Chapter 24: I'm Sorry

279 6 4
                                    

Chapter 24: I'm Sorry

Jisoo's POV

Umuwi na ako sa amin. Agad akong humiga sa kama. Niyakap ko nalang ang sarili ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ko kay Kai bago ako umalis.

"Kai sa tingin ko ikaw ang susi upang babangon ang mga lahi ng bampira at ang iyong dugo ang pagmumulan ng panibagong hari."

Kring... Kring...

[Hello?]

[Ms. Kim we have a problem.]

Agad kong binaba ang telepono saka mabilis na nagpalit ng damit. Siguro nandun yung pamilya ng gag*ng yun.

Nang makarating na ako sa meeting room agad naman bumungad sa akin ang pagmumukha ng mama niya.

Tumayo naman ang mama niya at pumunta sa harap ko saka malakas niya akong sinampal.

"How dare you! After all this na ginawa namin sainyo eto lang ang igaganti mo pati anak ko dinamay mo!"

"Ma tama na po." pagpigil ng gag* sa mama niya.

"First of all tita ang anak niyo po ang sumira ng pangako why don't you ask him kung ano ang ginawa niya sa akin?" nilingon ko naman ang gag* kong ex. "Diba?"

Napalunok naman siya ng laway. "Ah m-mama."

"Sya nga pala tita walang kasalang magaganap."

"Anong sabi mo?" gulat niyang tanong.

Napansin kong lumaki rin ang mata ng anak niya.

"Hiwalay na kami ng anak niyo tita nung mga nakaraan na don't worry I will end our partnership."

"Ano?!"

"Yes tita! Tama po ang narinig niyo sa araw na 'to pinuputol ko na ang partnership natin at kontrata sa pagitan ng pamilya natin."

"How dare you!" akmang sasampalin niya ako ng agad kong napigilan ang kamay niya bago dumapo sa pisngi ko ulit.

"No tita how dare you! Alam ko namang pinilit niyo si papa na ibigay ang shares dahil pinagbantaan niyo siya at ngayon na wala na sila ni mama hindi ibig sabihin nu'n hindi na ako marunong magpatakbo ng kompanya na pinaghirapang itayo ng lolo ko. At kung wala na po kayong kailangan pwede na po kayong lumabas."

"Magbabayad ka!"

"Nung una palang dapat hindi na 'to ginawa ni papa dahil sa pagbabanta niyo at hindi sana mamatay si papa ng dahil sainyo!"

"Ano ba Jisoo huwag mong isisi lahat kay mama! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!" sabat naman ng gag*.

"Wow nagsalita," pumalakpak naman ako. "Don't worry hindi ako magsasampa ng kaso laban sayo at sayong mama. Magpasalamat nalang kayo dahil may awa pa akong natitira. Ngayon kung pwede umalis na kayo!"

"Humanda ka pagbabayaran mo lahat ito!" unang umalis naman ang mama niya kasunond ng gag* niyang anak.

Napaupo nalang ako sa upuan at bumuntong-hininga. Lumapit naman agad ang sekretarya ko na may dalang tubig.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon