you?
You are the dream that saved my life
You are the reason I survived
Baby...Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko ng mapag-tanto kung sino ang kumakanta.
Napapalunok ako ng makitang naka-titig i'to sa'kin habang kumakanta.
"Miss,Baltazar! Kuhanan mo sila." rinig 'kong sigaw sakin ni miss.
"O-Opo!"
Agad 'kong kinuha ang kamera at kumuha ng mangandang anggulo tsaka sila kinuhanan.Ilang shot 'din ang kinuha ko.
I never thought that I could love
Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true
I know it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need youSa pagkakataong i'to ay tinitigan ko nalang siyang kumakanta sa harap ng maraming tao.
I LOVE YOU
sa linyang 'yon ay tumingin siya sakin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.Para i'yong may malaking speaker na talaga namang dumadagungdong sa lakas.
Hindi niya ako sinasabihan ng i love you O mahal kita. Pero sa kantang i'yon ay para niyang naparating na mahal niya ako.
Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng matapos ang performance nila.
"Thank you Midnight Rhapsody,Grabe ang audience impact ah!" papuri ng host.
"And now..please welcome our last band! Hilarious Melody." pag-papakilala niya sa sunod na banda.
Halos mapigil ko ang pag-hinga ng makita si Hennessy na naka-ngiting nag-lalakad.
Nag-umpisa na i'tong tumogtog.
I realize the best part of love is the thinnest slice
And it don't count for much
But I'm not letting go I believe there's still much to believe in
So lift your eyes if you feel you can Reach for a star and I'll show you a plan I figured it outNakatitig 'din siya sakin habang kumakanta kaya naman itinaas ko ang kamay ko at nag-thumbs up.
Kinuhanan ko 'din muna sila ng litrato bago ako manood sa performance nila.
Matapos ang performance nila ay nagsiba-baan sila sa stage.
"Thankyou Hilarious Melody! And syempre meron tayong pa-commercial bago natin malaman 'kung sino ang mananalo sa Mareth band!" ani ng host.
"You may take your break miss baltazar!" sabi ni miss ng makalapit sakin. "I'tong si kell muna ang papalit sayo!"
"Okay miss!" sagot ko.
Tinapik-tapik ko pa muna ang balikat ni kell bago ako tuluyang umalis.Si kell ang isa pang photographer.
Nag-tungo ako sa backstage para kuhanin ang gamit ko.Nang makarating ako 'doon ay nakita ko ang ibang mga magkaka banda.
Inayos ko muna ang gamit ko at iniwan muna i'yon sa isang upuan.Naglakad ako papunta sa isang mesa na may mga bottled water.Kumuha ako ng isa at akmang aalis na ngunit nagulat ako ng may humatak sa braso ko.
"An---" automatikong natahimik ako.
Naka-dikit siya sakin at pasimpleng kinuha ang boteng hawak ko.Binuksan niya 'yon at agad na ibinigay sakin.
"S-salamat." sabi ko.
Kumuha 'din siya ng kanya at ininom i'yon.
"'Wag 'kang mag-pagod masyado! Hintayin mo'ko sa labas,mauna kana,susunod ako!" utos niya.
"Ha? Bakit? E,hindi pa tapos ang event 'diba?" tanong ko.
"Gawin mo nalang ang sinasabi ko,mango girl!" aniya sa mahinang boses at nilayasan ako.
Ang bwiset na'to napaka bossy talaga! Hmpft. Kainis!
Gaya ng sinabi niya ay lumabas ako matapos ayusin ang mga gamit ko.
Nag-hintay ako malapit sa kung nasaan ang kotse niya.At nang makita 'kong nag-lalakad na siya papunta sa gawi ko ay kinawayan ko siya.
Naka-suot ang mask at ang cap na suot niya kanina.Napa-ngiti tuloy ako.
"Para 'kang artista na nakikipag-kita sa kung sinong babae,ah?" natatawa 'kong sabi.
Sumimangot siya.
"Hindi ka kung sino lang!" naka-simangot niyang wika.
Pinisil ko ang pisngi niya na mas lalong ikina-nguso nito kaya natawa ako sa inasal niya.
"Bakit mo'ko tinatawanan?"
"Wala! Para ka kasing batang hindi binigyan ng candy e."
Sinamaan niya ako ng tingin.Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko naman.
Palagi niya i'tong ginagawa ngunit hindi ako masanay-sanay sakanya.
"Umaataki nanaman i'yang kamanyakan mo!" saway ko.
Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi niya dahil sa sinabi ko.
"Bakit? Bawal ba?"
"Hindi.."
"O,hindi naman pala eh!"
"Ay,ewan sayo! Manyakis!" matapos kong sabihin 'yon ay iniwan ko siya at nag-lakad.
"T-Teka..H-Hoy! Saan ka pupunta?" dinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. "Mango girl! Where the hell are you going?"
Sisigaw pa sana siya ng lingunin ko ngunit bigla siyang natigil at dali-daling isinuot ang mask na hawak niya dahil mayroong mga babaeng dumaan at naka-tingin sakanya.
Napatawa ako ng bigla siyang yumuko at umayos ng lakad.At nang mawala sa paningin ang mga babae ay bumaling nanamn i'to sakin.
Lakad takbo ang ginawa ko ng makitang tumatakbo na siya papalapit sakin.
"Patay ka sakin pag-nahuli kita!" sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin.Sa halip ay mas binilisan ko na ang pag lakad takbo para hindi niya maabutan.
Lilingunin ko sana siya ngunit huli na ang lahat.Pag-lingon ko ay saktong pag-hablot niya sakin.Nakahawak siya sa beywang ko.
Tinanggal niya ang mask na suot niya.
Itinaas niya ang kaliwang kilay kasabay no'n ang pag taas ng gilid ng labi nito.Nagmamayabang.
"You can't run from me,mrs.ramos!" mayabang niyang sabi.
Tinampal ko ng mahina ang mukha niya.
Pakiramdam ko ay para na akong kamatis.Dama ko ang pamu-mula ng pisngi ko at hindi ko maiwasang matawa sa kilig ng dahil sa sinabi niyang 'yon.
Natawa siya ng bumaling sakin.
"Your blushing!" panunukso nito.
"Tss. Asa!" depensa ko.
Hindi siya nag-salita at inilapit ang mukha niya sakin tsaka niya idinikit ang kanyang malalambot na labi sa labi ko.
Sa sandaling i'yon ay nakalimutan 'kong nasa public place pala kami.Nang ihiwalay niya ang kanyang labi ay napayuko ako ng mapansing nagti-tinginan ang mga napapadaan sa gawi namin.
Natawa kaming pareho sa kalokohang ginawa namin.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.