Chapter 27Ethan's P.O.V.
Nakarating na ako sa bahay. Mukhang natutulog na yata si kuya Lin. Pipindutin ko nalang itong door bell.
*Dingdong *
*Dingdong *
"Sanadali lang!!"
Gising pa pala siya? Akala ko tulog na. Tss....
"Oh, Ethan? Ba't ngayon ka lang? Pasok na."
"Pinanood namin ang black gang." Sabay pasok sa loob.
"Sinong namin? Sino ba ang kasama mo?"
Tss.... Kailangan pa ba 'yon?
"Ahhhh..... 'Yon...... Si pangit lang."
"Ang babaeng sinasabi mong pangit?"
Ang kulit naman. Haist!
"Oo, siya nga..."
Nakarating na kami sa loob at umupo ako sa sofa."Wow, magkasama kayo? Akalain mo yon ang sinasabi mong pangit ay kasama mo pala. Baka dumating ang panahon na magkagusto ka sakani-"
"Ano bang pinagsasabi mo?! Magkakagusto ako sakaniya?! Malabo yon no! Hindi ako magkakagusto sa isang pangit!"
Nakakahighblood na kasi at tsaka totoo naman ang sinabi ko.
"Hey, relax ka lang..... Hahahaha!!......."
Ano bang nakakatawa?
"Ba't ka tumatawa?"
"Hahahaha!!.... Apektado ka kasi sa sinabi ko. Hahaha...."
Walang kwenta.
"Hindi ako apektado, galit nga ako sa sinabi mo."
Kukunin ko na ang notebook at pati ang notebook ni pangit para simulan ang assignment sa mathematics.
"Oh? Anong ginagawa mo?"
Hindi ko nalang siya sinagot. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.
Lin's P.O.V.
May kinuha siya sa bag niya, ito ay dalawang notebook. At inabot niya sa akin ang isa.
"Anong gagawin ko diyan?"
Bakit niya sa akin ibibigay?
"Pwede bang pakisagutan yan?"
"Ba't ako?"
Tss.... Hindi ko naman 'to assignment eh.
"Huwag kang mag-alala mathematics lang iyan, alam kong alam mo yan. Nakapag-aral ka naman 'di ba?"
Iniinsulto ba ako nito? Sasagutan ko na nga baka sabihin niyang bobo ako.
"Siyempre! Kahit kunti nakapag-aral ako no. Akin na nga yan." At kinuha ko ang notebook.
Teka! Lynn Deria ang pangalan na nakasulat dito sa cover ng notebook? Ibig sabihin siya ang may-ari nitong notebook, hindi si Ethan?
"Oh, bakit? Anong problema?"
"Hindi ito sayo ah...."
"Sagutan mo nalang.... Ako, matatapos na ako, ikaw 'di pa nakapagsimula."
"Ano mo ba siya?"
"Anong ano ka diyan? Ang sinasabi kong pangit ay iyan ang totoo niyang pangalan."
Napatingin ako sakanya dahil ngayon ko palang naisip at naipasok sa isip ko na Deria ang apelyido niya.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
ФэнтезиItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...