Chapter 10: The Story Of Vegar

434 10 3
                                    

Chapter 10: The Story Of Vegar

Jisoo's POV

Nilapag ko na ang gamit ko sa mesa. Medyo na pagod rin ako sa mga activity at yung ginawa ni prof sa akin. Naligo muna ako ang lagkit-lagkit na kasi ng katawan ko.

Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis at lumabas na muna ng kwarto. Alas sais na kasi ngayon at nagugutom na ako. Bumaba ako para tingnan ang ref kung sakaling may pagkain pa. Pagbukas ako tumambad sa akin ang napakaraming dugo at laman loob. Wow kumakain rin ang mga bampira ng laman loob? Sa pagkakaalam ko Ghoul yung kumakain ng laman loob.

(A/N:Ibig mong sabihin Tokyo Ghoul?)

Hindi hindi Ms. A Korea Ghoul yung tinutukoy ko ano masaya ka na?

(A/N:P*tcha tsk!)

Haist walang pagkain. Sinarado ko nalang ang ref ng may...

"Anong ginagawa mo diyan?" sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"Ay butiki!" halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Napatingin naman ako sakanya. Napalunok nalang ako ng laway bago magsalita. "Ah e-eh kasi nagugutom na k-kasi ako kaya tiningnan k-ko nalang ang ref kung may p-pagkaing tao." kinakabahan talaga ako kapag siya na ang kausap ko.

"Magbihis ka." utos niya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Basta magbihis at wala ng tanong." masungit na sabi niya.

"Tch sige na nga lang." napipilitan nalang ako kasi baka mapatay niya ako kapag hindi ko siya sinunod. Pumunta agad ako ng kwarto at nagbihis. Ganito ang suot ko.

Hindi ko na tinalian ang buhok ko. Wala lang trip ko lang hehehe. Lumabas na ako ng kwarto.

Nakita ko naman siya na nakatalikod. Napansin ko namang lumingon siya. Yumuko nalang ako dahil sa tingin ko mali yata ang nasuot kong damit.

"Ahhh kung di mo nagustuhan magpapalit nalang ako." sabi ko. Tumalikod ako ng bigla siyang magsalita na syang ikinahinto ko.

"It's perfect. Let's go." cold niyang sabi.

"Ha?" nahihiya kong sabi.

"I said let's go. Are you deaf?" masungit niyang sabi.

Nagroll-eyes nalang ako at sumunod nalang. Lumabas na kami. Pero napansin kong walang ano mang sasakyan ang nakikita ko.

"Ahhh pwede mag-tanong?"

"You're already asking." masungit na naman niyang sabi haist.

"Ah eh kasi ano bakit walang sasakyan at tska saan tayo pupunta? Gabing-gabi na kasi at whaaa!!!" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya ang hatakin at inilipad.

Nilagay niya ako sa likod niya at napahawak nalang ako ng mahigpit dahil baka mahulog ako at walang sasalo huhuhu.

Nagpatalon-talon lang siya sa mga sanga ng puno habang ako nakakapit sakanya ng mahigpit. Parang mahihilo na nga ako eh pero tiniis ko nalang baka mapatay pa niya ako kapag sinukahan ko siya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Huwag maraming satsat malapit na tayo. Oo libre kita ngayon at pwede ba pigilan mo munang masuka diyan!" sigaw niya sa akin.

Wow grabe siya oh. At isa pang wow nakakabasa siya ng isip? Uy para siyang si Edward Cullen pero mas gwapo at mas hot pa si Edward sakanya noh duh.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon