Pagtatagpo

43 5 0
                                    

Chapter 4

Alex's P.O.V.

Tinanong ako ni Liana kanina kung sino ang mahal ko, sinabi ko naman na siya ang mahal ko eh totoo naman eh. Naglalakad ako pauwi. Nanggaling ako sa bahay ni Liana don kasi ako natulog eh... niyaya niya ako. Wag kayong mag-isip ng malisya. May papuntang soldier ng hari.

"Alex, pinapatawag ka ng hari." Sabi niya.

"Bakit raw?" Tanong ko.

"May iuutos siya sayo." Sagot niya.

Dali-dali akong pumunta sa kaharian. Nandito na ako.

"Aking mahal na hari, ano po ang ipaglilingkod ko sa inyo?" Ako'y lumuhod sa harap ng hari.

"Simple lang aking matibay na kawal, gusto kung kunin mo ang babaeng tinutukoy ng salamin. Dahil ang babaeng 'yan ay may taglay na pinakamalakas na kapangyarihan, siya ang sisira sa ating kaharian. Gusto kong ngayon mo na kunin at ito'y ikulong." Ang sabi ng hari.

Tumingin ako sa salamin. Parang pamilyar sa akin ang babaeng 'yon pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita.

"Ano ang iyong sagot matibay na kawal? Kunin mo na siya! Hangga't hindi pa siya masyadong marunong kung ano ang tamang paggamit sa kapangyarihan niya. Ano kawal? Papayag ka ba o hindi?"  Sabi ng hari.

"Kahit mahirap ay aking susundin para sayo mahal na hari." Sagot ko.

Parang sumasalungat ang aking kalooban sa aking sinagot.

"Yan ang aking matibay na kawal."
Ngumiti ang hari sa akin.

Pumunta na ako sa kaharian ng mga White Angel. Lahat sila natutulog eh malamang gabi dito eh...sa amin umuga. Dala-dala ko ang salamin hindi lang 'to karaniwang salamin. Tinuturo nito ang lahat ng bagay at sumasagot din ito sa pamamagitan ng letra. Tinuturo ng salamin kung nasan ang bahay ng babaeng sinasabi ng hari. Nandito na ako! Teka! Familiar sakin itong lugar! Pilit kong inaalala pero ayaw pa rin eh... Bahala na nga. Dumaan ako sa bintana. Narito na ako sa kwarto niya. Ang dilim! Binuksan ko ang ilaw. Ayon siya!
Natutulog...    Pinuntahan ko siya sa kama, umupo muna ako sandali at tinitigan ko siya. Parang nakita ko na siya...........
Nakita ko na nga ba?

Vanice's P.O.V.

Parang may tao sa kwarto ko. May tumabi sa akin! Sino kaya? Baka multo?  Bahala na! magtutulog-tulogan nalang ako. May palapit sa 'king mukha, dama ko ang hininga eh........
Dinilat ko ang mga mata ko.

"Ha!....................................." Sumigaw ako.

"Tumigil ka."  Dahan-dahan niyang sinabi. Pero hindi pa rin ako nakinig. Kaya tinakpan niya bibig ko.

"Wag kang maingay." Sabi niya.

Eh paano ako mag-iingay, tinakpan niya bibig ko. Binuhat niya ako. Ha...........ano 'to? Kidnapping na yata 'to!!!

"Wag kang malikot baka mabitawan kita."
Kinuha na niya ang kamay sa bibig ko.

"Anong gagawin mo sakin? Sabihin mo na?!!!! 'Wag mo nalang ituloy ."

Wala lang siya parang hangin lang ako na hindi pinapakinggan. Bakit nandito kami sa kaharian ng mga Black Angel?

"Hoy! Kuneho! Bakit mo ako dinala dito?! Wala naman akong kasalanan 'di ba?" Nagmamakaawa ako sakanya.

"Anong wala? Meron kaya."

Naalala ko pala si Alex 'to! Bakit hindi ko siya madaling nakilala kanina?...... Bulag ba ako?....Baka nagtransform lang siya.

"May iniisip ka ba?" Biglaang napatingin ako sakanya eh naka-smile pa 'to.

"Iniisip ko? Wala ka nang paki don!"

"Ang taray mo." Sabi nito habang nakatitig sakin.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon