Taong Anino

13 1 0
                                    

Chapter 42

Ethan's P.O.V.

Nasa loob na kami ng gubat. Napakataas ng mga puno at insaktong makikita namin ang aming dinaraanan dahil sa hindi ito nasisikatan ng araw. Napakalaki rin ng mga ugat ng mga puno. Wala kaming naririnig na kahit kunting ingay naman lang. Tumingin ako kay Lynn habang siya naman ay busy sa kaka-obserba sa paligid. Wala naman akong nararamdaman na natatakot siya, mabuti naman kung ganoon. Ibinaling ko na ang tingin sa direksyon kung saan wala ka talagang makikita dahil sa naghaharing dilim sa paligid. Umiwas na ako ng tingin doon pero may narinig akong sumisitsit at nagmumula ito sa direksyong tinititigan ko kanina. Sigurado akong nagmula talaga ito doon.

"May narinig ka ba?" Pagtatanong ko kay Lynn.

"Oo, galing do'n." Sabay tingin sa bahaging kanan kung saan ito ang tinutukoy ko.

*Psssssttt!*

May sumitsit na naman ngunit sa kaliwang bahagi na ito nagmula kaya nabaling ang tingin namin doon.  Madilim na madilim na ito kaysa nong unang direksiyong pinagmulan nito.

Nakapagtataka......

Pinaglalaruan kami. May kung anong nilalang ang naririto.



*Psssttt!!*

Biglaan kaming napatingin sa harapan namin. Doon nagsisimula ang ingay. N-naglalakad ang dilim sa harapan namin. Sa kabilang salita nagiging madilim na madilim na ang parte ng kakahuyang ito na nasa harapan namin at pumapatungo ito sa kinaroroonan namin.

Biglaang nabuo ang lalaking nakahood. Ang kulay ng hood ay kulay itim at hindi nakikita ang mukha dahil sa binubuo lahat ng usok. Ang tangi lang na nakikita ay ang mga matang pulang-pula. Nakakakilabot ang mga titig niya. Pinagmasdan naming dalawa ang dahan-dahan pagbuo ng kaniyang espada na kung saan ito ay kulay itim rin. Biglaan niya kaming inatake, mabuti nalang na mabilis kaming nakaiwas at mabilis ring nakapaghanda ng sariling mga sandata para labanan ang bawat pag-atake niya.

Malakas siya. Kahit na dalawa na kami laban sa isa ay alam kong 'di pa sapat ang mga lakas namin para matalo siya. At kapag umaatake kami sa kaniya ay biglaan siyang naglalaho at nabubuo sa ibang direksyon.





Josh's P.O.V.







Gumagabi na naman kailangan kong magmadali para maplano na ang para sa misyon. Pauwi na kami. Nagshopping kasi ang binabantayan ko. Nagdra-drive ako ngayon sa kotse niya. 'Di ko siya pinayagang siya ang mag-drive sa kotse eh ano pa ba ang silbi ko 'di ba?




*







*












*














Nakarating na kami. Dali-dali akong lumabas at pinagbuksan siya.

"Salamat..." Aniya.

Ngumiti nalang ako sa kaniya bilang sagot. Dinala ko sa loob ang mga pinamili niya, sa loob ng kwarto niya.

"Lock the door. Okay?"
Tumango lang siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at naisambit ko ang salitang 'yon. Hhhaaiisstt!!!  Tss... Sadyang wala lang talagang maisabi 'yan ang dahilan.

Lumabas na ako sa kwarto niya.

"I'll come back tomorrow."

Tinitigan lang niya ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumalikod na ako at naglakad palayo.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon