New York

18 2 2
                                    

Chapter 32

Ethan's P.O.V.

"Ethan...... Ethan.... Ano ba?! Hindi ka ba gigising?!!"

Aaarrrggghhhh!!!! Ang ingay!!! Inaantok pa ako eh.

"Anong oras na ba?"

"11:33 pm na...."

"Eh...gabi pa naman.... Segi na, alis na. Matutulog pa ako... Shupi!"

Nakaka-isturbo 'tong si kuya Lin. Tss....

What the?!!!

"Ano ba? Inaantok pa ako eh!"

Walangya! Kinakaladkad niya ako papunta sa office niya. Hanggang sa naupo na ako sa harapan ng table niya. Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Pano ba naman, inaantok ako eh. Bahala siya diyan!

"Di ka pa ba gising?! Gusto mo bang itapon ko pa ang mainit na tubig sa mukha mo?!"

Mabilis akong napamulat. Tss...

"S-siyempre hindi..."

"Kung ganon umayos ka!"

Inayos ko nalang ang sarili ko alam niyo na, umupo ako ng tuwid at inayos ang damit pati buhok.

"A-ano bang ginagawa mo? Walang chicks dito."

Bobo ba siya? Siyempre inaayos ang sarili sabi niya naman 'yon.

"Sabi mo.... ayusin sarili ko."

"Never mind."
English pa talaga. Tss...

Inilapag niya sa mesa ang isang folder.

"Mga copy 'yan galing kay Yean. Sabi niya nandyan ang lugar kung nasaan sila ate Rose at kuya Chard. Tingnan mo nalang."

Pinulot ko ang folder.

Ang first page ay letrato ng isang lugar na.............

"New York?!" O-O
Napasigaw talaga ako.

"Ang layo...... 'Di ko maabot...."

Napakalayo talaga nito.

"Aray!!'
Pinalo ako ng stick na dala-dala niya sa ulo ko kaya tumama.

"Hoy Ethan! Gamitin mo nga 'yang utak mo! Hindi mo aabutin ang New York! Ano yon? Nasa langit ang New York city? Sasakay tayo sa pamamagitan ng ereplano! Bobo....."

"Segi na, ikaw na ang matalino ako na ang-"

"Ano? May angal?"

Mabilis kong ibinaling ang tingin sa folder. Huwag na tayong makipag-away. Tiningnan ko ang next page. Nakita ko ang letrato ng dalawang lalake. 'Yong isang letrato ay may pangalang nakasulat na ' Marc Leinette Stuborne' at yong isa naman ay ' Lex Reign Estello'. Oo, gwapo sila pero mas gwapo kaya ako sakanila.

"Sino naman ang dalawang ito?"

"Yan ang mga tauhan ni Ace sa New York para magbantay sa mga bihag don. $ 30,000.00 ang ibinigay sakanila ni Ace."

"Huuuuuuuwaaattt? Each?"

"Yes."

"Ang laki ng pera. Kung magpanggap kaya ako tapos bibigyan niya ako ng $ 30,000.00?" Bulong ko sa sarli. Ang laki kaya ng $ 30,000.00.

$~$

"Aray!...." Sabay hawak sa ulo ko.

Ang hilig niyang mamalo ng stick.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon