Chapter 22: Dream

236 9 16
                                    

Chapter 22: Dream

Jinyoung's POV

Nang tuluyan na ngang mawala ang liwanag. Tuluyan ko naring naaaninag ang babaeng nasa harapan namin.

"Dennise."

Mas lalong hinigpitan ng hangal kong ama ang pagkakasakal sa akin.

"Kunin mo ang Angel Stone, Dennise."

Tiningnan naman ni Jisoo o Dennise ang aking ama na walang ekspresyon. Please don't. Ayokong mangyari ang nagyari nung una.

"Put him down." rinig ko sabi nito.

"Ano? Inuutusan mo ba ak-"

Nagulat kaming lahat ng bigla akong binitawan ng aking ama at siya naman ay hindi makagalaw.

"Anong nangyayari s-saakin?"

Lumitaw naman ang aking ama saka napunta sa pader at nagkaroon ng bitak ang pader dahil mukhang hinampas ito ng hindi makita na bagay. Pati narin sila Myungsoo at Kyungsoo.

"Sino ka?!" sigaw ng aking ama.

Hindi yun pinansin ng babae at pumunta sa harapan ko. Nilapit naman niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong.

"Don't worry." she paused. "I'm Kim Jisoo."

Dahil sa sinabi niya biglang akong nabuhayan. She looks like Dennise but deep inside she is Jisoo, my love.

Niyakap naman niya ako.

"Ang dapat nasaiyo ay saiyo lang. Alam mo bang biniyayaan ka ng ganyang kapangyarihan tapos ibibigay mo lang sa walang kwentang bampira? Diba ayon sa propesiya "Ingatan at pahalagahan ang kayamanan." Tama ba ako Jinyoung?"

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Ikaw ba talaga si Jisoo? Ang babaeng minahal ko? Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin.

"Remember this Jinyoung, mahal na mahal kita at sa huli nating pagkikita wala na akong mamahalin pa kundi ikaw lang."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"I'm sorry Jinyoung but... my time is up."

"What?"

Ngumiti naman siya at lumipad sa harap ng Angel Stone.

"Don't do that!" pagpigil ko.

Narinig ko namang tumawa ang ama ko.

"Mangyayari na naman ang nangyari nung una hahaha."

Hindi ko yun pinansin at patuloy sa pagpigil ni Jisoo kahit nakaupo ako at hindi maigalaw ang mga paa.

"Please don't do that."

"I'm sorry Jinyoung. Tandaan mo mahal na mahal kita."

Tumalikod siya saakin sabay kuha sa Angel Stone at ang nangyari katulad ng nangyari kay Dennise. Hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan ko ang aking mahal na sinasakripisyo ang buhay niya.

"Jisoo!"

Lumiwanag naman ang paligid kaya napapikit ako. Ilang segundo ang nakalipas nawala na ang liwanag. Nilibot ko ang paningin ko, nagulat nalang ako ng wala na ang ama ko at sila Myungsoo at Kyungsoo. Si Youngjin naman ay nakadapa.

Anong nangyari?

Binaling ko naman ang tinigin ko sa babaeng nakahandusay at mukhang wala ng buhay. Pinilit kong tumayo at lapitan siya.

"Jisoo wake up." pukaw ko sakanya "Please wake up." sabi ko na patuloy na lumuluha. "You said you love me, please gumising ka huwag mo akong iwan ng basta basta lang."

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon