S P E C I A L C H A P T E R T W O

188 6 7
                                    

(Special Chapter 2)

Jisoo's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakatanaw sa kisame. Wow grabe hindi ako makapaniwala kasal na yung baby ko, I mean si Jennie. Hayss matagal tagal na rin simula no'ng magpropose si Jinyoung sa'kin pero... After 3 years hindi pa rin kami kasal! Anong purpose nitong singsing kung hindi pa kami kasal? Arrrgghhh nakakainis! Mas nauna pa si Jennie na maikasal at ngayon may anak na sila, nakakaingit!

"Anong ginagawa mo?" tanong no Jinyoung nakakalabas lang ng banyo.

"Wala!" pasungit kong sabi.

Hindi ko siya tiningnan baka kasi linlangin na naman ako ng pesteng abs niya. Hmp!

"Sabihin mo nalang kasi." anya.

"Magbihis ka na nga." sabi ko.

Arrgghh napapaisip rin ako kamusta na kaya si Nayeon o si Jennie? Namimiss ko na kasi sila.
Naramdaman ko naman na humiga na si Jinyoung sa tabi ko. Tinalikuran ko siya para hindi ko makita ang pagmumukha niya.

"Ano na naman bang problema mo?" tanong niya.

"Wala. Matulog ka na."

"Eh ikaw di ka pa ba matutulog?"

"Matutulog na eh binibwisit mo lang ako."

"Oh, really?" sabi niya na may halong tawa.

"At natutuwa ka pa?" sarkastiko kong tanong.

"Of course,"

"Bwisit!"

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap sa likod. Huwag kang magpapalinlang Jisoo. Nagpumiglas ako pero ayaw niya akong pakawalan, aba't lumalaban.

"Hoy! Mabigat yang braso mo kaya ialis mo!" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.

"Ayoko nga at tska gusto ko ng ganito."

Napairap nalang ako at pinikit ang mga mata saka sinubukang matulog pero ang bigat ng braso ng lalaking 'to eh. Namilog naman ang mga mata ko nang magsalita siya bigla,

"I'm sorry kung matatagalan, kunting tiis nalang Jisoo."

"What do you mean?" tanong ko pero hindi niya sinagot at humilik ng peke.

Tsk bukas na nga lang nabwibwisit ako ngayon eh. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Pasalamat siya mahal ko siya ng sobra pa sa Rebisco.

---

Kinabukasan. Pag gising ko ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Jinyoung. Tinarayan ko lang siya at siya naman ay nakangiti nang parang baliw.

"Goodmorning." nakangiting bati niya.

"Goodmorning mo yang mukha mo. Inaantok pa ako."

"Tulog mantika ka talaga. By the way may pupuntahan tayo."

"Saan naman?" mataray kong tanong.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon