Malalaman Ang Katotohanan

20 3 0
                                    

Chapter 19

Vanice's P.O.V.

Baliw talaga 'tong si Alex. Sobrang....sobrang baliw...teka! Oo nga pala ito na ang pagkakataong malaman ko ang katotohanan. Pero kahit hindi nila sinabi sa akin ng maaga ay hindi pa rin ako galit sa kanila. Handa na ako kung ano ba talaga ang katotohanan. Gusto ko lang marinig iyon sa kanila para mapatunayang to too nga. Naging seryoso na ang mukha ko.

"Ma.... Pa... Totoo ba na hindi niyo ako totoong anak?.."
Natulala sila ng marinig nila ang salita ko.

"Ummmm.... Eh...." Sabi nila ng nag-aalinlangan.

"Sabihin niyo na po sa akin ang totoo. Hindi naman ako magagalit eh.. Basta ang katotohanan."

"Oo, to too 'yon." Sagot ni papa.

Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko ngayon. 'Di ba sabi ko handa na ako? Pero..bakit ganito... Nagsisimula ng magsilabasan ang aking mga luha... Ang hina ko sa mga ganito.

"Nang mga panahon na 'yon, hindi kami magkaanak at sa oras na nagkagulo ang kaharian ng Black Angel at White Angel natagpuan ka namin sa isang madilim na yungib. Pumunta kami don sa yungib dahil don kami may balak magtago. May narinig kaming iyak ng sanggol. Sinundan namin ito. At malaking pasasalamat namin na binigyan kami ng maliit na Angel. Kahit na hindi kami nagkaroon ng anak pero tinupad pa rin ang aming mga panalangin." Pagkukuwento ni mama.

Patuloy na ako sa pag-iyak. Nakakaramdam ako ng pagkalito at pagtataka sa mga nangyayari at may halong kasiyahan. Masaya ako kasi nalaman ko na rin ang katotohanan tungkol sa akin at nalilito dahil hindi ko inakalang ako ang anak ng hari at reyna at nagtataka sapagkat...bakit ako pa ang itinakda ng tadhana na maging anak ng reyna at hari. Ang gulo.

Pero nangingibabaw ang kasiyahan sa akin hindi ko na kailangang magtaka at malito dahil ang mga sagot sa tanong ko ay narito na.

"Pasensiya ka na Vanice na ngayon lang namin nasabi sayo..." Sabi ni papa.

Pinunasan ko na ang mga luhang bumitaw sa mga mata ko. Hindi na dapat ako magsisi pa dahil masuwerte nga ako sa kanila. Sila ang tumuring sa akin na tunay na anak at minahal ako kagaya ng pagmamahal sa sarili nila.

"Ayos lang... Naiintindihan ko naman kayo...."

"Totoo nga ang sinabi ng Spirit Angel na isa kang Prinsesa!"
Sabi ni Roger habang nakangiti.

Nagulat sila mama,papa at Ellie.

"Ipapaliwanag ko po. Siya ang anak ng hari at reyna. Sa panahon na nakipaglaban ang reyna nabitawan niya ang sanggol at ito'y nahulog sa yungib." - Roger

"Kung ganon hindi ka pala karaniwang angel bestie!... Isa ka palang prinsesa!!...." Gulat na gulat na sabi ni Ellie.

"Ang suwerte namin sayo, anak..." Sabi ni mama at papa.

"Oo nga bestie.. Kaya tumigil ka na sa kakaiyak dyan. Para ka kasing bata." - Ellie

Napangiti nalang ako. Kahit kailan talaga 'tong si Ellie.

Magkabilang Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon