Chapter 41
One Week Later
Lynn's P.O.V.
Maraming araw na ang nakalipas. Sa loob ng mga araw na ito ay sinanay kami ni guro. Mas lalong napalakas ang mga kapangyarihan namin at marami na din kaming natutunan tungkol sa mga goblin. Ayos na rin ang mga sugat namin ni Ethan. Hinahanda namin ang mga gamit na kailangan naming dalhin. Inilagay ko ang dalawampung Isema sa bag na gawa sa kawayan at tinali ko ang buhok ko, style pony tail. Hindi ko na kailangan ang maraming armas. Nagdala lang ako ng dalawang espada, nakasabit ito sa magkabilang gilid ng baywang ko. Binigyan din kami ni guro ng masusuot kagabi at ngayon ay suot na suot na namin ito. Insaktong-insakto lang sakin. Kulay brown ito, gawa ito sa balat ng lobong brown ang kulay ng balahibo. Isa itong mala-dress na kasuotan. Aabot ang haba hanggang tuhod. At may bonus pang boots, ganoon din ang kulay ngunit gawa ito sa balat ng ahas at parang may pocket na maliit na nakakabit sa gilid nito. Kinuha ko ang kutsilyo na gawa sa bato. Hinawakan ko ang talim nito. Pwedeng-pwede ito sa labanan. Inilagay ko na ito sa kaliwang pocket ng kaliwang paa ko."Handa ka na ba?"
Humarap ako sa nagsalita. Itim lahat ng suot niya. May boots rin siya gaya ko pero gawa ang pinagkaiba ay gawa ito sa bakal sa katunayan lahat ng suot niya ay gawa sa bakal.
"Oo, handang-handa na."
Tumalikod na siya at naglakad palabas ng yungib. Sinuot ko na ang bag at naglakad na rin palabas mula sa yungib na ito.
Talagang napalakas ni Ethan ang kapangyarihan niya. Kahit anong armas ang isambit niya ito ay lalabas ng kusa.
"Mag-iingat kayo. Dalhin niyo ang mapang ito."
Inabot niya kay Ethan ang mapa. Isa itong dahon ngunit hindi napupunit. Nagtataka kayo kung bakit nasabi kong hindi napupunit? Dahil sa wala kang makikitang marka ng pagkapunit at sabi pa ni guro ay makikita lang ito dito sa mundo ng mga goblin.
"May tatlong mga halimaw ang nagbabantay sa rias."
Ang rias ay ang kutsilyong makakapatay kay Gerilda. Ikinuwento ni guro ang tungkol sa rias.
Libo-libong taon na ang nakalipas, isang diyosang makapangyarihan ang nagmamay-ari sa rias. Namatay siya dahil sa pinagtulungan siya ng mga masasamang nilalang, pero, nawala man ang pisikal na anyo niya ay nananatili pa rin ang kapangyarihan niya sa rias. Maraming naghahabol sa rias kaya lumabas ang tatlong nilalang na siyang nagsilbing tagapagbantay nito. Sila ay kanyang mga kaibigan na tapat sa diyosa. Kahit sinong masaksak sa dibdib ay tuluyang mawawala dahil dito.
"Tingnan niyong maigi ang mapa at unawain niyo ito ng mabuti. Malalaman niyo kung sino ang makakaharap niyo."
"Pintuang tungo sa tahanan ng rias...buksan mo ito." Sinambit ni guro ang mga salitang ito. Unti-unting lumiwanag ang nasa harapan namin at lumabas ang hugis bilog, kagaya ito sa pintuang patungo sa mga anghel.
"Mag-iingat kayo..."
Ngumiti nalang ako sa kaniya."Maraming salamat guro sa lahat." -Ethan
"Wala iyon..."
Humakbang na ako patungo sa pintuan.
Niena's P.O.V.
Mas tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Ano ba kasi ang meron sa kaniya? B-bakit ba ako nagkakaganito sa kaniya? Hindi ko na ba talaga ito mapipigilan? Aaarrrggghhhh!!!.... Pero naging medyo mag-close na kami ngayon. Kung nasaan ako ay lagi siyang nandoon. Kapag pumapasok ako ay pumapasok din siya. Same grade and same section. Nalaman ko noong tatlong araw na mula ngayon na hindi na siya nag-aaral, nalaman ko rin na first leader siya ng gang sinabi niya mismo sakin. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya. At kahapon ko lang nalaman na nasa Canada na raw si Lynn.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo (Completed)
FantasyItong story ay tungkol sa dalawang savior na ipinaghiwalay. Magkaiba ang kanilang pinanggalingang lugar sa kanilang mundo. At pagdating nila sa mundo ng mga tao marami rin silang nakilala na huhubog sa kanilang pagkatao. Sila ang itinakdang maglilig...