Kabanata Walo:

5 1 0
                                    

"Aaahhhhh..What the heck!"

Napatayo ako sa sigaw na 'yon.

"Hoy,ano ba? Kita mo ng may natutulog oh!" sigaw ko sakanya.

Nakatayo siya sa salamin at titig na titig 'don.

Ano ba kasing problema nitong manyak na kumag na 'to?

Humarap siya sakin at 'doon ko lang napagtanto ang nangyayari sakanya.

"Bwahahahaha..Ang ganda mo ah?" pang-bubuyo ko pa.

"Shut up!"

Sumipol pa 'ko para mas lalo siyang maasar.

Lumapit siya sakin at tinignan ako ng masama.

"Ikaw ang may gawa sakin nito,noh?"

"Nakita mo naman diba? Kakagising 'ko lang! Tapos ako agad ang pag bi-bintangan mo,ayos ka 'rin ah?" depensa ko.

"Sinong gagawa nito,kundi ikaw lang! Tayong dalawa lang ang nandito sa kwartong 'to!"

"Aba! Malay ko sayo! Baka..May multo dito? Awooo"

"Pinag-ti tripan mo ba'ko babae?" namumula na siya sa galit.

Ini-imagine 'kong may lumalabas na usok sakanyang bunbunan pati na 'rin sakanyang tenga't ilong.

Pffft. Wala ka pala eh.

"Wag kang mang bintang ng kapwa,masama 'yan!" ani ko.

"Arrrg! You evil monster!"

Nag walk out ang loko.Dumiretso siya sa banyo.At ako naman ay tumayo at iniligpit ang hinigaan ko.Matapos no'n ay tumambay muna ako sa veranda at kinamusta sina mama at papa.

*

"Papasok na po ako!" paalam ko.

"You should wait your fiancé! Dapat ay sabay kayo!" ani mama.

Napa-buntong hininga ako.

"May gagawin pa po kasi ako eh." palusot ko.

"Sasamahan ka ng fiancé mo!" pamimilit niya.

Wala na akong nagawa kundi ang antayin ang manyak na kumag maya maya pa'y dumating 'din siya.Sumakay kami sa iisang kotse papalabas ng gate.

"Kuya,paki-tabi!" sabi niya ng makalayo na 'rin kami sa bahay nila.

"T-teka..San ka pupunta?" tanong ko.

"None of your business,miss mango!"

Inambaan ko ang kumag at napa-ilag naman siya.

Bumaba siya at gulat ako ng may motor ng nag-iintay sakanya sa labas ng sasakyan.Sumakay siya doon at nauna na.Nasa likod niya ay ang kotseng sinasakyan ko.

Nang makarating kami sa gate at makababa ako sa kotse ay nilapitan niya ako.Gulat ako ng iabot niya sakin ang helmet na hawak niya.

"Hoy,kumag! Hindi ako utusan! Kaya wag mo sakin ibigay 'yan!" irita kong sabi.

Hindi niya ako pinansin,tinapik niya lang ang balikat ko tsaka siya nag-lakad papalayo.Napamaang nalang ako aa ginawa niyang 'yon.

Bwiset ka talagang manyak na kumag ka eh.

Ibinigay ko nalang sa driver ang helmet niya at pumasok na 'rin ako sa klase ko.

*

"Uy,Meng!" tawag sakin ni den.

Nasa quadrangle kami ngayon at nakatambay.

"Hmm?" tugon ko.

"Bakit pala wala ka 'daw sa bahay niyo? Pumunta kasi kami 'don para sainyo tayo mag movie marathon kaso wala ka 'daw 'don sabi ng mama mo" aniya.

"A-hh..Ahm.." nag dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko o hindi ang tungkol sa kasunduan na i'yon. "Nandon kasi ako sa..Sa bahay ng tita ko.Oo 'don nga!"

Tumango-tango sila bilang pag-sang ayon sa sinabi ko.

"Guys..What if..Ikasal ako sa age 'kong 'to? Ano magiging reaction niyo?" nakatulala kong tanong.

"Okay lang" si Kwin.

"Yep,basta mahal ka" si Den.

"Oo,tapos mahal mo 'rin,okay lang 'yon samin." si cheng.

"Kahit na..Famous siya? And idol niyo siya?" tanong ko pa.

"Hahahahaha" nag tawanan sila sa tanong 'kong 'yon.

"Sino naman ang papatol sayo aber?" ani den.

"Mas para ka pa ngang lalaki eh." dagdag pa ni cheng.

"Tsaka mahirap lang tayo! Schoolar lang tayo 'dito,Meng,At masyadong matapobre ang mga tao dito!" si kwin.

Tsk. Oo nga naman.. Masyadong mapang-mata ang mga taong nag-aaral dito na hindi naman scholar.Lalo na't isang kilala pa ang binanggit ko,mas lalo silang hindi maniniwala 'ron.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" kunot noong tanong ni cheng.

"Wala lang.."

"Nako! 'wag kanang umasa! Masasaktan kalang!"

"Heller,famous pa 'yon,E,halos lahat ng famous na lalaki 'dito ay playboy,mga tukso! Paasahin ka tapos iiwan ka 'rin naman kapag pinag sawaan kana!" sabi ni cheng.

"Kaya kung ako sainyo? Magtapos muna tayo ng pag-aaral,tapos no'n mag trabaho tayo at kapag naka-ahon na tayo sa hirap,tsaka na tayo mangarap na makapag asawa ng isang kilala.." kunsinte pa ni den.

"I agree.." nag-taas pa ng kamay si kwin.

"Same here.." Pati si cheng.

"Oo na! Tama na! Pinag-tutulungan niyo na 'ko eh." awat ko. "Teka lang..Punta lang ako sa c.r."

Naiwan ang mga kaibigan ko dahil malapit lang naman ang c.r. sa pinag-tambayan namin.

Ilang dipa pa ang layo ko mula sa girls comfort room ay may naaninag ako.

Isa i'yong bulto ng lalaki at babae.Pinag-masdan 'kong mabuti i'yon,parang kilala 'ko ang lalaking 'yon?

Nanatili lang akong nakatayo 'don at pinapanood ang bawat pag haplos niya sa babaeng naka-sandal sa pader at nakapulupot sa baywang niya.

Napa-takip ako ng bibig ng makitang hinalikan ni Kristian ang babaeng 'yon.

Bigla ay nag-init ang mata ko.Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng lungkot,dismaya at halo halong emosyon.

Maya-maya pa ay bigla nalang naging itim ang paningin 'ko.Napa-pikit ako.Naramdaman ko ang kamay na nakatakip sa mata ko,At may tao mula sa likuran ko.

Sandali pa akong nanatili 'don,Mas mabuti na 'rin na sumulpot ang kung sino man siya dahil hindi ko alam ang nangyayari sakin.

Tinanggal niya ang kamay niya,Diretso ang tingin ko sa dalawang nag haharutan.Lumayo ang ulo ni Kristian sa babae at saktong napalingon sakin.

Gulat ako ng hatakin ako papaharap ng nasa likod ko kanina.

Matangkad,Maputi,At singkit na lalaki ito.

Nangunot ang noo ko ng ngitian niya ako.Bumaling muna siya sa gawi nila Kristian tsaka niya ako hinatak papalayo sa pwestong i'yon.

Tumigil kami ng makalayo na 'ron.

"If you want to cry,just cry!" marahan niyang sambit.

Hindi ako nakapag-salita.Nanatiling tikom ang bibig ko.Iniisip ko na bakit nga ba kailangan 'kong umiyak? Hindi naman kailangan dahil napilitan lang naman kaming pareho sa kasal na mangyayari.

Pinigilan ko ang luhang gustong bumagsak.

"Hindi,Bakit naman ako iiyak? Hindi naman siya kawalan eh. Isa pa,Hindi ko naman siya boyfriend o ano pa man,wala akong pake sakanya..Wala talaga.." depensa ko.

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon