Chapter 7: New Beginning

375 10 1
                                    

Chapter 7: New Beginning

Jisoo's POV

Bumuntong-hininga nalang ako. Haist mga bampira talaga tsk.

Inilapag ko muna lahat ng gamit ko at lumabas. Bumaba na muna ako para uminom ng tubig at kumuha ng walis, basahan para ipang linis ko sa kwartong yun. Papunta na ako sa kusina sakto at may ref dun.

Agad akong pumunta sa ref dahil kanina pa ako nauuhaw. Pagbukas ko tumambad agad sakin ang mga..... Napaupo ako sa sahig ng wala sa oras at ninakpan agad ang bibig ko.

"Ahhhh!!!!"

May naramdaman agad akong hangin na mabilis tumungo sa gilid ko pagtingin ko si Jinyoung.

"Anong bang problema mo ha?! Di mo ba alam na nakakaistorbo ka ng tulog?" sermon niya sakin

Napatingin naman siya sa ref at nag 'tsk'.

"Manong!!! Asan ba ang tubig rito sa ref?!"

Nakarinig agad ako ng tao na tumatakbo.

"Ano po yun young master?" hinihingal na tanong ni manong

"Bakit wala ng tubig rito sa ref?"

"Pasensiya na po kayo young master naubos na po eh"

"Haist oh sya bumili ka nalang sa labas magpasama ka narin kay Youngjin. Eto oh" binigay ni Jinyoung ang 500 pesos kay manong. "Ako na tatawag sa mokong yun" dagdag niya

"Ah okay po" yan lang naging sagot ni manong

"Youngjin!!!!" pagtawag ni Jinyoung kay Youngjin.

Nakaramdam agad ako ng mabilis na hangin, nilipad nga yung buhok ko eh.

"Ano naman?" nababagot na tanong ni Youngjin sabay kamot sa batok niya.

"Samahan mo si manong na bumili ng tubig para sa taong ito"

"Haist inaantok pa ako eh *yawn*"

"Bilisan mo! Kundi alam mo na" nakasmirk na sabi ni Jinyoung

"Oo na oo na"

Hinawakan niya si manong at bigla silang nawala na parang bula.

"Oh ano pang ginagawa mo? Diyan ka nalang ba habambuhay?"

Nabalik agad ako sa reyalidad. Tumayo ako at nilagpasan lang siya.

"Hoy! Sa susunod huwag na huwag mong bubuksan ang ref maliwanag!"

"Oo"

"Simula ngayon master na ang itawag mo sakin"

Napalingon naman ako at bakas ang pagtataka.

"Anong sabi mo?!"

"Simula ngayon master na ang itawag mo sakin. Bingi ka ba?"

Napa wow nalang ako

"Hoy! ano ako sayo aso na parang ituri kitang master ko no? Opppsss hindi yan mangyayari" pagmamatigas ko

Pumitik naman siya at bigla kong naramdaman na parang hinihila ako ng hangin paitaas yun pala pinaluntang niya ako.

"Hoy! Hambog na bampira ibaba mo ako!!" sigaw ko

Nakacross arms naman siya at nakangisi.

"Sabihin mo muna please master"

"Ayoko nga!" sigaw ko

"Okay. Madali naman akong kausap diyan kana bye bye" aalis na sana siya ng magsalita ako

"Sandali!" sigaw ko

"Yes" nakangiti niyang sambit

"Please.......master"

"Yan naman pala eh bat ang tigas ng ulo mo" pumitik naman siya at agad akong nahulog.

Letch*ng bampira sakin kaya ng pagkakahulog ko ahhh yung dibdib ko, ganito kasi yun nakadapa akong nahulog kata masakit yung dibdib ko alangan naman yung likod ko.

"Bwes*t!"

"Oh. Pasalamat ka nga at inibaba pa kita kundi diyan na habambuhay na palutang-lutang" natatawa niyang sabi

May pagka pilyo rin ang bampirang to noh. Tumayo ako at pinagpagan ang pwet ko.

"At oo nga pala hindi ba kayo vegetarian?" tanong ko

"Oh ano bang nakita mo sa ref?"

"Mga dugo, laman loob ng hayop at puso" jusko parang masusuka ako sa mga sinasabi ko. Oo yun talaga ang nakita ko kanina.

"Yun naman pala eh bat mo naman natanong na vegetarian ako?"

"Wala lang. Yun kasi ang napanood ko sa pelikula." sagot ko

"Blah blah yan naman kayong mga tao eh kung ano ang nakita yan ang paniniwalaan"

"Tsk di naman lahat. Oo nga pala san yung mga walis at basahan niyo?"

"Nasa bodega"

TF! Bodega talaga

"Asan naman ang bodega niyo?"

Lumapit siya sakin at hinablot ang kamay ko sabay kaming naglaho. Eto na naman. Wala pang isang segundo nandito na kami sa bodega na sinasabi niya. Nasa labas ito ng mansion niya nakakatakot rin ang paligid dahil gabi na samahan mo pa ng mga hayop na ang iingay kagaya ng kwago.

"Nandiyan na yung walis"

"Kuko kuko" tunog ng kwago

Whaaa parang maiihi ako sa sobrang takot.

Pumasok kami sa masukal at napakaruming bodega. Parang haunted bodega na nga to eh. Kinakalawang na lahat ng kahoy may cab webs narin at napakaraming alikabok isama mo narin ang sirang-sira at butas butas na kisame.

"Nasan nga ba nakalagay ang walis?"

"Hanapin mo gamit ang mata huwag bibig ang gamitin" pasungit niyang sabi

Aba't gag* rin ito noh. Alam naman niya siguro na tao ako at wala akong night vision unlike sakanila?

"Hoy alam mo bang di kami nakakakita sa dilim ha? At alam mo naman siguro na wala kaming night vision na kagaya sainyo diba?"

"Arte mo. Ikaw kaya maghanap tutal ikaw naman ang gustong gumamit nun at hindi ako tsk!"

Nabwe-bwes*t na talaga ako sa hambog na to.

"Pag may nangyari sakin rito mumultohin kita" pananakot ko.

"As if naman natatakot ako?"

Ay bwes*t! Oo nga pala bampira to malamang di sila takot sa multo hay nako!

Mabuti nalang at may nakita agad akong walis. Kinuha ko yun at lumabas na kami.

"Hoy ibalik mo na ako sa p*steng mansion mo!"

"Amp....anong tawag mo sakin?"

Nagroll eyes nalang ako at nagcross arms.

"Master"

Hinawakan niya ako at isang segundo lang nandun na kami sa mansion na. At nasa harap ako ng kwarto ko.

"Salamat" pumasok na ako at malakas na sinarado ang pinto.

"Ay grabe siya oh" sabi niya sa labas ng pinto.

Tsk! Hay san nga ba ako uuna. Walis doon walis walis dito. Punas sa salamin punas doon punas rito. Arrange doon arrange dito. Hay dami namang alikabok rito. Parang magiging ito na ang buhay ko, para na siguro akong alipin may master pa akong hambog at yung isa naman wow puro kahanginan lang ang alam sa mundo. Well wala naman akong magagawa kong ito talaga ang sinulat ni Lord sa kwento ko, edi tanggapin nalang wala naman akong magagawa. Today, tomorrow and to the other day, I think this is my new beginning in this f*cking house.

A Vampire Prince Fall Inlove With A Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon