Kabanata Labing-Tatlo:

6 1 0
                                    

Mahaba-habang biyahe 'rin ng umuwi kami.Ngayon ay nasa sala kami kasama ang mga magulang ni kumag pati na 'rin si mamala.

"Ngayong mag-asawa na kayo ay sana maging maayos ang pag-sasama niyo" ani mama. "Clark,maging mabuting asawa ka kay maerene.At ikaw naman maerene ay ganoon 'din."

Tumango lang ako bilang sagot.

"Sana'y mapaaga ang bunga ng inyong pag-iibigan." makahulugang sabi ni mamala.

"Mama..mga bata pa sila,Patapusin niyo muna sila ng kolehiyo bago mangyari ang mga 'yon." saway ni mama kay mamala.

"Belinda,Tama ang mama,Dahil obligasyon 'din nilang mag-karoon ng anak at sakanya'y ipamamana ang negosyo ng ating pamilya." sabat ni papa.

"Pero---"

"Please! Stop that nonsense." Pigil ni clark."Pagod siya,kailangan na niyang mag-pahinga."

Tumayo siya at hinatak ako papunta sa kwarto.Tsaka niya lang ako binitiwan ng maka-pasok kami sa loob ng kwarto.

Mukhang wala sa mood ang loko,Naka-kunot lang ang noo niya at tila ba galit sa mundo.

Ilang sandali pa ay biglang nag-ring ang telepono ko.

"Hello?"

"Hey,how's your honeymoon?Hahah"

"Tigilan mo'ko Hennessy ah!"

"Hahaha,just kidding!"

"Loko ka ah!"

"By the way papasok ka na ba tomorrow?"

"Yep,sabay ulit tayong mag-breaktime ha!"

"Sure..My--"

Nabigla ako ng kuhanin ni kumag ang telepono ko.Kita kong pinatay niya ang tawag at tumitig ito ng matalim sa'kin.

"H-hoy! Ano 'bang problema mo? Nakita mo ng may kausap 'yung tao eh!"

"Who's Hennessy?" 

Sa tono niyang 'yon ay para siyang galit.

"Bakit?"

"Who's Hennessy!" pag-uulit niya.

"Bakit nga?Anong problema mo?" 

Nanatiling kunot ang noo niya.Halatang nag-pipigil ng galit.

"Hindi ka papasok bukas! Sasama ka sa'kin." seryoso niyang sabi.

"S-saan?" tanong ko pero tinalikuran niya lang ako.

"Your mine..Don't you dare entertain other guy." 

Para akong nabibingi,Mahina lang ang boses niya ng sabihin 'yon ngunit parang napaka lakas ng impact no'n.Bumilis ang tibok ng puso ko na para 'bang hinahabol ako.Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ano bang sinasabi niya?

Halos naikot ko na ang kwartong ito dahil hindi ako mapakali.Nagpapa-ulit-ulit sa tenga ko ang mga sinasabi niya,hindi lang sa tenga ko kundi pati na'rin sa utak ko.

"Aish..Ano bang ibig niyang sabihin?"

Dumapa ako sa kama at 'don pumermis.Iniisip parin ang sinabi niya.

Kinuha ko ang telepono ko at tsaka tumawag sa kaibigan ko.

"Hello?"

"Oh,maerene! Bakit napatawag ka? Dis oras na ng gabi!"

"Den.."

"Oh,bakit?May nangyari ba?"

"Wala.."

The ObligeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon