Chapter 43
Zed's P.O.V.
Nandito kaming tatlo sa Bank, nakaupo sa kaliwang gilid kunwari nagbabasa ng diyaryo pero nagmamasid kami kay Jhonspourt Shoun. May marami siyang bodyguard ngayon kaya delikado kami kapag pumalpak. Naka-tuxedo kaming tatlo at naka-black shades and with head sets na nakalagay sa aming kaliwang tenga.
"[Hey, Alex....ang ganda pala ng girlfriend mo no?...]" -Jhon
Kanina pa inaasar ni Jhon si Alex. Ewan ko ba kay Jhon kung anong nakain nito. Naka-connect ang mga headset namin sa lab ni Josh. Si Jhon, Daniel at Din ang nandoon."Would you please shut up your mouth or I will blow your head." Inis na sabi ni Alex. Tumawa naman ang tatlo sa kabilang linya.
"Wag nga kayong magbangayan diyan. Nasa misyon tayo." Sabi ko.
"Come on guys, concentrate..." Dagdag ko pa. Tumigil na nga sa pagtawa ang tatlo.
"Wait a second, ano pala ang ginagawa natin dito?" -Leo
"Tss..." 'Yon nalang ang nailabas sa bibig ko. Mula kanina hanggang ngayon ay hindi niya alam ang ginagawa namin? Tss...
"Tanga talaga." -Alex
"Anong tanga? Hindi niyo sinabi sakin kung anong gagawin natin."
Pagtatanggol niya sa sarili.
"[Ikaw talaga Leo. Kahit kailan tanga ka talaga.]" Ayan tuloy nasermonan ni Daniel.
"Tss..." -Leo
"[Nandiyan kayo para magmasid kay Jhonspourt Shoun. Magmamasid kayo hanggang sa umuwi siya sa pamamahay niya. At kaboom! Malalaman natin ang bahay niya.]" Pagpapaliwanag ni Din.
"Ah...ganun pala *tango-tango*."
Nakatingin ako ngayon kay Shoun. Hindi niya malalaman na nakatingin ako sa kaniya dahil black shades ang suot namin. Lumabas na siya sa bank na ito at may humintong dalawang black car sa harapan niya. Sumakay siya sa isa dito at pati ang dalawang niyang bodyguard. At ang ibang bodyguard naman ay sumakay sa ikalawang kotse. Dahan-dahan kaming tumayo at naglakad papunta sa nakapark naming kotse at sinundan sila. Si Leo ang nagdradrive.
"Sinusundan na namin siya ngayon." -Alex
"[Nice...]" -Jhon
Ethan's P.O.V.
A-ang ganda niya... Hindi ko mapigilang titigan siya. Marami na rin ang mga pinagdaanan namin. Naaalala ko ngayon nong oras na nagbabangayan pa kami. Napangiti nalang ako ng bahagya dahil doon. Hinimas-himas ko ang kaniyang buhok. Nakahiga siya ngayon sa mga dahon. Maaga akong nagising.
"Ethan?..."
Nanigas ako ng ilang segundo at biglaang lumipat ang tingin sa mga dahon at kunwari hinimas-himas ko ito.
"Ang bango pala ng mga dahon no?"
Sabi ko ng hindi nag-iisip habang nakatingin pa rin sa dahon."Ano? D-dahon? Mabango? Tss... Ano bang pinagsasabi mo? T-teka! * sabay pagsilakihan ng mga mata* May....m-may ginawa ka ba s-sa akin?"
"H-ha?... W-wala ah... A-anong ginawa ka diyan?"
Eh totoo namang wala at tsaka may respeto ako sa mga babae no..."Aminin mo na..." At sabay upo.
"Wala tala-"
"Kung wala kang ginawa bakit wala na akong mga pasa at sugat?"
Tss... Akala ko naman na kung ano na ang ginawa. Tss...
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
FantasyItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...