Chapter 16: Look
Jinyoung's POV
Ano kayang nangyari kay Jisoo? Hindi na naman niya ako pinapansin.
"Jisoo may problema ka ba?"
"Wala naman."
Sa tingin ko wala naman. Balak ko sanang basahin ang nasa isip niya ngunit naunahan na niya ako.
"Huwag na huwag mong babasahin ang isip ko pakiusap lang."
Huminga nalang ako ng malalim at tumango.
"Thanks." mahina niyang sabi pero narinig ko yun.
"Hoy daddy Jinyoung bili tayo ng ice cream." sabi ni Jennie.
"S-sige."
Agad naman akong hinila ni Jennie pero tumigil na muna ako at hinarap si Jisoo.
"Maiwan na muna kita diyan."
Tinangoan lang niya ako. Nandito kami sa Ice Cream Shop.
"Daddy bili tayo ng chocolate ice cream please." ituro naman ni Jennie yung isang baso ng sinasabi niyang chocolate ice cream.
"Ikaw lang bumili hihintayin lang kita dito. Eto yung pera oh." binigay ko naman sakanya ang 1000 pera.
"Salamat daddy!" tumalon naman siya at niyakap ako.
"Jennie. Kung pwede huwag mo nalang akong tawaging daddy wala pa akong anak."
"Luh! Diba mag-asawa na kayo ni ate Jisoo so wala pa naman kayong anak gawin mo nalang akong anak diba para mapag-practisan niyo rin kung paano mag-alaga ng bata."
"Ang tanong bata ka pa ba?"
"Hindi pero parang ganun na nga. Daddy lumalaki rin ang mga bata noh."
Hay wala talo talaga ako sakanya.
"Oh sya bumili ka na ng gusto mo hihintayin kita dito, maghahanap lang ako ng mauupuan natin."
"Ikaw daddy hindi ka ba kumakain ng ice cream?"
"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga hindi kasi ako hilig sa malamig."
"Pero ba't ang lamig ng kamay mo?"
Sh*t!
"Nababaguhan lang kasi ako sa klima rito sa pilipinas."
"Ah... Okay." mabilis naman siyang tumakbo at pumila sa counter.
Phew muntik na yun. Naghanap na muna ako ng mauupuan at mukhang sinuswerte ako, mabuti at nakahanap agad ako ng mauupuan namin. Pag-upo ko nakikita ko si Jisoo na kausap si Nayeon. Malapit kasi kami sa glass wall.
"Daddy!"
Nilingon ko naman siya.
"Oh nakabili ka na ba?"
"Opo at ihahatid lang nila dito maghintay lang tayo ng mga 2 minutes."
"Okay."
After 2 minutes dumating na yung ice cream ni Jennie. Isang baso talaga?
"Hindi ba sasakit yang ulo mo?"
"Hindi naman." saka siya kumuha ng ice cream gamit ang teaspoon at kinain yun.
"Sya nga pala daddy kailan kayo magkakaanak ni Jisoo?"
"A-ano m-mag-kakaanak?"
Luh iba naman siguro ang pinag-iisip nito porket naging mag-asawa kami ni Jisoo anak na agad?
BINABASA MO ANG
A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple Girl
VampireKim Jisoo, isang simpleng babae lamang. Mabait, matalino, mapagmahal, study first muna bago love life (lol) at maganda. Paano kung isang araw ma meet niya ang isang Vampire Prince? Paano kung ang matahimik at simpleng niyang buhay ay magugulo na par...