"Yes, Jane. I am so back. Miss me?" Pang asar na pasok ko sa opisina niya. Floods of messages and missed calls. Talagang namiss nga ako ng pinsan ko."Anong trip 'yon?" Tumayo siya at humalik sa pisngi ko. "Three days? Talaga?" Sinarado niya yung laptop na kanina pinipindot niya.
"I miss you too, grabe!" Natawa ako nang tuluyan. "Babalikan kita dito if you need to discuss anything. Balita nga pala doon sa hinahanap mong babae?"
Nag iwas siya ng tingin at muling binuhay yung laptop niya.
"Pupunta na lang ako sa lungga mo, ha? Pirmahan mo lang yung doon sa Makati na pag bubuksan natin. Maayos naman pati malawak. Siguro it'll take... three to five months kasi wala namang second floor. Yung designs din naman katulad lang dito and sa parking lang. basta. Pupuntahan kita."
"Okay. Nasa email ko naman siguro. I'll check everything tapos pag usapan natin mamaya."
Sinabi ko na nga ba, magagawa ni Jane yung mga kailangan niyang gawin pero syempre may mga trabaho pa rin na kailangan ako.
No wonder I received a lot of messages and missed almost all of her calls.
Naputol ang pag isiip ko nang pumasok si Althea. Black slacks, red tux, red heels, red lipstick and her high and tight ponytail. Wow.
"Baby," hindi ko alam kung hot ba talaga ang pagkakasabi niya o sadyang 'yon yung dating sakin.
"May lakad ka?" Tumayo ako at binigyan siya ng halik sa labi.
"Yeah, actually," lumapit siya at hinalikan ako ulit sa labi. "I actually need a partner."
"Ngayon na?" Biglaan naman yata? Ni hindi ko manlang alam na may event siya na ganito.
"Ipapaalam na lang kita. I really need a date. Nath will be there and alam ko na hindi ka naman matutuwa kung siya yung ipapartner sa akin. Short program tapos dinner." Naupo siya sa swivel chair sa harapan lang ng lamesa ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Yup, you need to change..." mahinang sambit niya na sakto lang para marinig ko.
"Malamang! Ang ganda-ganda ng ayos mo tapos ako nakapantalon tapos blouse lang." umirap ako nang sabihin ko 'yon.
May mga spare clothes ako dito. Since dress is one of my favorite type of clothe, maraming dress dito na nakatabi lang sa cabinet. May price tag pa nga yung iba.
"Kausapin mo na lang muna si Jane habang nag aayos ako. I'll just call you when I'm done fixing myself." Ngumiti ako at lumakad papasok sa isang pintuan na nag lalaman ng mga gamit na hindi naman usually nakikita sa mga office. It's like a private room but a 'mini' type.
Tinignan niya yung relo niya sa kaliwang palapulsuhan bago ako inangatan ng tingin at ngitian. "You still have forty minutes, love. Take your time." Lumapit siya at humalik sa akin. "Go and change now." Humalik siya sa noo ko bago ako tuluyang pinakawalan.
I was wearing my black stiletto when Althea came in. She's looking at me as if it is her first time seeing me wearing something like this.
Lumapit siya at tinulungan ako sa pag suot ng sapatos ko. Umaabot sa magkabilaang tainga yung mga ngiti niya. Her eyes are sparkling, I don't know if it's because of the light or it's naturally this pretty sparkly.
"You look really beautiful..." malambing niyang saad nang makatayo na kami pareho.
Umirap ako at mahina siyang hinampas sa braso. Parang ewan talaga 'to.
"This dress suits you," mahina niyang sambit habang tinetrace yung strap ng dress na suot ko. "You look so hot." She added.
"You look so hot, too. Ayaw ko namang mag mukhang hinatak mo lang 'no." Sumimangot ako at umirap.