Days flew by quickly. Days turned into weeks. Weeks turned into months.Noong una, it was hard for me to keep up. Hindi ko alam. Siguro dahil bago lang sa akin yung ganitong relasyon. O siguro, dahil ayaw kong may magkamali sa aming dalawa.
"Stop staring..." with her sleepy voice, she stated.
"I'm not." Pag sisinungaling ko.
"I can feel your stare at me, Mariz. Stop lying."
Okay. Ikaw na magaling.
I was about to laugh and say something pero naputol iyon nang inilapit niya ang katawan niya sakin at yakapin ako ng mahigpit.
"You already took a shower?" She asked with her groggy voice.
"Yup. Tumabi lang ako ulit."
"Ihahatid kita mamaya sa resto bago ako tumuloy sa work. We'll be shooting for the new clothes—"
"Wait!" Iritadong sigaw ko sa tuloy-tuloy na pag tunog ng doorbell. "Get up, babe." Hinalikan ko siya sa pisngi bago bumangon at lumabas ng kwarto.
Iritado at nakataas ang isang kilay nang buksan ko ang pinto. Ready to fire back, I opened the door.
"What the f—" naputol ang sasabihin ko nang isang magandang babae ang bumungad sa pinto.
With her pale skin, red lips, black fitted dress, silver stilettos, and her blonde hair. "I'm sorry." Nabigla niyang saad at tiningnan muli ang pintuan. Nanliit ang mga mata niya nang makita ito.
"Mariz, sino 'yan?" Althea held my waist as she opened the door wider.
Bahagya siyang nagulat at ganon rin yung babaeng nasa pinto.
"What are you doing here?" Althea asked with her emotionless face.
"I— I, uh," the girl looked at me, tapos tumingin ulit kay Althea. "Gusto sana kitang makausap..." she looked down.
"We are done, Nathalie. You know what you did." Nanliliit ang mga mata ni Althea nang sinabi niya iyon.
Walang sali-salita akong humakbang paatras.
"No. Dito ka lang." mahina niyang saad habang mahigpit na nakahawak sa tagiliran ko.
"You two need to talk. Sa kwarto lang ako." Mahina ngunit may diin na sagot ko.
Hindi ko na siya hinintay na mag salita. Hindi ko na rin nilingon yung Nathalie. Dire-diretso ang lakad ko at hindi ko matandaan kung kumurap ba ako bago pumasok sa kwarto namin.
"Why are you here? Hindi ba tapos na tayo?" Iritadong pauna ni Althea.
"No... hindi naman tayo nag hiwalay 'di ba? Walang closure, love." My tears fell down to what I've heard. Damn.
"Please, Nath. Yung girlfriend ko, nasa loob lang ng kwarto namin. Hindi ka ba nahihiya?"
"Althea... Althea, please." Naririnig ko kahit ang pag iyak niya mula dito sa likod ng pinto.
"Nath, mahal ko si Mariz. She completes me. Ayaw kong magkaron kami ng conflicts just because you came here."
"Pero Althea, paano yung four years nating relationship? Itatapon mo lang?"
Hindi sumagot si Althea. Wala akong narinig na nagsalita mula sa kanilang dalawa and that's the reason why my heart started beating too fast. Kailangan ko ng tubig pero gusto ko rin marinig kung ano ang sasabihin ng mauunang mag salita.
