Guardian Angel

23 5 0
                                    


Chapter 10

Reyna Cientia's P.O.V.

Pinili ko si Liana na maging reyna kung sakali ako'y wala na. Dahil nakita ko ang kanyang kabaitan at dahil malakas siya at kaya niyang iligtas ang kaharian ng White Angel. Kunin ko nga ang mahiwagang salamin kung totoo nga ang desisyon ko. Kinuha ko na ang mahiwagang salamin. Sinimulan ko na.

"Mahiwagang salamin, ipaalam ang buong katutuhanan. Si Liana ba ang tamang reyna para pumalit sa aking trono?"

Ipinakita ng salamin ang liwanag at ito'y naging dilim. Sandali! May pinahihiwatig itong mahiwagang salamin na si Liana ay hindi karapatdapat na maging isang reyna. Dahil kung siya ang maging reyna tiyak ang kaharian ng White Angel ay magiging kampun ng kadiliman.

"Kung gayon mahiwagang salamin, ituro mo sa akin ang tamang Angel na papalit sa akin para maging isang reyna?"

Muli kong tanong sa mahiwagang salamin. May mukha sa salamin, isang babae. Vanice...... Siya si Vanice Calinia.....'yon ang pangalan niya.

"Roger!"

Tinawag ko ang aking kawal, si Roger Isipian ang pangalawang pinakamagaling na kawal dito sa kaharian ng White Angel.

"Ano po 'yon? Mahal na reyna?"

"Nakikita mo ba itong babaeng nasa salamin?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, nakikita ko ang babaeng iyan mahal na reyna. Ano po ba ang tungkol sa kaniya?"

"Siya ang papalit sa akin."

"Ang ibig niyo pong sabihin siya ang magiging reyna namin?" Pagtatanong niya.

"Oo, siya nga."

"Pero hindi ba si Liana ang papalit sa inyo mahal na reyna?"

"Oo, sinabi ko iyon sapagkat hindi ko pinag-isipan iyo. Ngayon nalaman ko kung ano ang kahihinatnan ng kaharian kung si Liana ang magiging reyna. Magiging madilim ang isip ng mga White Angel. Ang tinutukoy na babae ng salamin....siya ang tamang Angel na papalit sa akin." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Bantayan mo siya, dahil alam kong may mga Angel na gustong pumatay sa kaniya." Dagdag ko.

"Opo, mahal na reyna. Babantayan ko siya hanggang ako'y humihinga pa."

"Paalam, mahal na reyna. Ako'y lilisan na."
At tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Mag-iingat ka, Roger." Habol ko sa kaniya.

Roger's P.O.V.

Hi!.... Ako si Roger Isipian. Ang ibig sabihin ng Isipian ay isip. Ang kapangyarihan ko ay nakikita ko ang kahit na anong bagay at kahit nasaan man sila sa pamamagitan ng aking isip. Mabuti nalang na napag-isip isip ng reyna ang kaniyang desisyon. Pumikit ako. Nakita ko na siya!.. Sandali! May kasama siyang black angel? At nandon siya sa kaharian ng black angel?!!! Baka dinukot siya ng lalaking 'yon. Kailangan ako ni reyna Vanice. Ililigtas ko siya, magmamadali ako para makapunta na ako sa kinaroroonan niya.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon