Nagkasundo kami na manunuod muna ng sine bago kumain ng dinner at uminom ng kaunti. Siya yung pumili ng bar kung saan kami pupunta at sinabi niya rin na sagot niya lahat. I refused, of course, but knowing her, being the stubborn girl that she is, hindi niya ako pinayagan na gumastos kahit sa inumin lang sana mamaya."You done?" She asked when I went out of the room. "Oh, yes! You're still not!" She exaggeratedly exclaimed.
"Sandali na lang, yung buhok ko kasi." Ngumiwi ako.
"Itali mo na lang, Mariz." She suggested.
Oo nga, ano? Bakit hindi ko naisip 'yon?
Agad kong itinali sa isang mataas na ponytail ang lahat ng buhok ko. Hapit na hapit iyon na bumagay sa suot-suot kong black long sleeved off shoulder at isang itim din at hapit na pantalon na may hati sa bandang tuhod sa kaliwa. My make up is on point, too. Sinadya kong kapalan ang lipstick ko para bumagay sa smokey eyes na gawa ko.
"Let's go," I said.
Things went smoothly. We ate our dinner at a Filipino restaurant here in BGC. Nagpapahinga lang kami saglit at nagpapababa ng kinain para mamaya, hindi kami masyadong busog bago uminom.
Tumayo kami at tumambay muna sa labas ng bar.
Kita namin ang mga taong naglalabasan at pumapasok sa loob. May mga tao rin dito sa labas. Ang iba, nag uusap ang iba, naninigarilyo pero karamihan, gumagamit ng kani-kanilang telepono.
"Stop starring..." mahina kong saad nang mapansin ang malalim niyang titig. Ngayon lang ako bumaling ulit sa kanya dahil sa pag iwas ko ng tingin sa isang couple na naghahalikan.
"Sorry," hinawakan niya ang siko ko. "I can't." She said before pulling me closer.
Agad kong naamoy ang bango niya. Ngayong malapit siya sa akin, mas naramdaman ko yung presensya niya. Parang ang tagal-tagal naming hindi nag kita at nag usap.
"Damn!" She silently cursed. "I missed you..." bulong niya sa akin.
"I missed you too." Bulong ko rin sa bandang tenga niya.
"Damn, baby! I missed you so fucking much," madamdamin niyang saad bago isiniksik ang mukha sa aking leeg. "Fuck!" Ilan pang sunod na mura ang narinig ko pag tapos noon.
Agad kong kinagat ng sobrang diin yung labi ko nang naramdaman ko yung mumunting halik na ginagawad niya sa leeg ko.
"Fuck! I missed you," she said. Muli niyang hinalikan ang leeg ko. "Fuck it, baby," nanghihina niyang saad bago ako niyakap ng sobrang higpit.
Inangat ko ang mukha niya paharap sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na bahagyang naka awang ngayon. Kahit pa kagat kagat ko ang pang ibababang labi ko, ramdam ko pa rin ang pananabik non na lumapat sa kay Althea.
Hindi pa man ako gumagalaw, naglapat na ang mga labi namin. Talaga ngang namiss niya ako!
Malambing niya akong tiningnan nang kumalas kami sa halik.
"I'm sorry for being so busy lately," she breathed out. "I tried to make time for us. Pero kasi, si baby Dexter kailangan ako kasi umaalis alis si Mabel dahil sa trabaho niya. Tatawagin sana kita para papuntahin don kaso, may trabaho ka din naman." She looks so guilty."It's okay," nakangiti kong saad bago ikulong yung mukha niya sa mga palad ko. "Naging busy rin naman ako. Isa pa, we needed that space that we had... alam mo na... hindi naman madali yung nangyari." Napaiwas ako ng tingin.
"I know. I'm sorry," hinawakan niya ako sa baba at ipinagtagpo ang mga paningin namin. "Sorry... pero kung babalik man ang oras, pakiramdam ko, magugustuhan pa rin kita." She caressed my face. "Pipiliin ko pa rin na makasama ka." Malambing na saad niya.
Isang yakap ang iginawad ko. Mahigpit na mahigpit.
"Wala akong pinag sisisihan..." namanaos kong saad. Parang gusto kong maiyak na ewan. May mga luha na ayaw kong pigilan kasi hikbi ang lalabas kung pipigilan ko sila.
"No! Don't cry..." she wiped away my tears. "Baby please..." natawa ako sa kanya.
Natatarantang pinunasan niya ang mga pisngi ko. Dahilan kung bakit ako lalong naiyak. Sana palaging ganito. Sana palaging kami lang dalawa. At sa sinabi niya kanina, kahit ako... kung babalik man ang panahon, pipiliin ko pa rin yung pinakamagandang pagkakamali na ginawa kong desisyon.