Chapter 15: If You Do

319 11 6
                                    

Chapter 15: If You Do

Jisoo's POV

Lumipas ang maraming araw hindi parin ako kinakausap ng kapatid ni Jinyoung. Palagi lang siyang tahimik. Minsan lang rin siya magsasalita kapag tinanong mo lang.

Nandito ako ngayon sa kwarto nagbabasa nung libro na binigay nung wirdong lalaki sa library ng school at biglang nawala ng parang bula.

Ano na kayang Chapter ang nabasa ko? Nagbuklat ako ng mga pahina. Bawat pahina nito ay parang pamilyar sa akin lalo na kapag natapos ko na ang bawat pahina.

Aha! Nakita ko narin mabuti at naitupi ko ang itaas nito pero kunti lang.

"Chapter 41: If You Do

Sa ngayon ang prinsepe ng mga bampira ay naghahanap ng kasagutan sa sinasabi ng propesiya. Ang babae naman ay nalilito na dahil sa mga nangyayari. Bawat galaw ng nasa paligid niya ay nawi-wirduhan siya.

"Bakit napakawirdo ng mga tao rito?" sabi niya at nakasubsob ang mukha sa mesa.

Sumagi sa isip niya ang pagtatapat ng prinsepeng bampira sa kanyang pag-ibig.

"Mahal niya ako? Tss! Isang malaking kalokohan." aniya.

Nagulat naman siya ng biglang may nagsalita sa likod niya.

"Marahil isang malaking kalokohan ngunit masarap naman pakinggan. Tama ako diba?"

Nilingon niya ang nagsalita at laking gulat niya ng makita ang binata sa harap niya.

"Kanina ka pa ba nandiyan?" tanong ng dalaga sakanya.

"Kakarating lang. Ikaw? Bakit ka pa nandito lumalalim na ang gabi baka may mangyari pang masama sayo." Halata sa aura ng prinsepe ang pag-aalala.

"Nandito ako para magpahangin lang. Sa tingin ko naman wala namang masamang mangyayari sa akin lalo't na't nandiyan ka palagi sa tabi ko." sabi ng dalaga.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon