Chapter 29Ethan's P.O.V.
Nang mailabas ko na ang espada ko nanlaki talaga ang mga mata ni pangit.
"Sungit....... Ay! Hindi, Ethan pala.... Ethan, 'wag mo namang itutok 'yang espada mo... Baka gamitin mo sakin yan eh..."
Buti naman na tinawag niya ako sa pangalan niya. Inilayo ko nalang sa kaniya ang espada ko."S-salamat...."
Wag niya sanang tanungin kung saan ito nanggaling.
"Teka!"
Oh....please....'wag....
"Saan ba yan nanggaling?"
Patay ako diyan! Sabi na eh...
"H-ha? I-ito? I-itong espadang 'to?"
"Eh, ano pa ba ha? Mayroon pa bang iba?"
"Wala na no.."
"Sagutin mo na nga ako!"
Niena's P.O.V.
Nandito na ako sa labas ng C.R. nagbanyo kasi ako eh. Hindi na tuloy ang lunch ng pamilya namin at kanina ko pa hinahanap si Lynn kaya umuna nalang akong kumain, eh, pano ba nagugutom na ako.
"Sagutin mo na nga ako!"
Aba sino 'yon? Ang lakas naman yata ng boses. Mukhang nandito sa loob ng panlalaking C.R. Ang nakakapagtaka ay pambabae ang boses at nasa panlalaki siyang C.R. At mukhang pamilyar ang boses na yon. Inilapit ko ang tenga sa pintuan nito para naman marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ha?... Eh...... Oo na... Sasagutin na! Basta huwag mong isumbong sa iba. Atin-atin lang 'to."
Ano? Lalaki! Kung ganon silang dalawa lang? At ang nakakashock ay babae pa talaga ang nanliligaw... Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. What the!........ S-si Lynn? At si Ethan? Dali-dali akong naglakad palayo. Sabi na eh may something sa dalawang 'yon. At ito pala ang sekreto nila.
Lynn's P.O.V.
Kainis! Ang bagal sumagot.
"Ano na?! Sasagot ka ba o hindi?! Dahil pag hindi mo sasagutin, talagang sasabihin ko sa buong campus na killer ka at drug addict ka pa."
Hahahaha!!! Nakakatawa ang reaksyon niya, nakabuka kasi ang bibig niya at nanlalaki ang mga mata.
"Aaaaaa........... A-ano..............."
"Oh? Ano na! Sige! Bibilang lang ako ng tatlo at lalabas ako dito at pupunta ako sa principal's office. 1......2.........2 1/2 and-"
"Wait! Teka! Oo na, sasabihin ko na. Ang espadang 'to ay-"
*Kring*
*Kring*
*Kring*
"All students, go to your respective rooms."
Kapag minamalas nga naman....
Ethan's P.O.V.
Yes! Save by the bell. Tiningnan ko si pangit hanggang sa paglabas.
"Yes! Pinagpawisan ako non ah." Sabay kapit sa noo at tumingin sa speaker.
"Good job." Then kindat.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
FantasyItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...