"Akin na nga 'yang relong nasa side mo." utos niya.
Hindi ko siya pinansin.
"Hey! Abutin mo sabi 'yang relo ko!" pag-uulit niya.
Ngunit sa pangalawang pag-kakataon ay hindi ko parin siya pinansin.
Nagpatuloy lang ako sa pag babasa at pag sagot sa workbook na ginagawa ko.
Sa totoo lang ay hindi naman ito homework,sinasagutan 'ko lang i'to para hindi ko mapansin ang manyak na kumag na kasama 'ko.
"Tsk. Tamad!" aniya.
Siya na ang kumuha ng relo niya sa gilid ko.
"Kaya mo naman palang kuhanin,bakit nag uutos kapa" parinig ko.
Hindi siya nag-salita.Maya maya pa'y lumabas na siya ng kwarto.
Tumayo ako at umunat-unat.Na-upo ako malapit sa veranda at 'don nag-muni-muni.
*
"Waaahhhh"
Napatili ako ng makita ang kamay niya sa tiyan ko.
"Fuck! Shut up!" singhal niya.
"Manyak Manyak Manyak!!!" sigaw ko.
"I said shut the fuck up!" galit na niyang sigaw.
"E,bakit ba kasi nandito ka ha?! Tsaka naka--Nakayakap ka'pa sa'kin." sigaw ko pabalik.
"Ang arte mo! Bukas ay kasal na tayo! Ngayon ka pa mag-iinarte?" aniya.
"Bakit,ginusto ko 'bang mag pakasal sayo? F.Y.I. ginawa 'ko lang 'to dahil sa pamilya ko." sagot ko.
"Tsk. Palibhasa ay mukhang pera ang pamilya mo! Ginamit pa ang sariling anak para lang magka pera---"
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin,Sinampal ko siya sa galit ko.
"Wala kang alam! Wala kang alam sa kung ano ang pinag daraanan ng pamilya ko." pilit kong pinakakalma ang sarili ko. "Ginawa ko 'to ng kusa dahil mahal ko ang pamilya ko,Kahit kailan ay hindi naisip ng mga magulang 'kong ipakasal ako sa mayamang tulad mo para magka pera."
Hindi siya nakapag salita.
"Tama nga ang mga kaibigan ko..Na ang mayayaman,Masyadong mapag-mataas" sabi ko. "Pero tandaan mo 'to..Kayong mayayaman,ang mahalaga lang sainyo ay ang pera..Sa aming mahihirap ang mas mahala samin ay ang pamilya..Ang masayang pamilya."
Matapos no'n ay tumayo ako at nag-tungo sa banyo.Doo'y halos trenta minutos 'din akong nag-lagi.Nag papalamig ng ulo.
Aabsent nalang ako sa unang subject ko.
Pag labas ko ng banyo ay wala na siya 'ron.Nag-bihis ako at sa likod ng bahay nila ako dumaan.Wala namang nakakita sakin 'don.Nag commute nalang ako papunta sa eskwelahan.
*
"Meng!"
Nilingon ko i'yon.
"Bakit wala ka 'nung first subject?" tanong ni den.
"A-ahh..Wala" maang-maangan 'ko.
"May problema ba?" tanong ni cheng.
"Wala.." tanggi ko.
"Sus,Hindi ka talaga marunong mag sinungaling!" sabi ni kwin.
"Kasi.."
Bumuntong hininga pa ako,bago mag-kwento.
"Ano?" gulat na sabi ni cheng.
"Seryoso?" ani kwin.
"Di nga?" si den.
Tumango-tango ako bilang sagot.
"Pe-pero..paano?" di makapaniwalang sabi ni kwin.
"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni den.
"Hindi ako makapaniwala" si cheng.
"Totoo ang sinabi 'kong 'yon! Ang totoo..Bukas na ang kasal namin." kwento ko.
"Waahhh..Pano ba kasi nangyari ang ikakasal kana bukas?" tanong ni den.
"Hindi ko 'din alam..Basta ang sabi lang ay iniligtas ng lolo ko ang amo niya,Imbes na ang amo niya ang namatay ay ang lolo ko ang sumalo sa balang 'yon at namatay siya.Bilang pasasalamat ay hinanap nila ang lola ko pero nung nakita nila ang lola ko,Nagpakamatay siya dahil hindi niya tanggap,At ang nag-iisa nilang anak ay si mama,Kaya ang kapalit no'n ay ang ipakasal ako sa nag iisang apong lalaki ng amo ni lolo" kwento ko pa.
"Pero..Sino nga ang apo ng amo ng lolo mo?" usisa ni cheng.
"Oo nga,sino ba?" sabat ni kwin.
"Sigurado kaming mayaman siya at kilala ang pamilya niya." sabi pa ni den.
"Si.."
Hindi natuloy ang pag sasalita 'ko ng may biglang kumalabit sa likod ko.
Nilingon ko siya.Gulat ako ng naka-ngiti siyang naka-tingin sa'kin.
"Ay,ang gwapo.."
"Fresh..este freshmen"
"Magka-kilala ba sila ni meng?"
Rinig kong nag bu-bulungan o hindi ko matawag na bulungan 'yon dahil dinig na dinig ko ang pag-uusap nila.
Bumalik ang tingin ko sakanya.
"Hey.." bati niya at tinapik pa'ko.
"Hi,Kamusta?" bati ko 'din.
"Fine,you? Ayos kana ba?" tanong niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Tsa.Come on,Don't lie on my face"
"Hindi ah!" depensa ko.
" I know that feeling,Na-kunwari your strong but deep inside your jealous." naka ngiti niyang sambit.
Kung wala lang akong fiancé at kung hindi lang para sa pamilya ko ang mga ginagawa 'kong ito ay siguro,nagka gusto na ako sa nilalang na ito.
Gwapo at Mabait pa.
"Sus,guni-guni mo lang 'yan!" sabi ko.
Hindi siya sumagot,Humakbang siya papunta sa mga kaibigan ko.
"Shems mukhang crush niya ko." ani den.
"Loka! Sakin nga papunta oh" sabi naman ni kwin.
"Echosera,Sakin nga naka-ngiti oh" si cheng.
Huminto ang lalaki sa harap nila.
"Hi,guys!" bati niya.
Nanatiling naka tulala ang tatlo sa lalaking nasa harap nila,Ani mo'y nag papa-cute pa.
"Ahm..Pwede ko 'bang hiramin muna si miss Maerene?" aniya.
Bigla ay napa-kurap kurap ang mata ng tatlo.Nadismaya sa sinabi ng lalaki sakanila.
Bumaling ang tingin nila sakin.Ang bawat titig nilang 'yon ay may kahulugan.
"Mukhang ni isa sa atin ay hindi niya type.." pakinig kong sabi ni den.
"Ano kayang gayuma ang pinainom ng lokang maerene na 'to.." ani cheng.
"Maka-bili nga 'din ng ma-gayuma si Mr.Clark" sabi ni kwin.
"Ehem.." kunwari pang umubo ang lalaki.
"Ay..osige,Okay lang!" sabi ni cheng.
"Thanks! Una na kami ah!" naka-ngiti niyang paalam.
Sumulyap pa ako sa tatlo kong kaibigan at ang mga tingin nila ay halos gusto na akong sabunutan sa inggit.
Nginitian ko lang sila na mas lalong ikina-inis ng tatlo.Tatawa tawa akong nag lakad dahil sa mga itsura nila.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Novela JuvenilSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.