Ang Bagong Ganap

13 1 0
                                    


Chapter 24

1 Year Later

Lynn's P.O.V.

Sabi ni mama Lina, nakita lang daw nila ako sa daan na walang malay. At hindi ko kilala ang sarili ko kaya tinawag nalang akong Lynn at tinuring na anak. May anak si mama Lina, si kuya Josh, mabait siya at siya ang nagproprotekta sa akin pag may nang-aaway sa akin.

"Baby Lynn... Bakit ka mag-isa?"

Hayy........naku! Ito talagang si mama Lina 'Baby' pa talaga ang tawag sa akin hindi pwedeng Lynn nalang.

"Mama kasi, 'di ba sabi ko sa inyo na Lynn nalang ang itawag sakin. 'Wag na ang baby..." Nagpapacute kong sabi.

Tumabi si mama sakin. Nandito kami sa garden nakaupo sa bench.

"Anak....'wag mo nang isipin ang nangyari sayo. Nandito naman kami ni kuya Josh mo eh."

Mukhang tama si mama.

"Ma, na saan ba si kuya Josh?"

Kanina ko pa siya hinahanap kasi naman magpapasama ako sa pagpa-inroll sa SPECIAL UNIVERSITY SCHOOL don kasi si kuya nag-aaral kaya don nalang din ako.

"Ako ba ang hanap mo?!"

Ay! Kabayo! Biglaang sumusulpot 'tong si kuya ah... Muntik na akong atakehin sa puso.

"Ma! Ready na po ang mga kailangan ni bunso Lynn."

Argggg!..... Ito namang si kuya Josh 'bunso talaga ang tawag niya sakin, pero bahala na nga 'yan.

"Josh, tapos ka na ba sa paggawa ng birth certificate?"

Ay! Oo, nga pala! Nagpaggawa si mama, at si kuya ang nag-aasikaso... Saya 'di ba? Wala akong ginawa.

"Oo ma! Tapos na tapos na... Siya na ngayon si Bunso Lynn Deria."

"Kuya naman! 'Wag mo na nga akong tawaging bunso." At tinarayan siya.

"Ito namang si bunso hindi mabiro..."

Ayan na naman, hindi talaga natatanggal 'yang bunsong 'yan. Hayaan na nga....

"Kain na tayo mga anak, magpapa-inroll pa kayo mamaya."
Tumayo na si mama at pumunta sa kusina. Sumunod kami ni kuya.

Ethan's P.O.V.

Nakakainis ang mga black gang na 'yon! Gusto nilang hulihin sila auntie Rose at uncle Chard. Bakit ba kasi, itong si uncle Chard umutang ng 100 000 000 pesos, hindi nila mabayaran pero may oras pa rin para mailigtas sila sa mga Black Gang. Ampon lang ako nila pero binigay nila ang lahat ng gusto ko wala kasi silang anak. Nagtraining ako sa America ng Marcial Arts ng tatlong buwan para daw maprotektahan ko ang sarili ko.

"Ethan! Magmadali ka!!!!!!!!"

Ha? Ano? Si auntie 'yon.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon