Chapter 12: Mine

354 9 3
                                    

Chapter 12: Mine

Jinyoung's POV

"Mag-usap nga tayong tatlo."

"Tsk!"

"Sa kwarto ko."

Agad naman silang sumunod sa akin. Umupo ako habang ang si Youngjin ay tayo pero yung kambal naman niya nakaupo feel at home kasi. Yes kakambal ni Youngjin si Younjae kulang lang Oldjin at Oldjae na sila.

(A/N: Diba may 'Young' ka namn so kulang nalang rin maging JinOld ka. Pfftt)

Nice joke hahaha.

(A/N: Tumawa rin naman ang mokong kunwari pa bruh)

Author manahimik ka nga diyan pa-epal ka.

"Youngjin dito na titira si Youngjae."

"Ano?! Ayoko baka kung anong gawin niya kay-" napahinto naman siya at yumuko.

"Kay Jisoo." dugtong ko. "Huwag mo na ngang alalahanin ang babaeng yun katulad sainyo nakikitira rin yun."

"Hindi mo ba nakita kanina muntik na niyang gahasain si Jisoo!"

"Asa lang gagahasain ko ang babaeng katulad niya." sumabat naman itong si Youngjae.

"Totoo naman ah muntik mo ng gahasain si Jisoo!" sigaw naman ni Youngjin.

"Ano namang pakialam mo kung gusto ko siyang pagnasahan ha!" sigaw naman ni Youngjae.

Patuloy sa bangayan ang dalawa naririndi na nga ako eh simula bata magkaaway na talaga sila hindi ko alam kung kailan magkakabati ang dalawang 'to.

"Manahimik nga kayo!" sigaw ko sabay tayo. "Para tumahimik kayo diyan akin si Jisoo akin lang siya! Walang magmamay-ari sakanya kundi ako lang! Hangga't humihinga ako akin lang siya! Ni kayo hindi niyo siya pag-aari dahil asawa ko na siya!" sigaw ko. Halos yumanig ang kwarto ko sa sigaw ko. Halatang nagulat naman sila. Teka sigurado ba akong sinabi ko yun sa kanilang dalawa?

Napangisi naman si Youngjae.

"Kaya pala hinalikan mo siya kanina dahil gusto ko siya. Akala ko ba si D-" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil bigla kong sinuntok ang mesa.

"Walang ni isa sainyo ang babanggit sa pangalan niya maliwanag!"

"O-opo!" agad na sigaw nila.

"Alis!"

"Opo!"

Dali-dali silang lumabas sa kwarto ko. Tsk alam kong hindi ka na babalik rito. Ibabaon ko nalang sa limot ang lahat ng masasayang nangyari sa atin, panget man o maganda ang importante gusto ko siyang kalimutan.

Jisoo's POV

Grabe grabe ayoko ko na ayoko na talaga aalis na talaga ako sa bahay na to! Pero paano? Muntik na akong gahasain ng gag*ng yun! Kung pwede lang sana na may kapangyarihan ako siguro kanina ko pa yun na patay. Paano ba naman ako magkakaroon ng power eh ordinary tao lang naman ako? Psh! Paano rin ako makakalabas eh nababasa ng pintuan kung saan ako lalabas. At kung tatakas man ako kapag nakalabas na ako sasakit naman ang puso ko, ewan ko kung bakit sumasakit ang puso ko kapag balak kong tumakas napapasin ko naman rin na umiilaw ang singsing na kulay pula. Haist!

(-___-)

Nagpabalik balik nalang ako ng lakad dito sa kwarto hanggang sa tumalon ako at nahiga sa kama.

Napayakap nalang ako sa unan. Ang dami ko talagang iniisip paano ba ako makakalabas dito sa bahay ng mga bampirang manyakis. Tsk.

Inilipat ko naman ang katawan ko pakaliwa pero bakit parang may nakahawak sa akin? Ramdam ko rin hininga niya. Wait what the? Pagmulat ng isang mata ko...

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon