Spirit Angel

20 6 0
                                    


Chapter 13

Vanice's P.O.V.

Nagmamadali ako sa paglakad, lilipad ako sana pero hindi ako marunong. Ibang klase ako no... Angel na 'di marunong lumipad.

"Susundan mo pa talaga siya!" Sabi ni Alex kay Roger.

"Bakit hindi?! Tagapagbantay niya ako!"- Roger

Kahit malayo na ako sa kanila dinig ko pa rin ang boses nila. Sunod ng sunod sila sa akin. Napatigil ako dahil may nakita akong napakagandang puno, ang kanyamg mga bulaklak ay yari sa ginto. Sila Alex at Roger ay tumahimik na rin.

"Ano ba yan?" Tanong ni Roger.

"A tree, jerk. Talagang bulag ka."

"Tss... 'Di ikaw ang tinatanong ko, jerk." -Roger

"Magsitigil na nga kayo! Para kayong mga bata!" Sigaw ko sa kanila. Nakakairita na kasi. Biglang lumiwanag ang puno at lumabas ang isang napakagandang babae mula sa puno. Bakit kaya itim ang kaliwa niyang pakpak at puti 'yong kanan niyang pakpak? Ano ba siya? Parang kakaiba siya sa amin.

"Salamat sa inyong pagparito, lalo na ikaw Vanice." Ang sabi niya.

"Para po saan?" Tanong ko.

"Sino po ba kayo?" Tanong ni Alex.

"Ako ang Spirit Angel ng kahit kanino, kahit sa mga Black Angel at kahit sa mga White Angel. Tinatawag rin ako nilang Fairy Godmother. At itong marikit na punong 'to ay ang aking tahanan."

Kaya pala......

"Alam ko kung sino at ano ka Vanice."
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko.

"Hayaan mo akong magpaliwanag. Noong unang, may nagngangalang Haring Letheo Recia, isang mabait at mapagmahal na hari sa kahariang Black Angel. At may nagngangalang Reyna Cientia Gedirio ang mabait at makapangyarihang reyna ng kahariang White Angel. Sila ay nag-ibigan ng lubos at nagbunga ang kanilang pag-iibigan. Nagkaroon sila ng anak na babae. Sa oras na nilusob sila ng kanilang kaaway na si Gerilda Siete, ang nagkakagusto kay Haring Letheo, isa itong Black Angel. Dala-dala ni Reyna Cientia ang bata, ng ito'y harangan ni Gerilda, nahulog ang bata sa yungib at si Reyna Cientia ay nakipaglaban pero siya'y natalo. Nakipaglaban din si Haring Letheo ngunit natalo din siya. Hindi pinatay ni Gerilda ang Reyna at Hari. Bagkus magigising si Gerilda sa kanyang libingan at muling mabubuhay para sila'y paghiwalayin. Kaya ngayon ang Reyna at Hari ay hindi na nagpapansinan sapagkat natatakot sila na baka bumalik si Gerilda. At ang batang prinsesa ay naligtas pero siya'y nandon sa ibang mga kamay, wala siya sa piling ng kanyang mga magulang. Ang Hari't Reyna'y hinahanap pa rin hanggang ngayon ang kanilang anak. At ikaw iyon Vanice."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano!? Ako ang anak nila?! Imposible." Natatawa kong sabi.

"Walang imposible." Sabi niya.

Sumeryoso ang mukha ko. Tumingin ako kina Roger at Alex. Nanlaki ang kanilang mga mata.

"Mahal na Reyna, ika'y nagbalik na." Sabay nilang sabi habang yumuyuko.

"Sandali! 'Wag kayong ganyan.."
Hindi ako sanay sa mga ganyan.

"Ikaw ang makapangyarihan sa lahat dahil nasa dugo mo ang Black Angel at ang White Angel, Vanice." Sabi niya habang unti-unting naglalaho.

Panaginip lang ang lahat ng 'to 'di ba? Pero hindi siya magsasabi ng ganon kung 'di totoo.....

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon