Success :-D

9 1 0
                                    


Chapter 33

Lin's P.O.V.

"Josh may nakikita ka bang kahon sa ibaba ng upuan niyo diyan? Pakitingnan naman oh..."

Oo, may inihanda akong kahon kasabay ng paghanda ng kotse na ito. Sinilip ni Josh ang nasa baba ng upuan nila.

"Nandito lang... Ang laki nito ah...." -Josh

"Pwedeng pakibuksan?.." Pakiusap ko sa tao na nasa likod.

"Siyempre naman kuya Lin." -Ethan

Sinimulan na nilang buksan ang kahon.

"Wow.... Pizza ko... Come to daddy baby." -Ethan

Sabay subo ng pizza. Mamahaling pizza kaya yon. At may soft drinks rin sa loob ng kahon, tig-isa samin. Pinark ko muna ang kotse.

"Kain muna tayo. Tuloy-tuloy kasi mamaya ang misyon baka may humingi ng pagkain sa gitna ng labanan."

Hindi pa naman magbibigay ng oras ang mga kalaban.

"Tama ka Lin, gutom na rin ako eh..." -Yean, sabay kuha ng pizza.

Lynn's P.O.V.

Nanonood ako ngayon ng Mr. Ben. Nakakatawa siya. Tawa ako ng tawa at sabay subo ng popcorn. Wala kasi akong magawa kaya nanonood nalang. Sabi ni mama may lakad raw si kuya kaya boring ang araw ko ngayon.

Nandon si mama sa palengke may binibili. Nakapagtataka nga eh... Lagi nalang may lakad si kuya.

Ethan's P.O.V.

Tapos na kaming kumain kaya nagpahinga muna baka kasi sumakit ang mga tiyan namin sa oras ng bakbakan, mahirap na.....

"Kuya Lin, 5 minutes pa."

"Hoy Ethan! Dalawang beses ka ng nagsabi ng '5 minutes pa' at ngayon 5 minutes ulit?" -Kuya Lin

"Oo Ethan, 10 minutes na ang pahinga natin kaya tapusin na natin ang misyong 'to." -kuya Josh

Napatingin ako kay kuya Josh. Akala ko tulog siya.

"Tama sila Ethan. Sinasayang lang natin ang oras. Kailangan na nating kumilos." Ate Yean

Tss.... Pinagtutulungan ako nila.

:-[

"O-okay." Sang-ayon nalang ako baka kasi bugbogin nila ako ng wala sa oras. Mahirap na gwapo pa naman ako at sasayangan ko lang? Tss. Ayaw ko nga!

"Tara na..."-kuya Lin, sabay paandar ng kotse.

*

*

*

Haist.....ten minutes na ang lumipas ah...ang tagal! Malayo pa kaya?

"Malapit na tayo..... Nandito na tayo." -kuya Lin

Salamat...

Dahan-dahang huminto ang kotse at nagpark na. Tumingin sa amin si kuya Lin.

"Handa na ba kayo?"

"Handang-handa na." -ako/Josh/Yean

Sabay kaming apat sa paglabas pati sa pagsarado ng pintuan ng kotse. Ano yon kambal? Tss.... Ginagaya lang yata ako nila no?

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon