Chapter 45
Third Person's P.O.V.
Tanaw na tanaw ni Gerilda mula sa malayo na tumatakbo ng mabilis ang dalawa patungo sa kaniya. May hawak-hawak si Lynn na espada sa kanang kamay at hawak-hawak naman ni Ethan ang katana sa kaliwang kamay habang inaapakan nila ang usok na kulay itim.
"Hinding-hindi niyo ako matatalo..."
Pabulong niyang sabi sa sarili.Biglaang nagpakita ang kaniyang espada sa kanang kamay at madiin itong hinawakan. Mabilis siyang lumipad palapit sa kanilang dalawa.
Nang mabilis na makarating ay sinubukan niyang pugutan ng ulo si Lynn ngunit agad itong nakailag. Naglaho na ang usok kaya lumipad na silang dalawa.
"Pinaniwala niyo akong patay na kayo. Pero ngayon sisiguraduhin ko nang hindi kayo muling mabubuhay pa!"
Kinabahan si Lynn sa mga salita niya at mas lalong diniinan ang paghawak ng espada.
Dahan-dahang napatingin si Gerilda kay Ethan.
"Tsk tsk tsk... Kulang ka pa sa insayo bata."
Binalewala lang ni Ethan ang sinabi nito. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Lynn ay biglaang nagsilabas sa kung saan ang mga matatalim na sandata at ito ay pumapalibot kay Gerilda.
Hindi siya dito nagulat sa halip ay kalmadong-kalmado lang ito. Hinawakan ng kaniyang dalawang kamay ang espada at agad itinaas at mabilis na ibinaba. Tumama ang patalim sa kulay asul na pumapantay sa kaniyang mga paa na siya mismo ang may gawa.
May malakas na hangin na nagmula rito na ang siyang nagpatalsik sa mga sandatang nakapalibot. Agad na gumawa si Lynn ng shield para sa kanilang dalawa. Ang lakas ng hangin para bang madadala na sila dito kung mga normal na nilalang lang sila.
"Nagsisimula palang ako pero parang hanggang dito nalang kayo."
Pang-aasar na sabi ni Gerilda.Naglaho na ang shield.
Naging malaking espada ang sandata ni Ethan. Halos magkasing taas lang sila nito. Si Lynn naman ay inihanda na ang sarili.
"Malalaman natin." -Lynn, walang kibo niyang sabi.
Kinuha na ni Lynn ang rias sa kaniyang baywang at madiin itong hinawakan. Nabaling ang tingin ni Gerilda sa rias at napangiti.
"Aba... Ginugol pala niyo ang panahon para diyan. Pero nagkakamali kayo. Hinding-hindi niyo ako magagawang saksakin niyan. Dahil pipigilan ko at papaslangin ko kayo!"
Biglaang sumugod si Gerilda sa kanila at iwinasiwas ang sandata sa kahit saang banda, kung saan sila Lynn at Ethan naroroon. Ilang at pagpigil sa bawat atake ang nagagawa nila dahil biglaang nawawala si si Gerilda kapag sila na ang umaatake, dahilan upang hindi ito nila matamaan.
"Ano na Vanice? O sabihin naging Lynn? Ipakita mo ang kapangyarihan mo!" Nagmamadaling asta ni Gerilda.
Gumawa ng malakas na pagsabog si Lynn sa gitna nila ngunit sinigurado niya na hindi silang dalawa masasaktan.
Pagkatapos ng pagsabog nito ay lumayo sila sa usok at tinitigan lang ang direksyong ito. Dahan-dahang naglaho ang usok at dahan-dahang nakita si Gerilda na hindi na man lang nasusugatan ng kunti at wala man lang na kahit isang maliit na punit sa kaniyang damit.
"Aaahhhhhhh!!!!!!!........"
Biglaang sumigaw si Lynn ng malakas na malakas.May lumabas na apoy sa kaliwang banda ni Gerilda, tubig, sa kanang banda at ang malalaking bato na para bang kombinasyon ng lupa at bato, sa likuran niya. Walang anu-anong tinitigan ni Lynn ng deretsu sa mga mata si Gerilda.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
FantasyItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...