Epilogue

421 12 11
                                    

Epilogue

Chaeyoung's POV

"Mission accomplish." sabi ko sa kambal.

"Salamat rin kay tita at tinulungan niya tayo." sabi naman ni Youngjae.

Napansin kong napakatahimik naman ng isa, Youngjin. Nakaupo kaming tatlo sa sofa ngayon habang yung isa mukhang ang lalim ng iniisip.

"Youngjin may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"W-wala naman."

"Tsk alam kong may bumabagabag sa isip mo. Maari mo naman sigurong i-share saamin."

"Oo nga naman." sabi ni Youngjae.

"Fine. Napapaisip lang ako kung maaalala pa ba ni Jinyoung si Jisoo."

Tumayo ako at inakbayan si Youngjin.

"Deretsuhin mo nalang kami Youngjin na may nararamdaman ka pa kay Jisoo." wika ko.

"Wala."

"Paano naman yun mangyayari Chaeyoung eh mas matanda na si Jisoo sa atin ng apat na taon." sabat naman ni Youngjae.

"Hoy Youngjae hindi mo ba alam ang kasabihang 'Age doesn't matter?'"

Napairap nalang si Youngjae sa akin.

"Younjin mas mabuti pang pakawalan mo na si Jisoo, alam mo naman na kung gaano siya kamahal ni kuya diba?"

"Alam ko yun Chaeyoung at huwag mo ng ibalik."

Ginulo ko naman ang buhok niya at tumayo.

"Goodluck nalang kung ano ang nakasaad sa propesiya at sa tadhana ng dalawa." sambit ko.

"Kung ganun hindi pa pala natatapos ang nakasulat sa propesiya." seryosong sabi ni Youngjae.

"Oo, akala siguro ni kuya hindi ko na naman malalaman ang propesiya."

"Maaari mo bang sabihin saamin Chae?" sabi ni Youngjae.

"Nakalimutan ko na ang iba pero ito lang ang masasabi ko. The new era will rise and that era will the new king will be born."

"Sa anong panahon?" sabi ni Youngjin.

"I don't know. Isa lang ang nakakaalam sa kung anong nakasulat sa propesiya. Sa ngayon iniiwasan niya itong mangyari pero wala siyang magagawa laban sa tadhana niya."

"You mean... Jisoo?" sambit ni Youngjae.

"Don't know." pagsisinungaling ko.

"Tsk alam kong siya ang tinutukoy mo Chaeyoung." sabi ni Youngjin na nakatingin ng seryoso sa akin.

"Matutulog na ako. Goodnight sainyong dalawa."

Umakyat na ako at nagtungo sa kwarto ko. Napatingin ako sa bintana kung saan malakas na kidlat ang aking nakikita.

"Bagong panahon... Bagong hari."

Ano ng pinaplano mo Jisoo? Kung ang makakalaban mo ay ang sariling tadhana mo. Alam kong hindi mo hahayaang mangyari ang nakasaad sa propesiya ngunit ikaw na mismo ang gumagawa ng sarili mong tadhana na mangyayari rin ayon sa propesiya.

Jisoo's POV

Hindi ko maiwasang magising dahil sa liwanag ng kidlat na tumatama sa mata ko at ingay ng kulog. Napabangon ako at napansin na parang gumagalaw ang kama.

Napatingin naman ako kay Jinyoung na nanginginig sa sobrang lamig.

"Tsk sinungaling ka pa rin."

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon