Chapter 14

5.5K 173 10
                                        



"Hindi ko naman nagustuhan," sumimangot pa si Madison nang sabihin niya iyon. "Bihira na lang talaga yung magandang movie these days."

Madison being the person that she is. Mataas talaga yung standards niya when it comes to films.

"Hindi naman sa nanghihinayang sa pera, it's just that... they can do something to make their film better pero masyado silang nakukuntento sa mga gawa nila." She then rolled her eye balls.

"Mag kape tayo, mag kape na lang tayo." I held her hand. "Masyado kang mainit, Madison."

Umirap siya pero hindi naman tumanggi. Hinayaan lang akong hilahin siya sa malapit na cafe.

Aahh. I love the smell.

"So, how's life?" She asked right after we sat down.

Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang tuluyang nag usap. 

"Ayos lang," nag kibit-bakikat ako. "Sumisipa pa." dinagdagan ko pa ng mahinang tawa sa dulo.

"Oo nga pala," she unlocked her phone. "A friend of mine, wants to meet you." She handed me her phone.

Nagulat ako nang magandang babae yung nakita kong kasama niya. Is this real?

"Eh, babae kaya 'yan." Naiilang na sambit ko.

As if naman hindi ako papatol sa babae.

I laughed at my own thought.

"She's a femme." She then look at me. "Isn't she pretty?" She smiled. 

Nagkibit balikat ako at marahang natawa. 

It seems like she can see through me. 

"Dito ka nga." Tinapik niya yung upuan sa gilid niya. 

Tumayo ako agad at tumabi sa kanya. 

"Marami pa siyang pictures dito, eh." At isa-isang pinakita sakin yung mga pictures na magkasama sila.

"Ang ganda niya," mahinang sambit ko.

"Yup, at maganda rin ang gusto niya." Tinignan niya ako bago makahulugang ngumiti. "Ano?"

"Ewan ko sayo. Dun ka nga." Tulak ko sa mukha niya na masyadong malapit sakin.

"Hoy, fyi, hindi ka na lugi sa kaibigan ko, ha?" Pag kumbinsi pa niya. "Maganda yan sa personal, saka," mas lumapit siya at bumulong. "Magaling sa kama."

Nanlaki yung mata ko pero sabay kaming tumawa.

"Hey,"

Sabay na nawala yung tawa namin ni Madison.

"Althea," nabiglang saad ko. "You're here." Hindi makapaniwalang dagdag ko bago tumayo at makikipag beso sana sa kanya.

"Obviously." Umiwas siya sa akin pero hinawakan yung pisngi ko at hinalikan ako sa labi.

"A—ah. Si, ano, si Madison." Ilang kong saad. Lumipat ako agad ng upuan, sa tabi niya, sa harap ng kaibigan ko.

"Hi," Althea smiled. "Sorry to interrupt. My girlfriend didn't tell me that she's having a date today." She then looked at me.

"Ah, yeah, Mads, uhm, ano," Anong sasabihin ko?

Kailangan ko makausap si Althea pero nag usap naman kami ni Madison na saamin yung araw ngayon.

Naramdaman ko yung medyo madiing pag hawak ni Althea sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Nahuli ko yung tingin ni Madison doon. Nailang siguro kaya tumayo.

I fell in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon