Chapter 14: Connection

350 11 3
                                    

Chapter 14: Connection

Jisoo's POV

"Jisoo. Be My Girl."

Nababaliw na ata to si master.

"Haist master huwag mo nga akong idamay sa mga kalokohan mo."

"Jisoo seryoso ako be my girl." mas idiniin pa niya ang kamay niya na nakaharahang pader.

"Jin- master sorry pero hindi kita maintindihan. Aalis na ako."

Hinampas naman niya ng malakas ang pader kaya nagkaroon ito ng bitak. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi makagalaw. Yan ba magalit si Jinyoung?

"Sabihin mo Jisoo hindi pa ba ako seryoso? Kulang pa ba?"

Lumabas na naman ang mga mapupula niyang mata. Nakakatakot siya.

"Master-"

"Don't call me master anymore!"

"Ma- Jinyoung masyado mong minamadali ang lahat. H-hindi ko pa kayang pumasok sa mga relasyon relasyon na yan. May mga gusto pa akong gawin sa buhay pero... kung seryoso ka talaga sa sinabi mo, kaya mo bang maghinatay na mahalin kita?"

"Oo." agad niyang sagot. "Kaya kong maghintay dahil Mahal kita!"

Dug...

Dug...

Dug...

M-mahal niya ako? Imposible!

"M-mahal mo ako?" sighed. "Kailan pa?"

"Simula nung una tayong magkita." sagot niya.

"Nung nabangga mo ako?" agad na sagot ko.

"Hindi."

"Saan? Hindi ko nga maalala kung saan tayo nagkita maliban sa nagkabanggaan tayo."

"Sa panaginip."

"Kung ganun ikaw yung lalaki sa panaginip ko?" hindi makapaniwala na sabi ko.

"Oo yun ang una nating pagkikita. Nung una hindi ko matanggap dahil isa kang tao at alam naming bampira na isang malaking pagkakamali ang umibig ng isang tao pero puso na ang nagsasabi sa akin na ikaw na talaga ang itinakda para sa akin."

"Jinyoung-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap dahilan para mapakurap ako.

Naririnig ko ang tibok ng puso niya. M-may puso ang bampira?

"Jisoo. Alam kong isa itong kabaliwan pero hindi ko na ito matitiis." sabi niya.

"Jinyoung. M-may puso ka?"

"Oo kaming mga bampira ay may puso ngunit hindi ito tumitibok kapag hindi namin nahahanap ang taong nakatakda saamin. Ngayon napatunayan ko na umiibig na pala ako sayo."

Wala akong masabi sa mga sinasabi niya. Totoo ba ang lahat ng ito o panaginip lang?

Youngjin's POV

Nandito ako ngayon sa labas at nakaupo sa bench habang nagpapahangin. Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Medyo mag-gagabi narin.

"Youngjin." Teka parang pamilyar 'tong boses na'to ah.

Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na yun. Si Jisoo pala.

"Oh Jisoo ba't nandito ka pa? Bakit hindi ka na pumasok sa bahay? Magdidilim na."

"Youngjin maari ba kitang makausap?" tanong niya at sa tingin ko mukhang seryoso siya.

"Sige."

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon