Chapter 23: We Meet Again

274 6 7
                                    

Chapter 23: We Meet Again

Chaeyoung's POV

Nandito kami ni Youngjin sa terrace. Naupo ako sa railings nito at siya naman ay nakasandal sa railings habang nakapamulsa.

"Ano ng plano mo Chaeyoung?" tanong niya.

"Hindi ko alam."

"Mukhang ni isa wala siyang naalala." sabi niya.

"Oo nga. At tayo ngayon ay isa ng tao. Salamat kay Jisoo."

Tumango naman siya. Bigla namang umihip ang hangin.

"Siguro bahala na ang tadhana sa kanila kung magkikita sila o hindi. Sa ngayon kailangan nating i-enjoy ang buhay natin bilang tao."

"Oo nga." sagot niya. "Mabuti pa bumaba ka na diyan baka mahulog ka wala pa naman yung hangal kong kakambal."

"Gag*!"

"Hoy! Bad yan."

I rolled my eyes. Bumaba nalang ako sa pagkakaupo sa railings.

"Maligo ka na nga may pasok ka pa."

"Opo."

Akala mo naman kung sinong magulang ko ang lalaking 'to.

"Oh Chaeyoung at Youngjin nandiyan pala ako." sabi ni mama.

"Good morning tita." bati ni Youngjin.

"Nasaan nga pala yung kakambal mo Youngjin?"

"Pumasok na po."

"Ano?!" sabi ko.

"Bakit? Gusti mo bang kasabay pumasok si Youngjae?"

"H-hindi ah. Bahala na nga kayo diyan."

Iniwan ko silang tumatawa doon. Akala ko pa naman hihintayin ako ng mokong yun may pa-promise promise pa. Mga lalaki talaga ang hilig mag-promise di naman tinutupad. Tama nga sila Promises are meant to be broken.

Maliligo nalang ako kesa kung ano pa ang iniisip ko. Bago ako makapunta sa kwarto nadaan ko muna si kuya.

Parang wala siya sa sarili niya. After 3 years na pagkawala ni Jisoo nagkaganyan na siya. Parang wala sa sarili niya palaging matamlay. Wala ring naaalala sa nangyari. Hays kawawa naman ang kuya ko.

Jinyoung's POV

"Papasok na ho ako sa trabaho." walang buhay kong sabi.

"Mag-iingat ka anak ha." sabi ni mama.

"Opo." sabi ko at lumabas na ng bahay.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Dapat hindi ko na pro-problemahin kung kanino ang boses na yun dapat magfocus na ako sa trabaho ko.

Nandito na ako sa pinagtratrabahoan ko. Isa akong chef dito sa Roadline Café. Minsan rin ako ang waiter. Kailangan ko talagang magsipag.

Hindi namab sa pinagyayabang maayos naman ang buhay ko. May kaya naman kami pero di ibig sabihin nun hindi na ako magtratrabaho. Oo may kompanya si mama at ayokong magtrabaho sa kompanya niya ewan ko pero ayoko talaga.

Ngayon ang trabaho ko ay waiter wala na naman kasi yung isa kong kasama.

Bigla namang bumukas ang pinto at tumunog ang bell. Ibig sabihin may pumasok na costumer rito sa Café Nag-bow ako bilang pag-galang.

"Welcome to Roadlin Café madam/sir."

"Thank you."

Ang boses na yun. Bigla akong napalingon sa kanya. Yung boses niya napakapamilyar sa akin.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon