Chapter 6Alex's P.O.V.
Nandito lang ako sa bahay, nag-iisa, nag-iisip sa mga sinabi ng babaeng 'yon. Kasama ko lang ngayon ang mahiwagang salamin. Oo! Tama! Sasabihin ko sa salamin ang sinabi ng babae kung totoo ba talaga ang pinagsasabi niya.
"Salaming mahiwaga, pwede mo bang ipakita ang nangyari sa sinabi ng babae na sinalo ko raw siya?" Bumulong ako sa salamin at nakita ko,pero ayaw pa rin. Tumigil ang salamin sa pagpapakita at pinause ang letrato ng..... Teka! Ako 'yan ahh... Tapos yong!... Babaeng yan? Siya nga! Alam ko na! Pero bakit hindi ko nakilala? Oo! Naalala ko! Si Liana, may masama siyang balak. Bigla-biglang pinakita ng mahiwagang salamin na linagyan ni Liana ng love potion ang tubig na ininum ko.
Magbabayad siya! Naisip ko ang babaeng 'yon na ikinulong. Pupuntahan ko siya.Vanice's P.O.V.
Napahiga nalang ako sa sahig. Nanhihina na ang katawan ko, masakit na ang ulo ko pati ang tiyan ko. Mamamatay na yata ako dito. Natulog nalang ako. Sino kaya ang makakatulong sakin?
Alex's P.O.V.
Nandito na ako sa palasyo. Ang daming guwardiya. Gusto kong iligtas ang babaeng 'yon. 'Di ko alam kung bakit. Lumalakad lang ako papalapit sa guwardiyang nagbabantay sa labas.
"Ano pong kailangan mo?" Sabi ng isang guwardiya.
"Bakit kailangan pa ba? Inutosan ako ng hari."
Pinapasok agad ako ng guwardiya. Ng ito'y 'di na tumitingin sa akin, dali-dali akong tumakbo papunta sa kulungan ng babae.
"Alex!"
May tumawag sa pangalan ko."Anong gingawa mo rito?"
Ang boses... Ang hari!.... Dali-dali akong humarap sakanya. Kinakabahan ako. Anong gagawin ko?"Ahh... Ummm........" Hindi ako makapagsalita.
"Ano 'yan? Sabihin mo na."
"Gusto ko lang ...... makita ang babaeng....... ikinulong..... mahal na hari."
"Segi, kung gusto mo.... ikaw na ang bahala.... basta siguraduhin mo lang na hindi siya makatakas."
Nabigla ako sakanya. Hindi ako makagalaw, bakit? Sinabi lang niyang sisiguraduhin ko lang na hindi siya makakatakas. Yon lang.... pero ba't 'di ako makagalaw parang tinusok ng karayom ang dibdib ko.
"Alex! Bakit 'di ka makagalaw? Ayos ka lang ba? Sabihin mo lang."
"Wala po.... ayos lang ako.... mahal na hari."
"Ikaw na ang bahala diyan...." Ang sabi ng hari habang naglalakad papalayo. Pumunta nalang ako sa kulungan ng babae. Nang hindi pa ako lumalapit sa kulungan, napansin ko na nakahiga siya sa sahig kaya dali-dali akong tumakbo papunta doon. Binuksan ko yong kulungan niya at lumapit sakanya.
"Hoy! Gumising ka! Gising! Ano ka ba naman?! Gumising ka!" Halos mapaiyak na ako. Hindi pa rin siya gumigising. Nakokonsinsiya na ako sa ginawa ko. Jesus forgive me...
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
FantasyItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...