Araw ng Martes, kauuwi ko lang galing Foodholic, our restaurant. Hapon pa lang pero nagpaalam na ako na maagang uuwi, nag promise ako kay Althea, kailangan ko yun tuparin."You're early." She said as she open the door.
Tumango lang ako at binigyan siya ng halik sa labi. "Yup."
Ngumiti siya bago lakihan ang pagkakabukas ng pintuan. Dumiretso kami sa sala. Naabutan namin doon yung kinakain niyang chichiria, yung remote sa gilid ng sofa, yung naka-pause na disney movie, The little Mermaid, at yung orange juice sa maliit na lamesa. May kumot pa nga sa gilid katabi nung mga unan.
Nakapatay ang lahat ng ilaw at nakababa lahat ng kurtina, malakas din yung aircon.
"Ilang taon ka na nga ulit?" Natatawang biro ko. Mahilig din naman ako sa disney movies, pero hindi naman katulad ng ganito, sobrang handa siya sa panonood niya, parang nasa sinehan talaga.
Hindi niya pinansin yung pang-aasar ko, narinig ko lang yung mahinang pag tawa niya bago ako hapitin papalapit sa kanya.
"Ang cute mo..." pinaliit ko pa ang boses ko ng sabihin ko iyon.
"Stop teasing me." Pinilit niyang lagyan ng diin ang sinabi niyang iyon na lalo lang nagpatawa sa akin.
"Damn, ang cute mo talaga!" Kusa kong nasabi 'yon. Hindi ko na nainisip pa ang sasabihin niya. Kapag siya talaga kausap ko, lumalabas yung totoong ako, walang pag dadalawang isip lahat ng sinasabi ko.
"Magbibihis lang ako. Bababain kita rito." Kinuha ko yung hand bag ko na nilapag ko kanina sa sofa, tiningnan ko siya saglit bago ako umakyat.
Naglinis ako ng katawan at nag palit ng mas komportableng damit bago bumaba. Nadatnan ko si Althea na maingat na pinapatong yung apat na bote ng Smirnoff sa maliit na mesa. Napalitan na rin ng horror yung palabas.
"Para hindi tayo antukin." Nakangiting sambit niya bago umupo sa sofa. Pinagpagan niya yung bandang gilid niya na senyales para umupo na ako roon.
"Okay lang naman sa akin kahit yung disney movie ang panoorin." Kumuha ako ng chips.
Hindi siya sumagot. Pinindot niya yung play button bago isandal yung ulo sa balikat ko. Dahil mas matangkad ako, ramdam ko yung hirap niya sa pwesto namin dahilan nang biglaang pagkurba ng ngiti sa labi ko.
Mas lumapit ako sa kanya, ni walang hangin sa pagitan namin. Kinuha ko ang libreng kamay niya na nakapatong sa hita niya kanina. Masuyo kong pinaglaruan ang mga daliri nito.
"Are you not tired?" Tanong niya bago dumiretso ng upo. Mas gusto ko sana yung pwesto namin kanina pero nung nakita ko na inabot niya yung alak gamit ang isa niyang kamay, hindi na ako nag protesta pa.
Nakatitig lang ako sa kanya habang lumalagok siya ng alak. Kitang kita ko kahit ang pag lunok niya rito. Napaawang ang labi ko nang dilaan niya yung labi niya para tanggalin yung alak na napunta roon. Damn it! Lahat napapansin ko.
"Medyo..." I looked away.
Alam kong ramdam niya ang pag titig ko. Ang hindi ko alam, ay kung bakit parang wala lang sa kanya ang lahat.
Kinuha ko yung isang bote ng akin at dirediretso ko yun ininom. Hindi pa sana ako titigil pero naramdmaan ko yung pag diin ng haplos ni Althea sa hita ko.
"Why did you do that?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko naman kasi naramdaman yung pagkalas ng kamay niya sa akin kaya nagulat ako sa pag diin ng hawak niya sa hita ko.
Pinunasan niya gamit ng panyo, na hindi ko alam kung saan nanggaling, yung alak na tumapon sa bandang baba ko at gumapang pa-leeg.
"Baka mas antukin ka kapag nakainom ka, wag mo masyado biglain..." her voice is like a music to my ears, sobrang sarap pakinggan.
Gusto ko siyang mainis kaya nilagok kong muli yung alak. Napangiwi pa ako pagbaba ko ng bote, paano ba naman kasi, naubos ko na. Isang bote na lang natirira sa akin.
"Mariz," may diin yung pag tawag niya sa akin pero tiningnan ko lang siya bago ibalik yung paningin ko sa pinanonood namin.
Hinawakan niya yung baba ko at hinarap iyon sa direksyon niya. Her lips are half open and her eyes looks sleepy but I can see desire in them. Ngumiti ako bago haplusin yung leeg niya, patungo sa batok.
Nakita ko kung paano biglang pumikit yung mata niya at kung paano niya kagatin yung ibabang labi niya ng may kadiinan. I want to bite those lips too!
"Mariz..." she whispered.
I closed the remaining distance between us. Hinalikan ko siya sa paraang gusto ko. Mapaghanap ito at mas malim.
As our kiss got deeper, an involuntary moan came out from her mouth, that sounds like my next favourite sound. Dahan-dahan akong pumang-ibabaw sa kanya. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong posisyon pero nakahiga siya ngayon sa sofa, at nakapatong ako sa ibabaw niya.
I gently bit her lower lip, mas nanggigil lang ako nang muli siyang umungol. "Mariz..." hirap na hirap na sambit niya. I left her mouth only to plant soft and wet kisses on her jawline, down to her neck.
"Fuck." She cussed.
Napangiti ako dahil nasa akin ang kontrol ngayon. Kayang kaya ko siyang pasunurin sa ano mang sabihin ko, pero wala akong balak pahirapan siya. She deserves to be treated the right way.
Marahan kong hinaplos yung tagiliran niya at dinama yung init ng balat niya. Her curves are so defined, sobrang flat din ng kanyang tiyan.
Nanggigigil na kinagat ko yung leeg niya. Narinig ko pa yung mahinang pag ungol niya nang ginawa ko 'yon. Bumalik yung halik ko sa labi niya at mas dumiin yung palitan namin ng halik.
Para kaming binuhusan ng malamig na tubig nang tumunog ng dalawang sunod yung doorbell. Napaayos kami ng upo at umastang parang walang nangyayari dahil bumukas yung pinto.
"Love, ang aga mo yata?" Si Luke.
Naramdaman ko yung pag lapit niya sa akin. Pumwesto siya sa harapan ko bago niya bahagyang niluwagan yung suot niyang tie.
Lumuhod siya sa harapan ko bago ako halikan sa labi, hindi ko alam kung iiwas ba ako o hahayaan siya. Pero ginawa ko yung una, tinulak ko siya at agad na pinutol yung halik.
He looks confused pero hindi ako nagpatinag.
"Alam mo namang may tao." Iritadong sambit ko. Ano na lang iisipin ni Althea sa akin?
"Huh? Hindi naman ba iba si Althea sa ak—"
"Kahit na!" Umirap pa ko nang sabihin ko iyon. Nag walk out ako at dirediretsong umakyat sa kwarto.
Naiinis talaga ako! Sobrang nakakainis!
