Chapter 21: She Looks Like

263 6 3
                                    

Chapter 21: She Looks Like

Jinyoung's POV

Kasalukuyang nilalabanan nila Youngjae at Chaeyoung ang mga bantay.

"Jinyoung halika na." sabi sa akin ni Youngjin.

"Paano sila?"

"Magtiwala ka lang. Alam mo namang malakas si Chaeyoung at Youngjae diba?" nakangiti nitong sabi.

Wala akong magagawa. Ipapaubaya ko sa dalawa ang mga kawal.

"Chaeyoung!"

Napalingon naman sa akin si Chaeyoung.

"Siguraduhin mong buhay ka pagbalik natin sa palasyo!"

Ngumiti naman ito at sumagot. "Opo! Oppa."

"Halika na Jinyoung." tawag sa akin ni Youngjin.

Nandito kami sa itaas. Bawat sulok ng kwarto ay che-neck namin ngunit wala kaming Jisoo na nakita. Isa nalang ang hindi namin nabubuksan.

"Jinyoung masama ang pakiramdam ko sa kwartong yan."

"Kailangan kong buksan yan baka nandiyan si Jisoo."

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Laking gulat namin ni Youngjin na nakita na namin si Jisoo. Kaya lang nasa loob ito ng bola na may tubig.

"Shit! Jisoo!"

"Teka Jinyoung!"

Tumakbo ako pero may umatake sa akin salamat at napansin ko agad yun.

"Who are you?" tanong ko.

Madilim kasi at ang tanging ilaw lang ay yung bola kung saan nandoon si Jisoo na naka up side down ang posisyon. At ang Angel Stone nandito rin.

"Jisoo!" sigaw ko.

"Hindi ka niya maririnig." anang boses ng lalaki.

"Ipakita mo mukha mo!"

Narinig ko ang mga yabag niya na pumunta sa maliwanag na parte. Naaninag ko na ngayon ang kanyang mukha.

"Anong pangalan mo?"

"I'm Kim Myungsoo. Nice to meet you Prince Park Jinyoung."

Nakita ko namang ngumisi siya ng mala-demonyo. Bigla namang lumapit sa akin si Youngjin at bumulong.

"Hindi lang siya nag-iisa."

"Alam kong hindi ka lang nag-iisa!" sigaw sa kanya ni Youngjin. "Nasaan ang kasama mo?! Ipakita mo siya!"

"Tama ka at may kasama ako. Masaya ako at madali mo yun nalaman. Come out Kyungsoo."

Bigla namang lumabas ang isa pang lalaki sa sahig. Shadow ability. Shit! Parang mahihirapan kami nito.

"Is he?" tanong ng lalaki kay Myungsoo.

Tumango lang naman si Myungsoo bilang pagsagot.

"Pakawalan niyo si Jisoo." sabi ni Youngjin.

"Hindi ikaw ang mag-uutos saamin." sagot naman nung lalaking nag-ngangalang Kyungsoo.

"Aba't--!!!"

Pinigilan ko agad si Youngjin.

"Not now." bulong ko sa kanya.

Napansin kong naiyukom niya ang kamao niya.

"Maiba nga. Sino ka naman sa buhay ng babaeng yun?" tanong ni Kyungsoo.

Hindi agad ako makapagsalita. Nanatiling tahimik ang paligid hanggang sa sinagot ko ang tanong ni Kyungsoo.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon