"Hoy,ikaw! Kapag nakita pa kitang may kasamang babae babasagin ko talaga i'yang pinakaiingatan mong bola." sabi ko.
Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama,nakayakap ako sakanya habang ang ulo niya ay naka-patong sa ulo ko.
"Alam mo ikaw? Ang brutal mo talaga!" aniya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya.
"Aba! Parang balak mo 'pang mang-babae,ah?" singhal ko.
"No,that's not what i meant." depensa niya.
"Mabuti na ang nagkakalinawan Clark Kristian!"
Hinatak niya ako at niyakap muli.
"Chill,okay?!" pag-papakalma niya.
Maya maya'y hinatak niya ako papatayo.
"T-teka..dahan-dahan naman!" inda ko.
"Sorry!" binuhat niya ako papunta kung saan.
Napakunot noo ako ng ibaba niya ako sa tapat ng closet niya at binuksan i'yon.
"Bakit? Mag-papapili ka ba ng damit?" tanong ko.
"Nope." sagot niya.
Binuksan niya ang closet at hinawi ang mga damit na nakasabit 'don.
"Pasok!" aniya.
Pumasok ako sa closet niyang 'yon.Napanganga nalang ako sa ganda ng loob no'n.
Isang kwarto ito na may mga instrumento.Black And White and tema nito at talaga namang napaka ileganteng tignan.
Na-upo ako sa couch na naron at patuloy na iniikot ng mata ko ang paligid.
"Ang ganda naman 'dito." mangha 'kong sabi.
"This is my favorite room." aniya.
"E,bakit kailangang tago?"
"My dad didn't know this place." tumawa siya ngunit alam 'kong peke i'yon.
"Ha?,E,'diba bahay niya 'to kaya dapat alam niya ang lugar na 'to?!"
"No,This house is to my grandparents! They know that my dad don't want me to learn about music,so my lolo made this beautiful place that my dad didn't know." paliwanag niya.
"Bakit nga pala ayaw niya?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya.
"I don't know..I don't know." paulit-ulit niyang sabi.
Maya maya'y nanahimik kami.Kinuha ko ang gitara na nasa gilid lang ng couch.
"Pwedeng turuan mo'ko nito?" pa-cute kong sabi.
Bahagya siyang natawa at tumabi sakin.
Kung ano-ano ang pinagsasabi niya at bawat string ay itinuturo niya.Nakinig lang ako sakanya at tinatandaan ang sinasabi niya.
"Wait..kantahan mo muna ako para naman ganahan ako 'diba?" ani ko.
"Anong song?"
"Ano 'bang favorite mo?"
"Did you know NSYNC?"
Tumango lang ako bilang sagot.Nag-intro na siya.
'It's tearin' up my heart when I'm with you
But when we are apart, I feel it too
And no matter what I do, I feel the pain
with or without you'Tumayo ang mga balahibo sa unang linya palang ng kanta.
'Baby I don't understand
Just why we can't be lovers
Things are getting out of hand
Trying too much, but baby we can't win'Nakatitig lang ako sa pag-kanta niya at paminsan ay tumitingin siya sa'kin at ngumingiti.
'Baby don't mis-understand (don't misunderstand)
What I'm trying to tell ya
In the corner of my mind (corner of my mind)
Baby, it feels like we are running out of time'Nag-second voice na 'rin ako at hinid nakapag-pigil na sumabay na sa pag-kanta niya.
Sinabayan ko na siya hanggang matapos ang kanta.
"Wow,You have a beautiful voice,huh?" compliment niya.
"Weh,ang bola mo!"
"Really,i'm not joking,maerene!" aniya sa seryosong boses.
"Oo na,Clark!" sabi ko.
Sandali pa kaming nag-lagi 'don at ng may tumawag sakanya ay nag-paalam siya sa'kin na aalis daw muna siya.
Bago siya umalis ay hinalikan niya ako sa noo na ikina pula naman ng mga pisngi ko.
At nang mag-isa nalang ako sa kwarto ay na-upo ako sa harap ng salamin at pinakatitigan ang sarili.Binuksan ko ang drawer para sana kumuha ng suklay pero iba ang naka-agaw ng pansin ko.
Agad ko i'yong kinuha.Isa i'yong maliit na brown envelope.Binuksan ko 'yon at kinuha ang laman.
Isa i'yong litrato ng dalawang bata.Ang batang lalaki ay naka-akbay naman sa batang babae na naka-simangot.Ang isa pang litrato ay mga teenager na at halata namang sila parin ito.
Si Clark ang batang lalaki 'don ngunit ang babae ay hindi ko kilala.Sa pangalawang litrato ay ang sweet nila 'don.Todo ang pag-yakap nilang dalawa sa isa't-isa.
Hindi ko alam pero bigla nalang kumirot ang puso ko.Para ba i'yong pinisil o tinusok-tusok kaya bigla nalang kumirot.
Ibinalik ko na ang litrato sa drawer.
Ang kaninang saya ay bigla nalang nawala.Agad i'yong nawala na parang bula.Ang sayang naramdaman kanina ay bigla nalang naging lungkot at sakit.
Hindi ko man alam kung ano ang koneksyon nila pero kita ko kung paano sila mag-titigan sa litrato.Mag-hapon akong nag-isip.Nag-isip kung sino siya,Inisip kung anong meron sakanila,Inisip kung nasaan ba siya at kung mayroon bang sila.
Nanakit ang dibdib ko nang maitanong i'yon sa sarili.
Baka siya ang first love ni clark.Baka siya ang gustong pakasalan ni clark.Na kung hindi ako dumating sa buhay niya ay hindi ako ang babaeng ihaharap niya sa altar at hindi ako ang kasumpaan niya sa harap ng pamilya niya.
Pakiramdam ko ay isa akong malaking epal sakanila.Pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan o magiging dahilan ng pag-sira sa kung ano man ang relasyon nilang dalawa.
Hindi ako lumabas ng kwarto at nanahimik sa isang sulok.Iniisip ang mga bagay na i'yon.Pilit 'kong pinalis ang mga isiping i'yon ngunit hindi ko magawa.
Nasasaktan lang ako sa sariling isipin ngunit hindi ko i'yon mapigilan.Natatakot ako na isang araw bigla nalang mag-pakita ang babae sakanya at makalimutan ni clark na nandito ako.Natatakot ako na baka bigla nalang akong maiwan..Maiwan mag-isa.
Para akong siraulo na yakap-yakap ang mga tuhod at umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Oblige
Teen FictionSi Maerene Baltazar ay isang normal na highschool girl.Masaya at kontento na ito sa buhay na mayron siya.Ngunit ang tahimik nitong buhay ay mag-babago dahil sa isang pangako.